ANO ANG MGA SINTOMAS NG STROKE

1.6K 14 4
                                    

              

               Makikitaan ng ilang mga sintomas ang taong dumanas ng stroke, na habang tumatagal ay patindi nang patindi. Kabilang dito ang sumusunod:

             1)  Biglaang panghihina at pamamanhid ng mukha, braso at kamay, mga binti, at paa sa isang bahagi ng katawan. 

             2)  Biglaaang kawalan o hirap sa pananalita at kakayanang maintindihan ang mga salitaProblema sa paningin sa isang mata

            3) Biglaang hirap sa pagbalanse, at hirap sa paglalakad

            4) Pagsusuka, lagnat, at hirap sa paglunokBiglaan at matinding mananakit ng ulo

             5) Kawalan ng malay

            6)Hindi maintindihang pagkahilo

KAILAN DAPAT MAGPATINGIN SA DOKTOR?

               Ang stroke ay itinuturing na emergency at nangangailangan ng agarang atensyong medikal. Agad na magtungo sa emergency room ng mga pagamutan sa oras na makitaan ng mga sintomas at senyales ng stroke. Ang kaligtasan ng taong dumanas ng stroke ay nakasalalay sa maagang pagkakadiskubre ng sakit at pagbibigay ng lunas.

Health Tips ResearchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon