KAALAMAN TUNGKOL SA LUGA O EARWAX

3.7K 11 2
                                    


Ang luga, tutuli, o earwax sa Inglas at cerumen naman sa terminong medikal, ay ang madilaw at malapot na likido sa loob ng tainga ng tao. Kadalasan, ito ay nililinis gamit ang cotton buds, o ang maliit na kutsara na pang-tainga, sa pag-aakalang ito ay madumi at paraan ng pagpapanatili ng hygiene sa katawan. Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, ang tutuli ay may mahalagang papel na ginagampanan sa ating kalusugan.

BENEPISYO NG TUTULI O LUGA SA KALUSUGAN

Ang produksyon ng tutuli mula sa mga espesyal na sweat glands na tanging sa loob lamang ng tainga matatagpuan ay may ilang mahahalagang papel na ginagampanan sa ating kalusugan:

1. Ang malagkit na tutuli ay depensa mula sa alikabok at maliliit na bagay.

Ang tutuli ay karaniwang malagkit at basa. Ito ay natural upang maiwasang pumasok sa loob ng tainga ang mga maliliit na dumi at mikrobyo na maaaring magdulot ng pinsala, iritasyon at impeksyon sa delikadong bahagi ng tainga.

2. Ang luga ay may katangiang anti-bacterial.

Talgay din ng luga ang enzymes na may kakayanang puksain ang pumapasok na mikrobyo at bacteria. Sa tulong nito, maiiwasang magsimula ang impeksyon at mga sakit sa butas ng tainga.

3. Nagdudulot ito ng "waterproofing" sa tainga.

Ang luga ay tumutulong din na protektahan ng tainga mula sa tubig lalo na kung lumalangoy ang tao. Dahil ang luga ay natural na "waterproof", mapipigilan ang pagpasok ng tubig sa loob na maaaring makapagdulot din ng pinsala sa mga sensitibong bahagi ng tainga.

KAILAN DAPAT LINISIN ANG LUGA SA TAINGA?

Sa paglipas ng panahon, ang luga sa loob ng tainga ay kusang lumalabas o unti-unting umaagos palabas ng tainga. Kapag ito ay kapansin-pansin na, saka na lamang ito linisin sa pamamagitang nag pagpunas sa labas na bahagi lamang tainga. Kung ang luga naman ay naipon at nakakaapekto na sa kakayanang makadinig, mabuting alisin na ang nakabarang luga sa butas ng tainga.

PAANO LILINISIN ANG LUGA SA TAINGA?

Ang paglilinis ng luga sa tainga ay maaaring gawin sa pamamagitan ng pagpupunas ng malambot na pamunas (panyo o tissue paper) o kaya cotton buds na binasa ng tubig. Linisin lamang ang bahaging nasala bukana lang ng butas ng tainga. Ang pagsusundot sa loob ng tainga gamit ang cotton buds ay delikado at maaaring makapinsala sa loob na bahagi ng tainga.

Health Tips ResearchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon