MGA KAALAMAN TUNGKOL SA CERVICAL CANCER

467 11 2
                                    


            Ang cervical cancer ay ang kanser na nakaaapekto sa cervix o kuwelyo ng matres ng babae. Ayon sa mga datos, ang kanser sa cervix ay ang pangalawa sa mga nangungunang kanser na nakaaapekto sa kababaihan sa Pilipinas.

           Ang cervix ay isang bahagi ng reproductive system ng mga babae na makikita sa pagitan ng vagina at uterus (matres). Minsan ay tinatawag din ito bilang "kuwelyo ng matres".

           Ang cervical cancer ay maaaring makaapekto sa lahat ng kababaihan, may karanasan man sa pakikipagtalik o wala. Ngunit ang panganib ng pagkakaroon nito ay higit na mataas kung higit sa isa kapareha sa pagtatalik.


ANO ANG SANHI NG CERVICAL CANCER

            Ang tinuturong sanhi ng pagkakaroon ng cervical canceray ang impeksyon ng Human Papillomavirus o HPV. Matatandaan na ang HPV ang siya ring nagdudulot ng kulugo sa balat. Ang HPV ay kadalasang nakukuha ng mga babae sa pamamagitan ng pakikipagtalik.


ANU-ANO ANG MGA SALIK NA NAKAPAGPAPATAAS SA PANGANIB NG PAGKAKAROON NG CERVICAL CANCER

Tumataas ang posibilidad ng pagkakaroon ng cervical cancer dahil sa mga sumusunod na risk factors:

*Matagal na panahon na paggamit ng iniinom na contraceptives

*Paninigarilyo

*Impeksyon ng HIV

*Maagang edad ng pakikipagtalik

*Pakikipagtalik sa iba't ibang kapareha.


ANO ANG MGA KOMPLIKASYON NG CERVICAL CANCER


            Ang mga komplikasyong nararanasan sa pagkakaroon ng cervical cancer ay kadalasang dahil sa mga side effects ng paggagamot sa sakit (gaya ng chemotherapy at radiotherapy), at kung ang kanser ay nasa malalang antas na.


Maagang pagme-menopause. Dahil ang paggagamot ay nakasentro sa matres ng babae, hindi malayong maapektohan ang obaryo ng babae. Maaari itong alisin sa pamamagitan ng operasyon upang mapigilan ang ilang mga kaganapan sa reproductive organ ng babae gaya pagbabago sa mga hormones at buwanang dalaw.

Paninikip ng vagina. Maaaring maapektohan din ang vagina dahil sa gamutan sa cervical cancer. Dahil dito, ang pakikipagtalik ay maaaring maging mahirap at masakit.

Problemang emosyonal. Tiyak din na maaapektohan ang emosyon ng babaeng apektado ng sakit na cervical cancer. Maaari itong makaapekto sa trabaho, eskuwelahan, at relasyon sa ibang tao.

Matinding pananakit. Ang malalang kaso ng cervical cancer ay nagdudulot din ng matinding pananakit matres ng babae, kabilang na ang mga buto, kalamnan at mga nerves sa mga ito.

Problema sa bato. Ang mga bato ay maaapektohan din ng mga tumor namumuo sa matres dahil maaaring makaipit ito sa mga tubo na nilalabasan ng ihi. Kung hindi makalalabas ng maayos ang ihi, ang kalusugan ng mga bato ay tiyak na manganganib.

Pagdurugo. Ang paglaki ng mga tumor sa cervix ng babae ay makapagdudulot din ng pagdurugo na kung mapapabayaan ay magdudulot ng pagkawala ng maraming dugo.

Health Tips ResearchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon