Gamot Sa Luslos: Mga Dapat Mong Malaman Tungkol sa Luslos o Hernia

28.5K 12 9
                                    


Ang luslos ay napakasakit. Ito ay pangkaraniwan sa mga bata at mga may edad na. Ano ba  ang luslos? Anu-ano ang mga sanhi nito? Ano ang mga sintomas nito? May gamot ba sa luslos? Alamin nati sa artikulong ito!


*Ano ang luslos?


            Ang luslos o hernia ay isang sakit na nagsisimula kapag ang ilang organs sa loob ng iyong katawan ay tumulak pababa sa mga kalamnan na humahawak nito. Halimbawa, ang bituka ng isang taong may luslos ay maaaring lumusot sa mahinang parte ng abdominal wall.


            Ang luslos ay isang pangkaraniwang sakit ng mga bata at matatanda dito sa Pilipinas. Karamihan sa mga kaso nito ay hindi gaanong seryoso. Pero indi tulad ng ibang pangkaraniwang mga sakit, ang luslos ay hindi kusang nawawala. Nangangailangan ito ng operasyon upang hindi na humantong sa iba pang kumplikasyon.


*Ano ba ang sanhi ng luslos?


            Ang luslos ay sanhi ng pinagsamang panghihina ng kalamnan at pagkapunit nito. Ang luslos ay maaring lumala ng napakabilis o maari namang matagal bago magpakita ang mga sintomas depende sa kung ano ang sanhi.


Ang ilan sa mga dahilan ng panghihina at pagkapunit ng kalamnan ay ang mga sumusunod:

*Hindi pagsara ng abdominal wall habang nasa loob pa ng sinapupunan

*Edad

*Hindi mawala-walang pag-ubo

*Pagkasira ng kalamnan dahil sa aksidente o operasyon

*Pagiging buntis, itinutulak ng lumalaking bahay-bata ang iyong bituka pababa

*Kahirapan sa pagdumi

*Pagbubuhat ng mabibigat na bagay

*Biglaang pagtaas ng timbang

*Patuluyang pagbahin o pagubo


Sino ang mga nanganganib na magkaroon ng luslos? May mga salik na nagpapataas ng posibilidad na ikaw ay magkaroon ng luslos. Ito ay ang mga sumusunod:


*Ikaw ay may kapamilya na may sakit na luslos 

*Ikaw ay overweight

*Ang iyong ubo ay hindi nawawala

*Nahihirapan kang dumumi

*Ikaw ay naninigarilyo


Ano ang mga sintomas ng luslos?

Ang pinakakilalang sintomas ng luslos ay ang pagkakaroon ng bukol sa apektadong bahagi ng katawan. Kung ang iyong anak ay may luslos, makakapa mo ang bukol na ito kung siya ay umiiyak.


Narito pa ang ibang mga sintomas ng luslos:

*Sobrang sakit sa ibabang bahagi ng tiyan, lalo na kung ikaw ay tumutuwad, umuubo o nagbubuhat ng mabigat.

*Panghihina at mabigat na pakiramdam sa may ibabang bahagi ng tiyan

*Masakit o makirot na pakiramdam sa bahagi ng katawan na may bukol

Sa ilang mga pagkakataon, ang luslos ay halos walang sintomas. Maaaring hindi mo alam na ikaw ay may luslos hanggang sa ikaw ay sumailalim sa isang pisikal o medikal na pagsusuri para sa isang hindi kaugnay na sakit.


*Paano ba sinusuri ang luslos


           Karamihan sa mg kaso ng luslos ay sinusuri sa pamamagitan ng pisikal na pagsusuri. Ang iyong doktor ay maaaring makakita ng bukol na malapit sayong sikmura na lumalaki kung ikaw ay tumayo o umubo.

           Maaari ka ring sumailalim sa tinatawag na barium X-ray o endoscopy. Ang mga pagsusuring ito ay ginagawa upang makita ng doktor ang kalagayan ng iyong bituka na lumulusot sa punit ng iyong abdominal wall.

