JOSH
Nung dumating si Kuya galing ng Boston, ako ang sumundo sa kanya sa airport. Tumaba siya at bumata ang hitsura. Obvious na in love siya. Masaya nga siya eh. Pagkakita niya sa akin, niyakap pa ako. Tinukso nga niya ako mukha daw akong matanda eh. Sinagot ko naman ng kasalanan ko ba kung mas mabigat ang problema ko sa kanya.
Sinabihan ako na magpapakasal na daw sila ni Kailene sa Boston at ako ang Best Man. Putik, ginawa pa akong Best Man. Double whammy kaya yun. Ang sakit sa dibdib. Sabi niya, dahil first time niya magpakasal at si Kailene naman eh ikinasal lang sa Las Vegas, kaya gusto ni Kuya na grande. Kaso ayaw ni Kailene. Ang ending daw, si Kuya pa din ang masusunod. One month siya sa Boston at ang pinaka core ng balita niya eh buntis si Kailene...two months na daw. Meaning, nung nagpapanggap kami ni Kailene na mag syota dito sa Manila nun, nasalisihan na niya ako. Idol talaga eh. Tatahitahimik pero matinik talaga si Jino.
Pero masaya ako for them. Imagine yung love nila mula nung bata pa sila hanggang ngayon walang nag iba. May iba man silang mga minahal pero sila pa rin ang nagkatuluyan. Kunti na lang angganun ka pure ang love sa mundo. Hindi ko yun mapapantayan kailanman.
Dahil next week na ang kasal nila at para naman hindi ako magmukhang tanga, kailangan ko ng kasamang pumunta dun. I mean, ako, si Josh ang pinakamatinik sa lahat ng mga Jimenez at mga Benitez walang date? Hindi pwede yun. Yun ngang pinsan ko na hindi naman kaguapuhan may girlfriend na sobrang ganda. Tapos ako na hindi naman pangit eh wala? Hindi ko talaga maintindihan yun pag ganun.
Sosaan ba makakahanap ng babaeng pwedeng magpanggap na in love sa akin? Sino kayadito sa contacts ko ang pwede. Mae? Hindi pwede kung sinu-sinong mayayaman ang dinaanan na nito eh. Juline? Ayoko nito, clingy. Keren? Lalo naman nitofeeling. Sary? Huwag ito masyadong manang, walang maniniwala sa akin. Haaay ang hirap naman pala maghananap ng mga babae eh.
AUTHOR'S NOTE:.I know bitin. Pero to be able to read what happened at the wedding....please read "When I Met You" thank in advance, guys. Love you all
C 😚
P.S.
The next chapter is on private view, only available to my followers. To be able to access it, just follow me. Thank you
P.P.S.
Kung hindi niyo makita yung mga naka private view kahit follower na kayo, please refresh na lang po or log out na lang kayo ulit para mag appear. Minsan kasi palpak ang Wattpad. Maraming salamat po
BINABASA MO ANG
SECRET LOVERS
RomanceTwenty three years old young tycoon Jino Jimenez and eighteen years old Kailene Gonzales have been the best of friends since he was 10 and she was five. Kailene met American Billionaire Kevin Matthew Clarke who would take all the responsibility th...