Ang beke o mumps isang sakit na dala ng Mumps virus na karaniwang nakaka-apekto sa mga bata. Ang pinaka-mahalagang sintomas ay kirot at implamasyon sa tagiliran ng panga dahil sa pamamaga ng mga salivary glands o glandula ng laway. Bagamat may bakuna na laban dito (MMR), ito'y isa paring karaniwang sakit parin sa mga bata, at bagamat kusang nawawala ang sakit na mumps, sa ilan ay maaari itong magdulot ng mga komplikasyon.
PAANO NAHAHAWA NG BEKE?
Ang beke ay nahahawa sa pamamagitan ng mga likido ng taong may beke gaya ng laway, plema, at lura. Ang mga ito ay maaaring matangay ng hangin bilang mga droplet. Kapag ang mga ito'y dumikit o dumapo sa bibig, ilong, o mata ng isang tao, siya'y maaaring mahawa ng beke. Sa pagsalo-salo ng pagkain at pakikipaghalikan ay maaari ring mahawa ng beke.
ANO ANG MGA SINTOMAS NG BEKE?
Pamamaga ng mga glandula ng laway o salivary glands ang pinakamahalagang sintomas ng beke. Ito'y makikita bilang pamamaga sa tagiliran ng panga at maaaring may kasamang pamumula, kirot, at pananakit habang ngumunguya o kumakain. Maaaring magkabila o sa iisang banda lamang maka-apekto ang beke.
Maaari ring magkaroon ng lagnat at sakit sa ulo. Sa ibang kaso maaari ring mamaga ang bayag (orchitis). Ito'y nangyayari lalo na sa mga binata at mas matandang kalalakihan.
ANO ANG GAMOT SA BEKE?
Walang gamot sa beke, gaya ng maraming mga virus, ito'y kusang nawawala. Ngunit upang maibsan ang mga sintomas, maaaring magpatong ng "cold compress" sa apektadong bahagi ng panga. Maaari ring uminom ng mga pain reliever gaya ng Paracetamol.
Iwasan ding kumain o uminom ng maaasim sapagkat ang mga ito'y nakaka-irita sa salivary glandsna siyang namamaga dahil sa beke.Magpatingin sa doktor kung may kakaibang mga sintomas gaya ng pamamaga ng bayag, paninigas ng leeg, pagbabago sa pag-iisip, pagiging madalas ng pagtulog o panghihina, mataas na lagnat. Ang mga ito ay kabilang sa mga kompliasyon ng beke.
PAANO MAKAIWAS SA BEKE?
Sa Pilipinas at maraming bansa, ang bakunang MMR o Mumps, Measles, and Rubella vaccine ay mabisang proteksyon laban sa mumps (beke), measles (tigdas), at rubella (german measles o tigdas). Ang MMR ay karaniwang ibinibigay sa unang kaarawan ng isang baby (1 taon o 12 buwan). May pangalawang turok rin na ibinigay bago pumasok sa iskwelahan ang isang bata, sa edad na 4-5. Hindi karaniwan ang beke sa mga matatanda ngunit kung hindi nagkaroon nito, mas magandang magpabakuna narin kahit matanda na. Siguraduhing may bakuna laban sa beke ang buong pamilya!
BINABASA MO ANG
Health Tips Research
RandomAng Health Tips Resarch po ay makakatulong po sa inyo para karagdagang kaalaman tungkol sa ating kalusugan. Ito po ay tungkol sa mga dapat nating iwasan, gawin, o lunas nang ating karamdaman. Tiyak po na may matututunan kayo. Ni-research ko po ito...