JINO
Tama ba tong ginagawa ko? Pumunta ako dito sa bahay nina Kailene? Ano ang gagawin ko pag nagkita kami? I still love her. I never stopped actually. I have loved her then and until now, mahal ko pa din siya. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag kay Kevin na dito na lang sa bahay nila ako tumira at hindi sa hotel. Malayo nga ito sa city proper. Mayaman eh kaya mansyon sa laki. MAsuwerte si Kailene at mahal siya ng asawa niya. He made it a point na pwede ko daw bisitahin si Kieran pero the decision kung ipapahiram sa kanya ni Kailene ay kay Kailene lang. Sabi pa ni Kevin na hindi daw niya kailan man igigive up si Kailene atKieran unless si Kailene na daw ang aalis. SInabi din niya na lahat ng properties niya, kay Kieran mapupunta at kay Kailene. Pero 90%of his estate will go to Kieran.
Pina DNA ko si Kieran using yung mga ginamit niya sa hospital. Hindi alam ni Kevin at ni Kailene about the DNA testing. Magagalit sila sa akin tiyak. Pero kailngan ko malaman. Kailangan ko din panindigan ang pagiging ama ko sa anak ko.
CONCLUSION:
Joseph Isaac Nicolas Jimenez is not excluded as the biological father of Kieran Matthew Clarke 98.99%
Yan ang nasa DNA test na pinagawa ko. Nung masigurado ko na akin talaga siya, I contacted Kevin para makiusap na payagan akong bumisita kay Kieran. Hindi ko siya kukunin or hindi ako makikipaglaban sa korte para makuha siya or para i wage ang pagiging ama ko sa kanya. SInabi ko din sa kanya na hindi ko din i a aattempt na kunin si Kailene. After days of talkingto him pumayag siya. Sabi niya hindi na lang daw niya sasabihin kay Kailene at tiyak na hindi na naman siya pumayag. So he came up with a plan. Kaya nandito na ako sa bahay niya ngayon.
Maswerte si Kailene at ang anak ko nakatagpo sila ng katulad ni Kevin. Noong una nag aalangan ako na kausapin niya at baka murahin lang niya ako pero hindi. Hindi ko narinig sa kanya ang mga mura at mga panunumbat. Sabi niya, kailangan malaman ni Kieran kung sino talaga siya. Pero binantaan din niya ako na huwag nang guluhin ang sitwasyon nila at ipinangako ko rin naman na hindi ko sila babawiin. Alam ko kahit gay siya, mahal niya si Kailene. Nararamdaman ko. Nung dumating nga kami dito sa bahay nila hinanap niya agad si Kieran at si Kailene.
Tok! Tok! Tok!
"Yes?"
"Sir, dinner is served. Mr Clarke wishes to have dinner with you at the west wing. If you would follow me."
"Okay, thank you."
Buti na lang at nakaligo at nakapagpalit na ako ng damit kanina. West wing! Aaahhh nasa East wing ako. Kung sa Manila, yung bahay ni Dad ay isa na sa pinakamalaki sa area with 15 rooms, manliliit yun dito hahahaha. Mas malaki pa yata ito sa palasyo ng hari at reyna sa London eh. May butler sila huh. Parang hotel lang eh.
Pagdating ko sa lugar kung saan kami kakain, buhat buhat na ni Kevin si Kieran. Pinapakain niya ito. Napansin ko na maliit lang ang area na kakainan namin. Small round table na may 4 na chairs at isang high chair para siguro kay Kieran. Intimate dining. Kung sa Pilipinas parang pang maliit lang na pamilya. Ang give away lang na mayaman ang kumakain eh may dalawang maids na naghihintay kung ano ang iuutos at yung butler nandun din. Pagkakita sa akin ni Kieran, natigilan siya sa pagtawa. Napatingin si Kevin sa pinapanood ng anak niya, anak ko.
"Oh Jino you're here. Have a seat."
"Thank you."
Napansin ko wala si Kailene at dalwang plato lang ang naka set.
"Kailene is sick and she won't be joining us tonight. She might join us for breakfast tomorrow. She got the bug yesterday"
"Oh, okay. I hope she will feel better now"
He looked at me and I did not say anything. What does he want me to say?
"You wanna feed him?"
"Sure, but I don't know how. I'l try."
"Here you go. Hey K, uncle Jino will feed you buddy."
UNCLE? Oh okay. Ayaw pa pumunta ni Kieran sa akin. "Baba" siya ng "Baba" kay Kevin. Pero pumayag din siya nung kausapin ni Kevin. Iniwan muna niya kami ni Kieran para daw pakainin muna si Kailene. Nung una yung nanny niya ang nagsusubo ng pagkain. Pagkatapos ay ako na. Pumayag naman siya. Yung pakiramdam ko nung una ko siyang hawakan parang sasabog ang dibdib ko. Lahat ng naramdaman ko kay Kailene noon at maging ngayon ay parang sabay sabay na naramdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam ngunit kakaiba. Unexplainable. Anak ko nga ang batang to.
BINABASA MO ANG
SECRET LOVERS
RomanceTwenty three years old young tycoon Jino Jimenez and eighteen years old Kailene Gonzales have been the best of friends since he was 10 and she was five. Kailene met American Billionaire Kevin Matthew Clarke who would take all the responsibility th...