Ang TB o ay isang impeksyon na sanhi ng isang uri ng bakteria na nabubuhay sa bahagi ng katawan kung saan mayaman sa dugo at oxygen. Ito ang dahilan kung bakit ang TB ay kadalasanng matatagpuan sa baga. Ang sakit na TB ay nagagamot, subalit ito nangangahulugan ng mahabang gamutan. Inaaabot ng anim hanggang siyam na buwan ang gamutan ng TB. May ilang kaso ng TB na inaaabot ng hanggang dalawang taon ang panggagamot.
May dalawang uri ng TB:
Latent TB – Ikaw ay may bacteriya sa katawan subalit ang iyong immune system ay nakikipaglaban sa mikrobyo. Ito ay nangangahulugan na walang sintomas na makikita na ikaw ay may TB at hindi ito nakakahawa sa iba. Ngunit tandaan na ang pagkakaroon ng latent TB ay maaaring mauwi sa active TB.
Active TB – Ang pagkakaroon ng aktibong ay nangangahulugan na ang mikrobyo na sanhi ng sakit ay dumadami na at nagiging dahilan ng paglitaw ng mga sintomas. Kung ang iyong baga ay apektado ng aktibong TB, napakadali pmo itong maipapasa sa sinuman na iyong makakahalubilo.
Ang TB sa baga ay lubhang nakakahawa. Kumakalat ito kapag ang tao na may aktibong TB ay bumuga ng hangin na may bakteriya at malanghap nang ibang tao ang mikrobyo nito. Ang tao na may TB ay nagbubuga ng higit pang mikrobyo kapag siya ay umuubo o tumatawa.
May mga tao na mas madaling mahawa kumpara sa iba. Isa ka sa kanila kung ikaw ay:
*May HIV o iba pang sakit na nagpapahina ng immune system
*Ikaw ay nakatira sa bahay na tinitirahan din ng taong may aktibong TB
*Ikaw ay nangangalaga sa mga taong may aktibong TB, tulad ng mga doktor o nurse
*Nag-aabuso sa paggamit ng alak at sigarilyo
Kung ikaw ay nanganganib na magkaroon ng TB, mahalaga na ikaw ay masuri ng dalawang beses kada taon para malunasan ang anumang posibleng impeksyon.
Mga sintomas ng TB o Tuberkulosis
Kadalasan, ang impeksyon ay napakahina anupa't hindi ito agad namamalayan ng mga taong nahahawa pa lamang ng sakit. Ang mga taong may latent TB o di aktibong TB ay walang sintomas na makikita maliban sa ito ay maging ganap na aktibong sakit.
Narito ang mga sintomas TB o aktibong :
Ubo na may kasamang makapal na plema na kung minsan ay may kasamang dugo na hindi nawawala sa loob ng dalawang linggo
*Pagkahapo at biglaang pagbawas ng timbang
*Mataas na lagnat
*Pamamaga sa leeg
*Kahirapan sa paghinga at masakit na dibdib
Nalalaman ng mga doktor kung ikaw ay may di-aktibong TB sa pamamagitan ng tinatawag na tuberculin skin test. Habang sinusuri ang iyong balat, ang doktor ay magtuturok ng TB antigen sa ilalim ng iyong balat. Kung ikaw ay may impeksyon na dulot ng TB, ang pinagturukan ng karayum ay bubukol at mamumula sa pagkaraan ng dalawang araw. Ang pagsusuri sa dugo ay maaaring kumumpirma na ikaw ay may TB.
BINABASA MO ANG
Health Tips Research
RandomAng Health Tips Resarch po ay makakatulong po sa inyo para karagdagang kaalaman tungkol sa ating kalusugan. Ito po ay tungkol sa mga dapat nating iwasan, gawin, o lunas nang ating karamdaman. Tiyak po na may matututunan kayo. Ni-research ko po ito...