Ang sakit ng ulo ay isa sa pinakalaganap na sakit hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. May iba't ibang uri ng sakit ng ulo, at ang pag-alam kung anong uri ng sakit ng ulo ang iyong nararamdaman ay siyang pangunahing hakbang para malunasan ito.
Sakit ng ulo na dala ng tension – Ang sakit ng ulo na dala ng tension ay siyang pinakapopular na uri ng sakit ng ulo. Ang mga pasyente na nakararanas nito ay dumaraing na para bang may kung anong pwersa na dumidiin sa kanilang ulo, lalo na sa may tuktok at sa likod ng ulo, pababa sa leeg. Ang sakit ng ulo na dala ng tension ay hindi gaanong nakapagpapahirap di tulad ng migraine na maaaring maging sagabal sa pang-arawaraw na mga gawain.
Sakit ng ulo na dala ng pamamaga ng sinus – Kung ang iyong sinus ay namamaga, dahil sa impeksyon o iritasyon, ito ay maaaring magdala ng sakit ng ulo. Ang mga pasyente na dumaranas ng ganitong uri ng sakit ng ulo ay kadalasan din nilalagnat at may nana na lumalabas sa ilong na galing sa sinus.
Sakit na dala ng side effects ng iniinom na gamot – Ang mga gamot na iniinom para labanan ang sakit tulad aspirin at ibuprofen ay nakapagdadala rin pala ng sakit ng ulo kapag ito ay iniinum ng palagian. May mga kamakailang pagaaral na nagpapatunay na ang mga gamot na pangtanggal ng kirot ay maaaring makaapekto sa kung paano gumagana ang bahagi ng utak na kumukontrol sa mga nararamdaman. Ang ilang siyentista naman ay nagsasabi na ang ganitong uri ng sakit ng ulo ay dala ng tinatawag na withdrawal syndrome, sumasakit ang ulo ng ilan kapag bumababa na ang dami ng gamot nakahalo sa dugo ng pasyente .
Sakit ng ulo na dala ng migraine – Ang migraine ay sakit ng ulo na maaring namana mo pa sa saiyong mga ninuno. Ikaw ay may migraine kapag nasa iyo ang sumusunod na mga sintomas: Ikaw ay nakaranas ng apat o limang yugto ng pagsakit ng uloAng bawat isang yugto ng pagsakit ay tumatagal ng apat hanggang 72 orasNararanasan mo ang dalawa sa mga sintomas na ito; sakit na nararamdam sa kalahating bahagi lamang ng ulo, pumipitik-pitik na sakit sa ulo, katamtaman hanggang sa matinding sakit, nakasasagabal o pinalalala ng pang araw-araw na mga gawain.
Ang sa ilang mga pasyente na nakararanas ng migraine, ang sakit ng ulo ay may kasamang pagkalula at pagsusuka.
Namamana ba ang sakit ng ulo?
Oo, ang sakit ng ulo ay namamana, lalong lalo na ang migraine. Sinasabing 90% ng mga taong may migraine ang may kapamilya na meron din nito. An gang iyong mga magulang ay parehong may ganitong uri ng sakit ng ulo, ikaw ay may 70% na posibilidad na magkaroon ng migraine. Kung isa lang sa mga magulag mo ang may migraine, ikaw ay may 25 – 50% na posibilidad na magkaroon ng ganitong uri ng sakit ng ulo.
Ano ba ang sanhi ng sakit ng ulo?
Ang sakit ng ulo ay resulta ng iba't ibang salik tulad ng mga aktibidad sa utak, daluyan ng dugo at mga ugat na nakapalibot dito. Kapag masakit ang ulo mo, ang ilang partikular na mga nerves sa daluyan ng dugo at mga kalamnan ay nagpapadala ng pain signals sa utak. Hindi pa tiyak ng mga siyentista hanggang sa ngayon ang dahilan kung bakit nagpapadala ang mga nerves ng gayong mga signal sa utak.
Ang biglaang pagsakit ng ulo ay kadalasan nang dulot ng isang uri ng sakit, impeksyon, sipon o lagnat. Ilan pa sa mga sanhi ng biglaang pagsakit ng ulo ay ang pamamaga ng sinus at impeksyon at pamamaga ng tainga.
Nag dudulot din ng sakit ng ulo ang stress at tension na kaugnay sa pamilya, trabaho o eskwela. Ang paginom ng alak, hindi pagkain sa tamang oras, kawalan ng sapat na tulog, paginom ng isang uri ng gamot at hindi tamang postura ay maaari ring magdulot ng sakit ng ulo.
Paano ba malalaman ang sanhi ng sakit ng ulo?
Ang tamang diagnosis sa kung ano ang ugat ng pagsakit ng ulo ay unang hakbang para magamot ito at maiwasan ang pagpabalik-balik ng sakit. Kung ikaw ay may pabalik-balik na sakit ng ulo, huwag magdalawang isip na sumangguni sa doktor. Ikaw ay sasailalim sa masusing pagsusuri ng katawan. Aalamin ng doktor ang pangunahing mga impormasyon may kaugnayan sa sakit na iyong nararamdaman. Mahalaga na ikwento mo kay Doc ang mga bagay na nagpapalala ng iyong sakit ng ulo, at kung ano ang mga bagay o gawain na nakakaalis ng sakit. Kung ang iyong sakit ng ulo ay hindi mawala-wala, mas makatutulong kung gagawa ka ng diary para sa iyong sakit ng ulo para lubusang maintihan ng doktor ang pinaka-ugat ng iyong problema.
Para sa karamihan ng mga pasyente, ang masusing pagsususri gamit ang mga hi – tech na mga aparato ay hindi na kinakailangan para matukoy ang sanhi ng pananakit. Ngunit ang mga doktor ay maaaring magrequest ng mga pagsusuri gamit ang CT scan o MRI para sa ilang kaso ng matinding pananakit ng ulo, kung hinihinala ng mga doktor na abnormalidad sa nervous system ang sanhi ng sakit ng ulo.
Ano ba ang gamot sa sakit ng ulo?
Ang mabisang gamot sa sakit ng ulo ay depende sa kung ano ang sanhi ng pananakit. Kung ang sanhi ay stress o kaigtingan, ang ganitong uri ng sakit ng ulo ay kusang nawawala at hindi na nangangailangan ng gamutan. Ang paginom ng tamang dosage ng ibuprofen o paracetamol ay makatutulong na mawala ang sakit.
Kung ang sakit ng ulo ay dulot ng impeksyon sa sinus o sa tainga, magrereseta si Doc ng mabisang antibiotic na angkop sa iyong kalagayan.Ang pagkakaroon ng migraine ay isang panghabangbuhay na pakikipagtunggali. Maiiwasan ng mga pasyenteng may migraine ang pagumpisa ng sakit ng ulo kung alam niya kung ano ang nagpapalala ng sakit. Ang paginom ng pain reliever ay makatutulong na maalis ang mga sintomas na maaaring maging sagabal sa mga gawain sa trabaho o sa bahay.
Ang dahon ng avocado ay napatunayang mabisa sa pagtanggal ng sakit ng ulo na dala ng tension. Magdikdik ng dahon ng avocado at ilagay ito sa noo hanggang maibsan ang sakit.
BINABASA MO ANG
Health Tips Research
RandomAng Health Tips Resarch po ay makakatulong po sa inyo para karagdagang kaalaman tungkol sa ating kalusugan. Ito po ay tungkol sa mga dapat nating iwasan, gawin, o lunas nang ating karamdaman. Tiyak po na may matututunan kayo. Ni-research ko po ito...