Marami sa mga tao ang nagkakaroon ng tinatawag na ulser sa tiyan na nagbibigay ng di kanais-nais na pakiramdam katulad ng matinding pagsakit ng tiyan o pangangasim ng sikmura. Ito ay dahil hindi nakakakain ng husto at wasto sa oras o sanhi ng labis na pagkain ng mga pagkaing mamantika at maanghang o mabigat sa tiyan o labis na alak. Sa ilan ay maaaring ito ang nagiging sanhi ng kanilang kamatayan. Sa terminong medical, ito ay ang tinatawag na peptic ulcer disease.
Sa karamdamang ito, ang bahaging apektado ay ang bituka. Ang bituka ay ang organo na ginagamit sa paggiling ng naipaloob na pagkain. Sa proseso ng paggiling ay nangangailangan ng mga enzymes na mula rin sa bituka (pepsin) at nanggagaling sa atay (ang apdo) para sa pagtunaw ng mga nutrients na nanggagaling sa ating mga nakain. Kinakailangang i-digest ang mga nakain sa pamamagitan ng mga enzymes na ito upang maging mas simple ang chemical components ng nakain at nang sa gayon ay readily absorbable ito pagdating ng mga cells ng ating katawan.
Ang pH din sa loob ng bituka ay normal na acidic upang mas lalong ma-digest ang pagkain. Naide-deliver ang mga simplified compounds sa pamamagitan ng bloodcirculation.
Nabanggit na ang bituka ay ang pinangyayarihan ng digestion ng anumang nakain. Masasabi rin na ang bituka ay maituturing na "laman" din na maaaring ma-digest subali't ito ay protektado ng pang-ibabaw na coating nito. Ang inner surface ng bituka ay hindi tinatablan ng mga enzymes at acids sapagkat nababalutan ito ng coating na mucosal gel. Ito ay napo-produce ng mismong bituka upang maprotektahan ang sarili.
Kailan masasabing may ulcer?
Ang ulcer ay sugat na lumalim sanhi ng pagkakagasgas at pagbabakbak ng ilang tissuessa inner surface ng bituka. Ang mga sumusunod ay mga maaaring makasanhi ng pagkakaroon ng ulcer:
1. Skipping of meals – kapag nagugutom ang isang tao, dumadami ang amount ng acids sa loob ng bituka na magiging sanhi ng pagsisimula ng pagkakaroon ng ulcer. Kapag sobrang acidic ang bituka at wala itong magigiling, gagasgasin na ito ang sarili habang ito ay gumagalaw-galaw.
2. Drugs – may ilang mga gamot na nakakaapekto sa pag-produce ng mucosal gel na nagpoprotekta sa inner surface ng bituka. Ang ilan sa mga ito ay ang NSAIDS (nonsteroidal anti-inflammatory drugs) katulad ng ibuprofen, mefenamic acids, ketoprofen at aspirin. Ang mga gamot na ito ay nagpapababa sa production ng mucosal gel na proteksiyon sa bituka. Idagdag pa na ang mga gamot na ito ay nakakairita sa tiyan kapag walang lamang pagkain.
3. Infection – ang helicobacter pylori infection ay isang klase ng infection sa bituka na nakukuha mula sa pagkain o pag-inom ng mga pagkain na contaminated ng H. pylori bacteria. Ang bituka ang paboritong tinatamaan ng ganitong klase ng bacteria na nagreresulta sa pagdami ng acids na napoproduce ng bituka. Sa kalaunan ay magagasgas at magkakaroon na ng ulser sa tiyan.
4. Cigarette smoking – ang paninigarilyo ay nagiging sanhi rin ng pagdami ng sobrang acids sa tiyan.
5. Carbonated drinks – ang mga soft drinks ay nahaluan ng carbonic acid na nagpapataas ng acidity sa bituka lalo na kung iniinom ito nang walang laman ang tiyan.
6. Coffee – bagamat ang kape ay hindi acidic, kapag ininom ito ay nag-i-stimulate ito ng pagdami ng acid production sa bituka.
7. Personality at stress – kung ang pag-uugali ng isang tao ay masyadong maalalahanin sa trabaho at laging stressful, nai-stimulate ang bituka na mag-produce ng mas maraming acid sa bituka kung kaya't ang mga taong ganito ang pag-uugali ay madalas nagkakaroon ng ulser sa tiyan. Bumibilis rin ang paggalaw ng bituka at small intestines. Ang maaaring resulta ay ang pagkakagasgas ng inner surface ng bituka na maaaring lumaki kapag ipinagpatuloy ang habit na pag-skip ng meals, lalo na sa umaga.
BINABASA MO ANG
Health Tips Research
SonstigesAng Health Tips Resarch po ay makakatulong po sa inyo para karagdagang kaalaman tungkol sa ating kalusugan. Ito po ay tungkol sa mga dapat nating iwasan, gawin, o lunas nang ating karamdaman. Tiyak po na may matututunan kayo. Ni-research ko po ito...