         Ang barium x-ray ay isang serye ng litrato na kuha sa iyong sistemang panunaw. Ang mga litratong ito ay kinukuha pagkatapos mong uminom ng likido na may barium, na nagpapalinaw ng kuha ng bituka sa x-ray.

Ang endoscopy ay isang proseso na kung saan ipapasok sa bituka ang isang maliit na kamera na nakakabit sa isang tubo upang makita ang aktuwal na kalagayan nito.

Kung maliit na bata ang may luslos, ang doktor ay maaaring humingi ng ultrasound upang makita ang kondisyon ng luslos ng bata.


*Ano ang gamot sa luslos

Ang pangangailangan ng paggamot sa luslos ay depende sa lala ng mga sintomas nito. Bagaman ito ay kailangang gamutin o hindi, ang iyong doktor ay pagaaralan ang mga posibleng komplikasyon na maaaring idulot ng pagkakaroon mo ng luslos.


Narito ang ilan sa mga opsyon sa paggamot sa luslos.


*Pagbago ng mga kinaugalian sa buhay. Ang pagbago ng mga kinaugalian sa pagkain ay makatutulong na mabawasan ang sakit na dala ng mga sintomas ng luslos. Umiwas sa pagkain ng napakarami at huwag kang hihiga matapos kumain. Panatilihin ang wastong timbang.

Kung ang wastong pagkain ay hindi nakatutulong upang maalis ang iyong paghihirap dahil sa luslos, baka kailangan mong magpaopera para malunasan ang iyong problema. Makakatulong din saiyo ang pagiwas sa mga pagkaing nagpapalala ng acid sa tiyan, tulad ng maaanghang na pagkain. Maiiwasan din ang hyperacidity sa pamamagitan ng pagpapanatili ng wastong timbang at paghinto ng paninigarilyo.

*Operasyon. Kung mapansin ng doktor na ang iyong luslos ay hindi nawawala o lalong lumalala, baka mag disisyon ang iyong doktor na isailalim ka sa saiang operasyon. Aayusin ng doktor ang iyong luslos sa pamamagitan ng pagtahi saiyong napunit na abdominal wall. Ang ganitong operayon ay nangangailangan ng panahon upang tuluyang gumaling, pero ito ay ang pinakang mabisang gamot sa luslos.

*Mga komplikasyon ng luslos

             Kung hindi magagamot, ang simpleng luslos ay maaaring lumaki at maging napakasakit. Ang bahagi ng iyong bituka ay maaaring maipit sa abdominal wall, ang kalamnan na sumasalo sa mga bituka. Ang pagkaipit na ito ay maaaring maging dahilan ng kahirapan sa pagdumi, matinding sakit at pagkalula.

            Kung ang naipit na bituka ay hindi malunasan, ito ay mga tissue nito ay maaaring mamatay dahil sa kakulangan ng oxygen. Ang kasong ito ay nakamamatay kaya nangangailangan ng agarang pansin.

*Pag-iwas sa luslos

            Hindi mo palaging maiiwasan ang panghihina at pagkapunit ng mga kalamnan na nauuwi sa luslos. Subalit mababawasan moa ng pressure na nailalagay mo sa tiyan mo. Ito ay makakatulong na maiwasan ang luslos di kaya naman ay maiwasan itong lumala.


Narito ang ilang tips:


*Hindi paninigarilyo

*Pagbisita sa doktor kung ikaw ay may ubo para maiwasan ang di kinakailangang pagtagal nito

*Pagpapanatili ng wastong timbang

*Iwasan ang matinding pag-iri kung dumudumi o umiihi

*Iwasan ang di kinakailangang pagbubuhat ng mabibigat na mga bagay


             Napakahalaga na makita agad ang paunang mga sintomas ng pagkakaroon ng luslos. Ang luslos na hindi ginagamot ay hindi kusang gagaling o aalis. Subalit ang maagang paggamot o pagbabago sa ilang mga kinasanayan na ay magpapagaan sa paghihirap na iyong nararanasan dahil sa mga sintomas ng luslos. Sa pamamagitan ng kaalaman at maagang pagkilos, maiiwasan mo rin ang mga nakamamatay na komplikasyon ng sakit na ito.

Health Tips ResearchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon