Nagkaroon ka na ba ng pigsa? Ang pigsa ay isang karaniwang sakit ng mga Pilipino. Kaya kung naghahanap ka ng mabisang gamot sa pigsa, tama ang iyong napuntahan. Pag-uusapan natin sa artikulong ito ang mga paraan upang maggamot ang pigsa. Sa dulo ng artikulo, ituturo naming ang ilan sa mga halamang gamot sa pigsa.
*ANO ANG PIGSA?
Ang pigsa ay isang impeksyon sa balat na maaaring may kasamang nana. Ang impeksiyong ito ay maaaring nagmumula sa ilalim ng balat. Ang sakit na ito ay maaaring magdulot ng permanenteng peklat sa balat. Ito'y maaaring makahawa sa iba pang bahagi ng iyong katawan o sa ibang tao.
*ANO ANG SINTOMAS NG PIGSA?
Ang pinakahalatang sintomas ng pigsa ay ang namumula at nakaumbok na bukol sa balat. Masakit itong hawakan. Ang sukat ng pigsa ay iba-iba mula kasing laki ng butil ng bigas hanggang sa parang kabute na laki. Ang bukol ay mabilis mapuno ng nana. Ang balat sa palibot ng piga ay namamaga rin. Narito ang iba pang sintomas ng pigsa:
*Pangangati sa palibot ng bukol
*Pananakit ng katawan
*Matinding pagkapagod
*Lagnat
*Paglabas ng nana sa bukol isang araw matapos itong mamaga
*ANO BA ANG SANHI NG PIGSA?
Ang pigsa ay nabubuo dahil sa bakteriyang Staphylococcus aureus na nakapasok sa hair follicles ng balat. Ang maliliit na mga sugat sa balat mo ay nagiging daanan ng bakteriyang ito kaya nagkakaroon ng impeksyon. Ito ay ang dahilan kung bakit namamaga ang pigsa at napupuno ng nana.
Ang mamasa-masang bahagi ng iyong katawan ay siyang pangunahing target ng impeksyong ito, lalo na sa mga sumusunod:
*Ilong
*Bibig
*Balakang
*Kilikili
Ano ba ang mga kalagayan na maaaring magpalakas ng posibilidad na magkaroon ka ng pigsa? Ang pakikihalubilo sa mga taong may pigsa ay magpapataas ng iyong chance na magkaroon nito. Narito ang ilan pang mga salik na maaaring mong bantayan:
*Kakulangan ng kalinisan sa pangangatawan
*Pagkakaroon ng diabetes
*Mahinang immune system
*Allergy sa balat
*Sakit sa bato
*Sakit sa atay
*Pag-aahit
Ang pagsusuri sa pigsa ay simple; titingnan ng doktor ang bukol at baka kumuha siya ng sampol ng nana sa pigsa at dalhin sa laboratoryo para sa karagdagang pagsusuri.
Mahalagang malaman mo kung kailan ka pa nagkaroon ng pigsa o gaano na katagal ang sakit mo. Sabihin mo sa doktor kung ito ay hindi gumaling sa loob ng dalawang linggo. Maari mo ring sabihin kung nagkaroon ka na dati ng ganitong sintomas.
Kung patuloy kang nagkakaroon ng pigsa, malamang na ito ay isang palatandaan ng mas malubhang karamdaman tulad ng diabetes. Maaari kang sumailalim sa blood o urine test para malaman ang kalagayan ng iyong kalusugan.*MABISANG GAMOT SA PIGSA
Kung ikaw may pigsa, maraming paraan ang pwede mong gawin sa bahay para mabilis itong mawala. Subukan mo ang mga sumusunod.
*Gumamit ng init para lunasan ang pigsa. Ang paglalagay ng init sa pigsa ay magpapabilis ng sirkulasyon ng dugo at tutulong itong paganahin ang immune system ng katawan, na magdadala ng antibodies at white blood cells sa lugar ng impeksyon
.*Maaari kang gumamit ng bote na may lamang mainit na tubig. Ilagay ito ng 10 hanggang 20 minuto sa bawat dalawang oras.
*Maaari ring gumamit ng bimbo na ibinabad sa mainit na tubig. Tutulong ito sa pigsa mo matunaw ang mga nanigas na nana at magpapadala ito ng sapat na oxygen at nutrients sa white blood cells sa lugar ng impeksyon.
*Huwag mong susubukang pisain at operahin ang pigsa kung ito ay maliit at matigas pa. Karamihan sa mga pigsa ay kusa na lamang na mapipisa sa tulong ng mainit na bote o bimpo. Ang pilit na pagpisa sa pigsa ay maaaring magdulot ng pangingitim ng peklat, pangmatagalang impeksyon at pamamaga.
*Pisain ang pigsa kung ito ay lumambot na at nagkaroon na ng mata. Tulad ng nasabi na natin, karamihan sa mga pigsa ay kusang napipisa. Subalit sa ilang mga pagkakataon, ang pag pisa sa pigsa ay kailangan lalo na kung lumabas na ang mata nito. Ibig sabihin, ang nana ay nakikita na sa ibabaw ng pigsa.
*Para sa malalaking pigsa, mas mainam kung kukunsulta ka sa doktor. Kadalasan kasi, ang malalaking pigsa ay naglalaman ng maraming maliliit na pigsa sa loob na kailangang operahin para mailabas ang nana. Maaari ring magbigay ang doktor ng antibiotic para magamaot ang impeksyon, subalit hindi lamang antibiotic ang kailangan para magamot ang pigsa.
*EPEKTIBONG GAMOT SA PIGSA: BAWANG AT SIBUYAS
*BAWANG
Ang bawang ay nagtataglay ng mga elementong lalaban sa mga mikrobyo. Ito ay isang epektibong gamot sa pigsa. Kumuha ng bawang at dikdikin ito. Ilagay ito sa ibabaw ng pigsa ng ilang minuto bago hugasan. Gawin ito ng dalawa o tatlong beses kada araw. Ang pamamaraang ito ay nakatutulong upang mabilis na maalis ang pigsa.
*SIBUYAS
Ang sibuyas ay may kakayahang magpagaling ng pigsa, Hiwain ng pinong pino ang sibuyas at ilagay ito sa pigsa. Gawin ito araw araw para mawala agad ang pahirap na pigsa.
*HALAMANG GAMOT SA PIGSA
Kapag tayong mga Pinoy ay nagkakasakit, naghahanap tayo ng mabisang halamang gamot. Ano ang halamang gamot para sa pigsa? Naglista kami ng ilang halamang gamot sa pigsa, kasama na ang mga paraan para sa paggamit ng mga ito.
*ALUGBATI
Kumuha ng dalawang dahon ng alugbati. Dikdikin ito at ilagay sa ibabaw ng pigsa dalawang beses kada araw.
*AMARILLO O MARIGOLD
Magdikdik ng tatlong dahon at dalawang bulaklak ng Amarillo, ilagay ito sa ibabaw ng pigsa dalawang beses kada araw.
*GUMAMELA
Magtadtad ng limang dahon ng gumamela at ilagay ito sa ibabaw ng mata ng pigsa dalawang beses kada araw.
*LANGKA
Pigain ang magatang katas ng balat ng puno ng langka at haluan ito ng kaunting patak ng suka. Initin ang pinaghalong katas at suka. Ilagay ito sa pigsa na mainit init pa. Takpan ng malinis na sa loob ng 20 minuto. Ulitin ito ng dalawng beses kada araw.
*SAMBONG
Magtadatad ng limang dahon ng sambong at ilagay ito sa ibabaw ng pigsa dalawang beses kada araw.
*PAANO BA MAIIWASAN ANG PAGKAKAROON NG PIGSA?
Ang tamang paglilinis sa sarili ay magpapabawas ng posibilida na magkaroon ka ng pigsa. Sundin ang sumusunod na mga payo para makaiwas sa sakit na ito:
Ugaliing maghugas ng kamay bago kumain at pagkatapos na gumamit ng banyoMaligo ng hindi bababa sa isang beses kada araw para maiwasang kapitan ng mga mikrobyoIwasan ang pag tiris sa pigsa at iba pang mga bukol sa balatIbabad sa mainit na tubig ang mga damit, kumot at tuwalya minsan sa isang linggo.Makipag-usap sa doktor kung sakaling nagdududa ka na ikaw ay may iba pang karamdaman at kung hindi mo kayang gamutin ang pigsa na tumubo saiyo.
BINABASA MO ANG
Health Tips Research
RandomAng Health Tips Resarch po ay makakatulong po sa inyo para karagdagang kaalaman tungkol sa ating kalusugan. Ito po ay tungkol sa mga dapat nating iwasan, gawin, o lunas nang ating karamdaman. Tiyak po na may matututunan kayo. Ni-research ko po ito...