MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA SAKIT NA ANEMIA

3.5K 11 0
                                    



Ang dugo ay isang natatanging pluidong biyolohikal na kinalalamnan ng selula ng pulang dugo (Red blood cells), ng selulang puting dugo (White blood cells) at ng Platelets na nakalutang sa pluidong kilala sa tawag na Plasma ng dugo. Ang mga selula ng pulang dugo ay ginagawa ng bone marrow at ang siyang may pinakamaraming bilang. Ang malusog na tao ay mayroong 6,000 milyong hemoglobin molecules o pulang dugo. Ito ay nagdadala ng oksiheno sa mga tisyu ng katawan para mabigyang nutrisyon at nagdadala rin ng karbong dioksido pabalik sa baga para mapalitan ng oksiheno at ipadalang muli sa mga tisyu. Ang White blood cell (WBC) naman ay tumutulong sa pagsanggalang ng mga impeksiyon at ang mga Platelets ay tumutulong sa pagpapatuyo ng dugo.


Ang anemia ay malalaman sa paraan ng Complete Blood Cell Count (CBC). Ang CBC ay parte ng routine general check-up at screening o base sa klinikal na sintoma na nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng karamdamang ito. Ito ay isang paraan sa pagbibilang at pageksamen sa klase ng selula sa dugo. 

Ang anemia ay isang kondisyon kung saan ang RBC o hemoglobin ay mas mababa kaysa normal na kailanganin ng tao. Sa lalaki na may anemia, ang hemoglobin ay mas mababa pa sa 13.5 gram/100ml (normal level: 13.8 – 18.0 g/dl), habang sa mga babae naman ay mas mababa pa sa 12.0 gram/100ml (normal level: 12.1 – 15.1 g/dl). Sa mga bata ang normal level ay: 11 – 16 gram/dl. Sa mga babaing buntis ang normal level ay: 11 – 14 gram/dl.


Ito ay nangyayari kapag ang dugo ay nauubos o mabilis na napipinsala at hindi kaagad ito napapalitan ng katawan. May mga pangunahing sanhi kung bakit nagkakaroon ng anemia. Ito ay maaaring dahil sa isang pagdurugo o pagsuka ng dugo (acute), pagkasira ng mga blood cells (haemolysis) at maaari ring dahilan ang kakulangan sa pagproduksiyon ng RBC (haematopoiesis).

Ang katawan ay nangangailangan ng Iron, bitamina B12 at folic acid. Kung may kakulangan ng isa o higit pang mga sangkap, ang anemia ay bumuo. Ang dahilan ay maaari ring sa isang matagal nang sakit o karamdaman o ng isang genetic o hereditary disease (tulad ng thalassaemia o karit cell disease). Ito ay maaari ring maging isang epekto ng gamot tulad ng antibiyotiko o anticoagulants. Gayundin ang buwanang regla ng mga babae o panganganak kung hindi nila kinakain ang mga pagkaing kailangan ng kanilang katawan. Iba pang sanhi ay impeksiyon dahil sa hookworm, paulit-ulit na pagtatae at disenterya; malaria at septicaemia na nagbabawas sa buhay ng RBC; ang hormone disorder tulad ng hypothyroidism; at ang labis na pag-inum ng alak dahil pinipigilan nito ang pag-release ng folate mula sa atay.


Ang anemia ay maaaring maging pansamantala o pangmatagalan at maaari itong maging mild lamang o malubha. At maaari ring senyales ng mas malubhang sakit tulad ng leukemia o kanser sa bituka. Ang taong may anemia ay hindi masyadong nakakaranas ng sintomas. Lilitaw lamang kapag ang antas ng pula ng dugo ay bumaba sa 10 g/dl. Mga palatandaan: maputlang balat; maputla ang loob ng talukap ng mata; maputlang gilagid; hinihingal at madaling mapagod; pagkahilo o hinihimatay; mabilis na pagtibok ng puso; masakit na dibdib (angina), ulo at mga binti; hoarse voice at coarse hair and nails; panghihina at walang ganang kumain.


Ang mga nasa panganib sa paglala ng anemia ay: mga kababaihang nagreregla (menstruating women); pagbubuntis; pagpapasuso (lactating mothers); mga batang pagkaraan ng anim na buwan pagsuso sa bote ay hindi pa binibigyan ng ibang pagkain o supplimento; mga premature na sanggol; mga vegetarians; at mga taong may ulser sa tiyan, kanser at talamak na sakit.


Ang anemia ay malulunasan depende sa uri at sanhi nito. Maaaring malutas sa isang pinahusay na pagkain o sa pamamagitan ng pag-inum ng Iron (Ferrous Sulfate), folic acid supplements at vitamin B12 supplements. Kung may chronic anemia ang isang tao, maaari siyang bigyan ng blood transfusion ng RBC at pagbigay ng gamot na panlaban sa impeksiyon. Kumain ng mga pagkaing sagana sa Iron tulad ng pulang karne, manok, isda, pula ng itlog, atay, mga berde at madahong gulay, beans, gisantes, dried fruits, nuts, raisins at iron-fortified cereals. Itigil ang paggamit ng alak. Kung ikaw ay isang vegetarian, uminom ng Vit. B12 supplements upang maiwasan ang kakulangan. Iwasang uminom ng kape, tsaa at iba pang inuming may caffeine dahil pinipigilan ang Iron absorption. Gumamit ng palayok o kaserola na gawa sa bakal para madagdagan ang Iron na makukuha sa pagkain. Uminom ng Vitamin C para mas mabilis ang absortion ng Iron. Ito ay matatagpuan sa mga citrus na prutas, milon at berries.


Marami sa kababaihan ang anemiko. Madalas mangyari ito dahil hindi sila kumakain ng sapat na pagkaing sagana sa Iron upang mapalitan ang dugong nauubos sa panahon ng pagreregla o panganganak. Ang babaing anemiko ay mas nanganganib na makunan at duguin nang husto sa panganganak. Ang pagpaplano ng pamilya – pagkakaroon ng pagitang 2-3 taon na pagbubuntis – ay makakatulong sa babae para manumbalik ang kaniyang lakas at magkaroon ng bagong dugo.

Health Tips ResearchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon