Ano Ba Ang Gamot Sa Almoranas

5.7K 9 3
                                    


Ang almoranas o hemorrhoids ay namamagang mga ugat sa palibot ng butas ng puwet. Ang mga dalubahasa ay nagsasabing halos kalahati ng mga taong may 50 taong gulang pataas ang may sakit na almoranas.

Ang almoranas ay maaaring tumubo sa loob o sa labas. Sa dalawang uri ng almoranas, ang almoranas sa labas ng puwet ay ang pangkaraniwan at lubhang nakakasagabal sa mga gawain sa araw-araw. Ang almoranas ay sanhi ng mating pangangati, sakit at kahirapan sa pag-upo. Ang magandang balita ay ang almoranas ay nagagamot.

Ano ba ang mga sintomas ng almoranas?Nararanasan mob a ang sumusunod na mga sintomas? May almoranas ka kapag:Matindi ang pangangati ng iyong puwetPagsusugat sa palibot ng puwetPagkakaroon ng makati o masakit na bukol malapit sa puwetMasakit na pagdumiPaglabas ng kaunting dugo sa puwet

Bagaman ang almoranas ay napakasakit, hindi naman ito nakamamatay at kadalasang nawawala kahit na hindi gamutin. Kung palagi kang sinusumpong ng almoranas, baka magkaroon ka ng mga sintomas ng anemia tulad ng panghihina at pamumutla ng balat dala ng pahkawala ng dugo. Ang sintomas na ito ay napakabihirang mangyari.

Ano ba ang sanhi ng almoranas?

Alam mo ba na hindi siguarado ang mga dalubahasa sa kung ano talaga ang pinka-dahilan ng pagkakaroon ng almoranas? Oo, ngunit may ilang salik na maaaring magpalala ng iyong almoranas. Ang ilan ay ang mga sumusunod.

Sobrang pag-iri kapag nagbabawasPagkakaroon ng pangmatagalang kahirapan sa pagdumiPag-upo sa kubeta ng matagal na panahonPagkakaroon ng mga kapamilyang may almoranas

Kung ikaw ay buntis, malamang na magkaroon ka ng almoranas. Kapag ang iyong bahay bata ay lumaki, itinutulak nito ang mga ugat sa colon mo kaya ito ay lumalaki na parang bukol sa puwet.

Paano ba sinusuri ang almoranas?

Ang pisikal na pagsusuri sa puwet ay sapat na para matiyak na almoranas nga ang sakit mo. Para kumpirmahin ang hinala ng doktor, maaari siyang magsagawa ng iba't ibang mga pagsusuri para tingnan ang anumang mga abnormalidad sa puwet mo. Maaaring ipasok ng doktor ang kanyang daliri sa puwet. Pag nakapa niya ang anumang hindi normal, baka sabihin niyang kailangan mo ng sigmoidoscopy.

Ang sigmoidoscopy ay isang pagsusuri kung saan isang maliit na camera ang gagamitin ng doktor para makita ang almoranas na tumubo sa loob ng puwet mo. Ipapasok ng doktor ang camera sa puwet mo para makita niya ng maigi ang almoranas.

Ano ba ang gamot sa almoranas?

Ang paggamot sa almoranas ay maaaring isagaw sa bahay mo o sa klinika ng doktor.

Para mabawasan ang pananakit, maaari mong ibabad sa palangganang may maligamgam na tubig ang puwet mo sa loob ng 10 minuto. Maaari ka ring umupo sa boteng may maligamgam na tubig para mabawasan ang sakit na dala ng almoranas na tumubo sa labas ng puwet.

Kung ikaw ay lubhang naghihirap sa sakit na dala ng almoranas, maaaring bigyan ka ng doktor ng gamot para sa sakit. Ang gamot sa sakit na dala ng almoranas ay maaaring bilhin sa botika kahit walang reseta ng doktor tulad ng suppository, ointment o mga cream para mawala ang sakit at pangangati.

Maaari mo ring isama sa iyong paggamot sa almoranas ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa fiber. Ang pagkain ng ganitong mga pagkain ay maaaring makabawas sa panganib na magkaroon ka ulit ng almoranas sa hinaharap. Makatutulong ito saiyo na malinis ang iyong bituka, palalambutin nito ang iyong dumi kaya madali mo itong mailabas kapag ikaw ay babawas.

