LOUISE

7.1K 200 1
                                    

JINO

It's been four years since I learned about Kieran. I still visit him in Boston at pag dumadalaw naman siya dito sa Pilipinas he spends time with me. UNCLE pa din ang tawag niya sa akin. Madaldal na siya, ang dami na niyang alam. Si Kailene, hindi pa din niya ako kinakausap. Kakausapin lang ako kung wala na siyang choice. I still love her. God knows how much and for how long will I love her? Well, I probably won't stop lovin her for as long as I live. Kaso hindi na pwede eh. Mabait si Kevin and I will not do anything para magalit siya or abusuhin ang pagiging mabait niya. So instead na gumawa ako ng paraan para mag usap kami ni Kailene, umiwas na lang din ako sa kanya. Kinakausap ko lang siya about Kieran, I told Kevin na gusto ko magbigay for Kieran, sabi niya I have to talk to Kailene about it. So since di pa kami nakakapag usap ni Kailene, yung money na monthly dapat na binibigay ko Kieran, nilalagay ko sa bank para pag okay na, yun ang ibibigay ko.

Para maka iwas na din kay Kailene, I started dating someone. Her name is Louise Santiago. Anak siya ng General. Maganda, sexy and matalino. Parang Kailene lang. Pero si Kailene mabait at magalang. She is a doctor. May clinic siya sa hospital nina Uncle Dwight. Ipinakilala nila siya sa akin. Except for some minor misunderstandings nuon, we're doing fine. Sabi niya masungit daw ako noon. Di ko daw siya pinapansin. Which is true naman kasi nga di ko siya type nun eh.

Louise is a liberated woman. She and I have done it several times and I guess it wasn't that bad. She has been asking me when do I plan to marry her. Siyempre di pa naman ako ready sa ganyang commitment eh. Hindi pa. So yun nga minsan iniiwasan ko din siya. Okay she and I are dating, not exclusively dating, huh! And she's asking me about marriage?

So I go out with other girls too. One time muntik pa siyang makipag away sa isang babae who kissed me on the mouth na nakita ni Louise. Yun girl naman kasing yun hindi nakakapagpigil, nung makita ako hinalikan ako hahaha. INaway din ako ni Louise after. Unlike Kailene, she would wage war come hell or high water, and that is not what I want for a wife. Gusto ko yung tahimik athindi pala away.

"Sweetie, I thought susunduin mo ako? Buti na lang ako na ang pumunta dito sa opisina mo."

"May meeting kasi ako eh."

"What? Meeting na naman?"

"Yes and I have to go Louise. My meeting will be in about half an hour ang I am running late."

"Eh sino ang maghahatid sa akin?"

"Pano ka nakarating dito? Taxi?"

"Obviously."

"Okay, ipapahatid na lang kita kay Dennis. I need to run."

"Bakit hindi na lang tayo sabay?"

"I'll ride with Dad. Camille?"

"Sir?"

"Tawagan mo nga si Dennis at ihatid si Doctor Louise sa bahay nila"

"Yes, Sir."

"Ganun lang ipapahatid mo ako na parang papeles lang?"

You could have checked your phone for my text and see na sinabi ko na may meeting ako Louise."

"Text? Pwede namang tinawagan mo ako eh."

"Don't start Louise. I am busy and my head is killing me and I needed to go to a meeting now."

"Hindi ba ako importante sa yo? Ganyan mo ba itrato ang mga babae sa buhay mo ha Jino? Ang dami ko nang isinakripisyo sa relasyong ito..."

"Shit Louise. Alam mo from the very beginning that there is no relationship."

SECRET LOVERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon