Premenstrual Syndrome (PMS): Mga Sintomas
Kung regular kang nakararanas ng mga pisikal at emosyonal na sintomas bago ang iyong regla, maaaring mayroon kang premenstrual syndrome (PMS). Ang sintomas ay may posibilidad na magpabalik-balik.
Ang PMS ay may kaugnayan sa normal na cycle ng hormone. Kadalasan, nawawala ang sintomas habang nagsisimula na ang regla.
Ang mga dahilan ng premenstrual syndrome:
1. Paulit-ulit na pagbabago sa hormones (Cyclic changes in hormones)
2. Pagbabago sa kemikal sa utak ay maaaring makapagpalabas ng sintomas.
3. Depresyon at stress
4. Pagpapalipas ng gutom. Ang ilan sa sintomas ng PMS ay konektado sa mababang lebel ng bitamina at mineral. Ang pagkain ng mga maaalat na pagkain at pag-inom ng alak o kape ay maaaring makapagpalala sa mga sintomas.
Sintomas ng premenstrual syndrome:
Pagbabagong Emosyonal:
1. Malungkot na mood at pag-iyak
2. Iritable o galit
3. Tensyon at pag-aalala
4. Pabago-bagong mood
5. Nawawala sa konsentrasyon
6. Pananamlay
7. Mga pagbabago sa gana sa pagkain
8. Nahihirapan matulog
9. Ayaw makisalamuha sa taoPagbabagong Pisikal:
1. Paglaki ng tiyan
2. Pagtaas ng timbang dahil sa retention fluid
3. Pamamaga ng kamay at paa
4. Masakit ang suso
5. Pananakit ng ulo
6. Pananakit ng kasu-kasuan at muscle
7. Pagtatae at pagtitibi
8. Pagod, pagduduwal at pagsusuka
BINABASA MO ANG
Health Tips Research
RandomAng Health Tips Resarch po ay makakatulong po sa inyo para karagdagang kaalaman tungkol sa ating kalusugan. Ito po ay tungkol sa mga dapat nating iwasan, gawin, o lunas nang ating karamdaman. Tiyak po na may matututunan kayo. Ni-research ko po ito...