Kung nahihirapan ka sa pagdumi, pwede kang bumili ng fiber supplement sa botika para matulungan kang lumambot ang iyong dumi.

Paano kung ang paggamot sa bahay hindi naman nakatutulong na maalis ang iyong almoranas? Ang iyong doktor ay maaaring magsagawa ng proseso na kung tawagin ay rubber band ligation. Tatalian ng doktor ng lastiko ang iyong almoranas. Mawawalan nang suplay ng dugo at oksiheno ang iyong almoranas, kaya liliit ito ay mawawala. Tandaan, huwag mo itong gagawin sa bahay sapagkat ito ay mapanganib na proseso na mga doktor lamang ang may kakayahan na magsagawa.

Kung ang rubber band ligation ay hindi maaaring isagawa saiyo, maaaring magturok ang doktor ng isang uri ng kemikal direkta sa mga ugat mo. Ito ay ang magiging dahilan ng kusang pagliit ng almoranas. Ang paggamot na ito ay tinatawag na sclerotherapy.

Ano ba ang mga komplikasyon na maaring maging sanhi ng almoranas?

Bagaman ang almoranas ay isang sakit na hindi naman nakamamatay, ang hindi paggamot sa almoranas sa loob ng ilang panahon ay maaaring maging dahilan ng mga komplikasyon tulad ng:

Pamumuo ng dugo sa namamagang mga ugatPagdurugoKakulangan sa iron o anemia dahil sa kakulangan ng dugoPaano ba maiiwasan ang almoranas?

Ang mga bagay na iyong kinakain at iniinom ay maaaring makatulong sa iyo sa pagiwas na magkaroon ng almoranas. Ang mga pagkaing ito ay mabuti hindi lang sa paggamot sa almoranas kundi sa iyong katawan sa pangkalahatan.

Kumain ka ng mga pagkaing mayaman sa fiber. Mayaman sa fiber ang mga pagkaing galing sa halaman – mga gulay, prutas, butil, mani, beans at iba pa. Karamihan sa mga Pinoy ay kulang sa fiber, at ang pagkain ng gulay ay tiyak na makatutulong.

Uminom ng maraming tubig. Kung hindi, siguradong titigas ang iyong dumi. Gagawin nitong napakahirap ang iyong pagbawas anupat mahihirapan ka sa pag-iri. Ang sobrang pag-iri ay dahilan ng di kinakailanagang pamamaga ng mga ugat sa palibot ng puwet. Kaya uminom ka ng maraming tubig. Makakakuha ka rin ng tubig sa pagkain ng mga prutas at gulay.

Uminom ng fiber supplement. Tulad ng nabanggit na, karamihan sa mga Pinoy ay kulang sa fiber sa kanilang kinakain araw-araw. May mga pag-aaral na nagsasabi na ang pag-inom ng mga fiber supplement ay nakapagpapabawas ng mga sintomas ng pagdurugo ng almoranas. Nahihirapan ka bang dumumi? Ang paginom ng ganitong mga produkto ay tutulong saiyo na maging malambot at regular ang pagdumi. Kung umiinom ka ng mga suppliments, siguraduhin mong umiinom ka ng higit saw along baso ng tubig araw-araw. Kung hindi baka lumala ang mga problema mo tulad ng kahirapan sa pagdumi.

Huwag umiri ng matagal. Ang pag-iri habang pinipigil ang paghinga kapag nagbabawas ay bumabanat sa mga ugat na nasa puwet.

Kaya kapag ikaw ay nakakaramdam ng pagdumi, pumunta ka na agad sa kubeta. Kung maghihbintay ka pa hanggang sa mawala na ang pakiramdam ng pagdumi, ang dumi ay magiging matigas at tuyo na napahirap ilabas.

Mag-ehersisyo. Ang pagiging aktibo ay nakatutulong saiyo na mabawasan ang hirap sa pagdumi, na maaaring maging sani ng matagalang pagtayo o pag-upo. Ang pag eehersisyp ay makatutulong din upang mabawasan ang iyong timbang na maaaring dahilan ng almoranas.

Iwasan ang pag-upo ng matagal. Ang pag-upo ng matagal lalo na sa kubeta ay magpapataas ng presyon sa mga ugat sa palibot ng iyong puwet.

Health Tips ResearchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon