Chapter 36: Chasing

45 2 1
                                    

I won't stop chasing the hurricane.

Sofia's POV:

"Serene, square tayo." Sabi ko habang naglalakad kami sa camp.

"Huwag mong sabihin na sa akin mo ibubunton 'yang sakit ng loob mo?"

"Gusto ko lang makapag-unwind. Tawagan mo na rin si Meg."

"Hindi makakapunta 'yon. She's with her boyfriend. Passes ng Team Navy ngayon." Nakangisi niyang sabi.

"Nakaganti ang loko. Ode siya na ang may boyfriend." Sabi ko, "Tara sa kotse."

     Ibinigay ko sa kanya ang susi ng kotse ko at alerto naman niyang nasalo iyon.

"Sa Rivendel ba tayo?" Tanong niya.

"Oo. Sparring tayo." Sagot ko at pinagana na niya ang makina. "Serene, bakit kayo naghiwalay ng landas ni former Maj. Gonzales ng Navy?"

"P-Paano mo nalaman 'yon? Lakas mong maka-chismis boy." Sagot niya.

"Sa Navy si Meg." Sagot ko para masagot na ang tanong niya, "So, bakit nga?"

"Mahabang istorya. Basta kailangan lang talaga naming maghiwalay no'n." Sagot niya.

"How about Travis Villareal? Ang superior ng air force ngayon, bakit di kayo nagkatuluyan?"

"Bakit ang dami mong alam? Seryoso ka diyan? I can't believe you." She chuckled.

"Just give me the details."

"Fine. Naging kami ni Trav pagkapasok namin ng academy, syempre it's a secret. Kaya lang nalaman ni Ma'am Bayona. And of course ano ba ang rule sa loob?"

"We, the cadets, do not lie, cheat, steal, nor tolerate among us those who do so." I said.

"Exactly. Tinulungan naman niya kami kaya lang nagkahiwalay din dahil tinuring niya akong competitor niya. At ang sumalo nga sa akin ay si Anton ng Navy. Naging kami noong makuha ko na ang captainship ko sa air force kaya lang nagkahiwalay din kami dahil mahal pa niya ang ex niya." Kwento niya.

"So natuhog mo na pala ang dalawang superior ng magkabilang service. Pfft." I chuckled.

"Grabe ka sa natuhog." Sagot naman niya.

      Nagkwentuhan pa kami ng kung anu-ano hanggang sa makarating kami ng alconde. Ito ang lugar kung saan kami nagpapraktis sa pagsuntok palagi.

"Hindi ako magpapakapawis ngayon. Hihintayin na lang kitang matapos. Sand bag na lang muna ang gamitin mo ngayon." Sabi niya.

"Ang duga mo, boy." Sagot ko.

"Ayokong maging punching bag mo no."

"Reading you five, Lt. Col." Sagot ko at inirapan siya.

Kaiden's POV:

     Pagkagising ko ay naramdaman kong may nakahawak sa kamay ko. Nang lingunin ko ay si Mikaela, nakatulog na siya sa pagbabantay.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
In the Midst of ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon