ANO ANG MGA SINTOMAS NG LEUKEMIA?
Ang unang naapektuhan ng leukaemia ay ang tatlong klase ng blood cells: ang red blood cell, white blood cell, at platelet.
MGA SINTOMAS DAHIL APEKTADO ANG MGA RED BLOOD CELL
Dahil apektado ang mga red blood cells, parang may 'anemia' ang mga may leukemia, at maaaring makaranas ng mga sintomas gaya ng paghihina, hapo, hirap huminga, madaling mapagod, pagkahilo, at iba pa.
MGA SINTOMAS DAHIL APEKTADO ANG MGA PLATELET
Ang mga platelet ay responsable sa pagpigil sa pagdudugo sa iba't ibang bahagi ng katawan at kung apektado ang produksyon ng platelet sa bone marrow, maaari itong magdulot sa mga sintomas gaya ng pagiging madaling magsugat o magpasa (easy bruisability), madaling magdugo (halimbawa, mag sipilyo lang ay dumudugo na agad ang mga gilagid), at pagkakaron ng mga tuldok-tuldok na parang mga pasa.
MGA SINTOMAS DAHIL APEKTADO ANG MGA WHITE BLOOD CELL
Ang mga white blood cell naman ay bahagi ng immune system na lumalaban sa mga impeksyon ay kung apektado ang produksyon nito, magdudulot ang leukemia sa pagiging sakitin ng pasyente, at pagiging madalas magkaron ng mga singaw, ubo, at iba pang impeksyon.
IBA PANG MGA SINTOMAS
Bukod sa mga ito, ang pagbabawas ng timbang (weight loss) ay isa ring sintomas na karaniwan sa lahat ng mga kanser. Marami paring ibang pwedeng maging sintomas ang leukemia dahil sa mga komplikasyon nito.
BINABASA MO ANG
Health Tips Research
RandomAng Health Tips Resarch po ay makakatulong po sa inyo para karagdagang kaalaman tungkol sa ating kalusugan. Ito po ay tungkol sa mga dapat nating iwasan, gawin, o lunas nang ating karamdaman. Tiyak po na may matututunan kayo. Ni-research ko po ito...