SO YUN NGA...

7.1K 218 6
                                    




JINO

So pagkatapos kong sapakin si Josh sa party ng Lola ko, napagalitan kaming tatlo nila Kailene at Josh. Siyempre sa akin lahat nabunton ang galit nila kasi ako naman daw talaga ang may kasalanan ng lahat. Inihatid ko na si Kayla sa bahay nila. Ewan ko ba kung dense lang talaga siya at ni hindi man lang siya affected sa away namin ng kapatid ko. Nakatitig lang siya sa singsing na bigay ng Lola ko. What is with girls and heirlooms? Hindi ba mas importante ang binili ng lalaki mula sa pawis niya at iaalay niya sa yo? Para sa akin YUn ang importante. Pagbalik ko sa bahay, wala pa si Josh. Inihatid daw niya si Kailene. Naiwan si Kiearan sabi ni Mommy tulog na daw siya sa kuwarto nila ni Dad. Pinuntahan ko siya dun. Tulog na nga siya. Nandun ang Daddy ko nagbabasa ng mga papers niya sa corner table sa room nila. Nakahiga si Kieran sa gitna ng bed nila ni Mommy. Tumabi ako sa anak ko. tinitigan ko siya. Yung mga pilikmata niya nakadapa sa pisngi niya. Yung ilong niya mana sa akin, kamukhang kamukha ko ang anak ko. Kinuha ko ang kamay niya. Naka singsing siya ng seal ng pamilya ni Kevin. Yung Family Seal nila. Nakita ko yung Daddy ni Kevin pa ti na din si Kevin na naka singsing nung seal nila. Platinum yung ring, Clarke Seal yata yun.

May maliit na nunal si Kieran sa baba ng mata niya. Hindi masyadong pansinin. Mapula ang labi ng anak ko pati ang pisngi niya. Paglaki ni Kieran maraming paiiyakin na babae to. Hahahaha.

"Anak, sana naman bigyan mo ako ng chance. Bigyan mo naman si Daddy ng chance na alagaan ka. Anak, please don't push me away. I love you, I love your Mom so much. Sana anak, give daddy a chance."

"Jino?"

"Mom?"

"You wanna sleep with him?"

"Sana Mommy pero hindi pa siya ready. Baka umiyak siya."

"Okay anak."

"Mom? Bakit galit na glait siya sa akin?"

"Hindi ko alam anak. Nakikita niya siguro, Nararamdaman niya. Kailene told me na hindi ka naman daw niya sinisiraan kay Kieran. In God's time anak."

"Sana Mom. Sana."


KAILENE

"Baliw ka kasi, inasar mo pa si Jino ayan tuloy nasuntok ka niya. DIka man lang umilag."

"Gusto ko tlaga na suntukin niya ako eh. Hindi ko alam pero gusto ko na kahit isa lang masuntok ako."

"Okay ka din sa trip no?"

So I am cleaning his bruises. Pumutok ang labi niya at may black eye siya. He was looking at me na parang nag iisip ng sasabihin.

"Naisip ko Kailene, ano kaya kung sabihin natin sa kanila na pakakasalan kita?"

"Ano ka ba? Baliw ka talaga ano?"

"Tignan natin kung ano gagawin ni Kuya. Kasi tignan mo, Obviously, ayaw niya magpakasala kay Kayla. Ayw lang niya pahiyain yung Lola namin"

"Parang ang cheap ko naman nun. Sabihin kaya natin kina Mommy?"

"Naku, huwag sa mga yun. Kina Dad na lang atsa Daddy mo."

"Ano dahilan ang sasabihin ko sa Tatay ko? Mapapagalitan pa ako ng mga yun."

"Eh dihuwag na lang nating sabihin. Secreto na lang.Pag binalikan ka niya eh di sabihin natin na joke lang."

"Eh pano kung pakasala siya kay Kayla?"

"Eg di pakasalan din kita."

"Ungas ka talaga Joshua."

"Hindi totoo. Kahit mag pre nuptial agreement pa tayo na walang sex at KKB sa lahat ng gastos. At hindi ko ako makikinabang sa pera mo."

"At bakit naman ako pakakasal sa yo?"

SECRET LOVERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon