KAILENE
Bakit ba ako pumayag payag dito kay Josh na pumunta dito sa party na magkasama eh. PAg pasok pa lang namin, okay pa lang ang mga tao. Nagkumustahan. Matagal nila akong hindi nakita. Yung iba nag co condolence pa din sa akin. sabi ko naman dalawang taon na. Okay na. Akala nila kasama ko lang si Josh. Siyempre pagdating namin iniwan niya agad ako sa mga pinsan namin na nagtatanong sa akin kung ano na ang nagyari sa akin. na balita nila ang yaman ko na daw etc. etc. Biglang bumalik si Josh sa tabi ko at binulungan ako.
"Huwag kang magpapahalata huh? NAndito si Kuya kasama si Kayla."
"Huh?"
"Kanina ka pa niya tinitignan. Aakbayan kita huh? Tapos sayaw tayo dun sa dance floor."
"Ngek, theme song namin yan noon!"
"May nalalaman pa kayong theme song. Baduy niyo ah. Pero sige na sayaw tayong sweet."
Our dreams are young and we both know
They'll take us where we want to go
Hold me now, touch me now
I don't want to live without youNothing's gonna change my love for you
You oughta know by now how much I love you
One thing you can be sure of
I'll never ask for more than your loveNothing's gonna change my love for you
You oughta know by now how much I love you
The world may change my whole life through
But nothing's gonna change my love for you"Grabe titig niya sa atin. Gusto niya yata akong patayin hahaha"
"Nasan ba siya di ko makita."
"Nandun sa table na malapit kina Lola. Kasama niya yung girlfriend niya."
"Ganun ba?"
"Mommy? I wanna dance with you too."
"Kieran you wannt me to carry you so Uncle Josh Mommy and You will dance together?"
"Yes Uncle Josh I like that. You are like my Dad. You are fun."
So sumayaw kaming tatlo. Si Kieran nasa gitna namin ni Josh. Yung isang kamay niya nasa likod ko para malapit kamingtatlo. Umiyak ako, Naalala ko si Kevin. Parang naaawa ako sa sarili ko sa ginagawa ko. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag pero, nadnito na to eh. Di bale in a couple of weeks babalik na kami ni K sa Boston. Wala na din lahat ng ito.
"Mommy, don't cry."
Tinignan ako ni Josh. Tumigil siya sa pagsasayaw. binuhatna niya ngayon si Kieran sa isang kamay niya at yung isang kamay niya naman ay hinapit sa beywang. ko. What a scene we must be pero wala siyang pakialam. He led us away from the dance floor, away from the crown. Si K, nakita ang mga pinsan niya, bumaba agad at p[umunta agad sa kanila iniwan ako kay Josh na hindi malaman kung ano ang gagawin.
"Kailene, sorry. Did I do something?"
"Hindi Josh, na miss ko lang si Kevin. Para kang si Kevin ang bait sa amin ni Kieran habang yungtatay niya, hindi man lang kami lapitan or kahit na si Kieran lang ang lapitan niya. Wala."
"Tanga lang ang kapatid ko Kailene. Masyadong slow. Hindi niya alam na he is losing a goldmine. Pagpasensiyahan mo na siya. Pero, tangina, pabayaan mo siya kasi you do not deserve that kind of man. You deserve more.You deserve a better one."
"Kevin was the better one Josh."
"Alam ko Kailene. I know."
JINO
Pagkakita ko sa kanila ni Kieran na dumating kasama si Josh nagulat ako. Hindi ko alam na nandito na sila. Bakit di nila sinabi sa akin? Bakit walang nagsabi sa akin? Gusto ko sanang lumapit kaso nakita ko si Josh na kung makapulupot kay Kailene, parang may relasyon sila eh. Ganun ba yun? Kailan pa? Nung hindi ako pumupunta? Nung siya na ang palaging kasama niya?
BINABASA MO ANG
SECRET LOVERS
RomanceTwenty three years old young tycoon Jino Jimenez and eighteen years old Kailene Gonzales have been the best of friends since he was 10 and she was five. Kailene met American Billionaire Kevin Matthew Clarke who would take all the responsibility th...