Maraming sintomas ang diabetes. Hindi lahat ng sintomas ay nararamdaman ng taong may diabetes.
*Madalas na pag-ihi, araw at gabi.
*Labis na pagkauhaw o panunuyo ng bibig o lalamunan.
*Madaling mapagod o parang kulang ang lakas parati.
*Panlalabo ng paningin.
*Malimit na pagpapalit ng grado ng salamin sa mata.Mabagal na paggaling ng sugat.
*Impeksyon sa ihi o balat.
*Pamamanhid ng paa, parang kinikiliti o namimitig ang paa.
*May pakiramdam na parang tinutusok ang mga daliri sa paa o parang may langgam na lumalakad sa paa kahit wala.
*Nangangati ang balat. At sa mga babae, maaari ding makati ang puwerta.
Kung mayroon ka ng isa o higit pa sa mga sintomas na ito, sumangguni kaagad sa isang doktor.
Kung wala ka ng kahit alin man sa mga nabanggit na sintomas, kailangan pa ring magpasuri ng asukal sa dugo kung ikaw ay kuwarenta anyos na pataas.
BINABASA MO ANG
Health Tips Research
RandomAng Health Tips Resarch po ay makakatulong po sa inyo para karagdagang kaalaman tungkol sa ating kalusugan. Ito po ay tungkol sa mga dapat nating iwasan, gawin, o lunas nang ating karamdaman. Tiyak po na may matututunan kayo. Ni-research ko po ito...