WHAT WE FEEL IS SO REAL

8.2K 238 1
                                    

JINO

I did not know that the Atkinsons were invited to dinner. I thought she went to Baguio, bakit nandito to? relatives lang ang alam ko. If nalaman ko na nandito tong si Beatrice sana niyaya ko na lang si KD sa labas kami kumain.

"Jino?"

"Yes?"

"Your family is lovely. I did not know that you have such a beautiful Mom."

"Oh thank you dear."

Haynaku nagpabola naman tong si Mom. Nakatingin lang sa akin si KD, hindi ko mabasa ang expression niya.

"Kylie.."

"It's Kailene"

"Oh I'm sorry.Kailene, where are you studying in the US?"

"Harvard."

"I wanted to go there but I was offered a slot at the King's College so I took it."

"Oh I see."

Then they started talking about business. Some of us started getting up and excusing themselves. Yung iba umiwas lang sa boring na usapan about business. Kailene excused herself and I followed her. Pumasok siya sa rec room where most of our cousins are, Madilim at nanonood sila ng re runs ng Vampire Diaries. Ayoko pero nandito si Kailene eh.

"Labas na lang tayo. Let's drive around."

"Tara."

We went out using the backdoor para makaiwas kay Beatrice and the rest. Para hindi kami tanungin kung saan kami pupunta. We took her car. Ako nag drive. Paikot ikot lang kami sa village. Then she kissed me. It was a kiss on the cheek. I looked at her and she was smiling at me. Hindi ko na alam kung anong mahiwagang nangyari at bigla na lang akong parang nabuhusan ng pagmamahal thatI felt so warm inside. Nungmakahanap ako ng isang bakanteng lote sa kalapit na subdivision kung saan dumadaan ang mostly na taga Village, inihinto ko ang sasakyan niya. Malayo sa lamp post at nakakubli sa mga talahib na matataas. Walang buwan ngayon. Pinatay ko ang sasakyan at ang tanging ilaw lang ay galing sa mga sasakyang dumadaan.

"I missed you KD"

"I missed you too. Gusto ko na bumalik sa America"

"Huh? Bakit?"

"Para masolo kita. Dito ang dami ko kahati. Hindi pa pwedeng PDA at baka mashock sila."

"Ako din naman eh.Gusto ko din sabihin sa kanila kahit na ano ang mangyari, magalitman sila, kakayanin ko for us. Kaso inaalala kita eh."

"Naiinis na ako Jino eh. Di ba pwede naman sa batas ang second cousins? Hindi na kasalanan sa Diyos at sa batas yun/"

"Kaso nga, maiintindihan kaya nila tayo?"

"Kiss me na lang."

"I love you."

"I love you too."


AUTHOR'S NOTE: YOU HAVE TO BE A FOLLOWER TO READ THE NEXT CHAPTER, THANK YOU

Kung hindi niyo makita yung mga naka private view kahit follower na kayo, please  refresh na lang po or log out na lang kayo ulit para mag appear. Minsan kasi palpak ang Wattpad. Maraming salamat po

SECRET LOVERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon