MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA SAKIT SA PUSO

1K 9 3
                                    


         Ang ating puso ay hindi na tumitigil sa pagtibok mula nang tayo ay ipinanganak. Kasinlaki ng isang kamao ng tao (depende kung bata o matanda ang laki) ang puso ayon sa mga doktor. 100,000 beses itong tumitibok kada araw at sa bawat tibok nito ay maayos nitong pinadadaloy ang dugo sa bawat parte ng ating katawan. Samantala hindi totoo na nabibiyak ang puso ng isang tao, sapagkat ang ating puso ang pinakamalakas na muscle sa ating katawan.


Ang Cardiovascular System ay ang sistema kung paano dumadaloy ang dugo sa ating katawan. Malaki ang ginagampanan ng puso sa sistemang ito. Ito ang nagpa-pump o tumutulak at nagsasala ng dugo upang ito ay mag-circulate sa iba't ibang bahagi ng ating katawan. Ang mga artery sa ating katawan ang dinadaluyan ng dugo palabas sa ating puso na punumpuno ng Oxygen. Samantalang ang veins naman ang siyang nagdadala ng dugong nagamit na ang oxygen pabalik sa puso. Dumadaloy ito mula sa kaliwang bahagi hanggang sa kanang bahagi ng ating katawan – ito ang tinatawag na circulatory system o cardiovascular system.


Ang Heart Disease(HD) o sakit sa puso ay isang pangkalahatang katawagan sa anumang karamdamang may pangunahing kaugnayan sa puso na may pananagutan sa pagdaloy ng dugo na may dalang nutrisyon papunta sa mga bahagi ng katawan. May iba't ibang uri ng sakit sa puso. Tinaguriang silent killer ang mga heart disease, bagama't may mga sintomas ay hindi ito agad napapansin. Kadalasan ay hindi alam ng karamihan na may palatandaan na sila ng nasasabing sakit . 

               Ang mga karaniwang sintomas nito ay ang pananakit sa dibdib, hirap na paghinga, madaling mapagod, kumikirot o may tumutusok sa parte ng puso at marami pang iba.Sakit sa puso mula sa pagkapanganak (congenital HD o acquired HD) ay nagsisimula habang nabubuo pa lamang ang puso kapag ang sanggol ay nasa loob pa ng sinapupunan ng kaniyang ina. Ito ang mga puso na maliit o hindi tama ang hugis at sukat. Maaaring naapektuhan ito noong ipinagbubuntis pa lamang ng ina ang sanggol. Maaaring sanhi ito ng paninigarilyo, pagdodroga, hindi tamang pagpapahinga at pagkain ng isang ina noong ito ay nagbubuntis pa lamang. Maaaring makita na kaagad ang mga sintomas na ang bata ay mayroong sakit sa puso sa oras na naipanganak na, katulad ng pangingitim o pangangasul ng kulay ng balat ng sanggol. Subalit maaaring hindi lumabas ang mga palatandaang ito kaagad at lilitaw lamang kapag lumaki na ang bata o nasa katandaan na. Sakit sa mga balbula ng puso (valvular HD) ay kinasasangkutan ng pagkakaroon ng suliranin sa mga balbula ng puso na sumasara at bumubuka tuwing titibok ang puso. Kabilang sa mga sakit sa mga balbula ng puso ang Aortic stenosis at Mitral regurgitation. Isa sa maaaring sanhi ng sakit sa mga balbula ng puso sa mga bata ay ang lagnat na Reumatiko.


*Sakit ng masel ng puso (cardiomyopathy). Maaaring maging sanhi ng labis na pag-inum ng alak, ng mga gamot, ng mga ipinagbabawal na gamot (droga), ng impeksiyon at iba pa.


*Sakit sa ugat ng puso (coronary HD). May kauganyan sa pagbabara ng mga ugat na nagdadala ng dugo sa puso mismo na humahantong sa kakulangan ng dugo na dumarating sa puso. Isang sintomas ng pagkakaroon ng ganitong kalagayan ay ang pagkamadaling mapagod kapag gumagawa ng mga mahihirap na gawaing pisikal. Sa paglala ng sakit sa ugat ng puso, ang tao na mayroong ganitong katayuan ay maaaring atakihin sa puso. Kabilang sa ganitong uri ng sakit sa puso ang sakit na dulot ng kakulangan ng dugo sa puso (ischemic HD).


*Sakit sa puso na sanhi ng altapresyon (hypertensive HD). May kaugnayan sa hindi makontrol na hypertension o altapresyon kaya't maaaring makaapekto sa puso.Panghihina ng puso (heart failure). Hindi na nakakaya ng puso ang tama at walang suliranin na pagdadaloy ng dugo sa katawan. Maaaring sanhi ito ng iba pang uri ng sakit sa puso tulad ng atake sa puso.


*Pamamaga ng puso (inflammatory HD). Maaaring dahil sa katayuan ng pagkakaroon ng impeksiyon na katulad ng infective endocarditis o maimpeksiyong pamamaga ng panloob na tisyu ng puso.


Samantalang ang Stroke ay ang hindi magandang pagdaloy ng dugo patungo sa utak. Kaya naman maraming pangyayari na kapag na-stroke ang isang tao ay may parte ng katawan nito na hindi naigagalaw.


              Nasa 44% katao at pangunahing ikinamamatay ang sakit sa puso kada taon dito sa Italya. Dala ito ng hindi wasto at labis na pagkain. Pagkain ng mga maaalat at makolesterol ay sanhi nito. Kasali rin dito ang labis na paninigarilyo. Ang mga fatty deposit o atheroma na galing sa mga pagkaing maaalat at makolesterol ay bumabara sa mga wall ng artery sa puso. Dahil dito ay nagiging manipis ang arteryna dinadaluyan ng dugo patungo sa ating puso. Ito ang nagiging sanhi ng hindi magandang blood flow o circulation mula sa iba't ibang bahagi ng ating katawan. Kapag hindi nakadaloy ng maayos ang dugo patungo sa puso ay maaari itong maging sanhi ng heart attack. Bukod sa hindi tamang pagkain ay makasasama pa sa taong sobrang matataba ang walang sapat na ehersisyo. Iyong mga taong labis na kumakain at walang masyadong ginagawa ay prone sa sakit sa puso. Yung tipong pagkatapos kumain ay tututok na sa TV o sa computer sa loob ng maraming oras. Makasasama rin kung madalas na nakararanas ng stress ang isang tao.

Health Tips ResearchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon