Ang impeksyon sa ihi o UTI (Ingles/Medikal: Urinary Tract Infection) ay isa sa pinakakaraniwang sakit lalo na sa mga kababaihan. Dahil mas maikli ang daluyan ng ihi ng babae, mas mabilis makapasok ang mga mikrobyo para magdulot ng impeksyon sa pantog o bladder at sa daluyan ng ihi o urethra. Pero ang UTI ay maaaring mangyari sa babae o lalaki.
Ano ang sanhi ng UTI o impeksyon sa ihi
Ang sanhi ng UTI ay ang mga bacteria na nakapasok sa daluyan ng ihi. Ito'y maaaring mangyari kung hindi malinis ang bahagi ng katawan, o dahil sa pakikipagtalik o sex. Subalit kailangang idiin natin na kung ang isang babae ay nagkaroon ng UTI, hindi nangangahulugang nakipagtalik siya sa lalaki. Isa lamang ito sa maaaring dahilan.
Ano ang mga sintomas ng UTI o impeksyon sa ihi
1)Makirot na pag-ihi (Dysuria)
2)Balisawsaw
3)Mabaho at hindi malinaw na ihi
4)Pananakit sa pantog
5)Panakakit sa tagiliran
6)Lagnat
Paano malalaman kung may UTI
Ang UTI ay maaaring gamutin base lamang sa pagkwento ng pasyente, ngunit kadalasan, gingagawa ang eksaminasyon na urinalysis upang matiyak kung mayroong UTI. Sa urinalysis, sinusuri ang ihi kung may mga mikrobyo, nana, o dugo, at iba pang bagay na maaaring magpakita na may impeksyong nagagaganap.
Anong gamot sa UTI
Antibiotiko ang pangunahing gamot sa UTI, ngunit ang pagpili ng antibiotiko sa UTI ay hindi simpleng bagay. Ibang klase ang mga mikrobyong na nagdudulot ng impeksyon sa ihi, kaya hindi pwedeng basta basta magbigay ng gamot gaya ng Amoxicillin. Mas mabuti kung magpatingin sa doktor at itanong kung anong antibiotiko ang angkop kung ikaw ay may UTI.
Bukod sa gamot, mahagala ring uminom ng maraming tubig upang mas mabilis masupil ang impeksyon. Iwasan ang kape, alak, at maaanghang na pagkain, sapagkat ang mga ito ay maaaring maka-irita sa pantog.
Kung ikaw ay may ibang sakit, gaya ng sakit sa bato, o umiinom ng ibang gamot, mahalagang banggitin ito sa doktor para makapili siya ng mas angkop na gamot. Depende sa iyong kalusugan, maaari ring magbago ang haba ng gamutan, mula tatlo hanggang 14 na araw.
Paano makaiwas sa UTI
Panatilihing malinis ang katawan upang makaiwas sa UTI. Maligo araw-araw at huwag kaligtaang linisan ng sabon ang puerta o ari. Kapag maghuhugas ng puwitan, ang direksyon ay dapat papalayo sa puerta o daluyan ng ihi. Regular na magpalit ng underwear. Uminom parati ng tubig.
Ang pakikipagtalik sa iba't ibang partner ay maaari ring mag-sanhi ng UTI, pati naring mga STD o sexually transmitted diseases. Iwasan ang ganitong mga gawain, o di kaya'y gumamit ng condom para makabawas sa probabilidad na magkakaroon ng impeksyon. Umuhi pagkatapos makipagtalik – may mga pag-aaral na nagsasabing ito'y nakakatulong as pag-iwas sa UTI.
BINABASA MO ANG
Health Tips Research
De TodoAng Health Tips Resarch po ay makakatulong po sa inyo para karagdagang kaalaman tungkol sa ating kalusugan. Ito po ay tungkol sa mga dapat nating iwasan, gawin, o lunas nang ating karamdaman. Tiyak po na may matututunan kayo. Ni-research ko po ito...