MASASAMANG EPEKTO NG STRESS SA KALUSUGAN

1.2K 7 1
                                    



               Ang stress ay isang normal na reaksyon o pakiramdam na bunga ng pang-araw-araw na suliranin kinakaharap ng bawat isa sa atin. Ang pagkakaranas nito ay nakakaapekto sa pisikal at sikolohikal na aspeto ng pagkatao. Kung hindi ito maaagapan o matutugunan, maaaring humantong ito sa mas malalang kondisyon at magkaroon ng malalang karamdaman. Ilan sa mga sakit at kondisyon na maiuugnay sa pagkakaranas ng stress ay ang sumusunod


1. Pananakit ng ulo

2. Pananakit ng mga kalamnan

3. Paninikip ng dibdib

4. Kawalan ng gana sa pakikipagtalik

5. Pananakit ng sikmura

6. Hirap sa pagtulog


Maging ang mood ng tao ay maaaring maapektohan din ng madalas na pagkakaranas ng stress, at magdulot ng mga sumusunod na kondisyon


*Pagkabalisa

*Hindi mapakali

*Kawalan kakayanan na makapag-pokus sa gawain

*Kawalan ng kontrol sa galit

*Depression


Ang ugali ng bawat tao ay maaapektohan din kung madalas makaranas ng stress. Ang mga sumusunod na pag-uugali ay maaaring bunga ng sobrang stress.


*Sobra at kawalan ng kontrol sa pagkain

*Pag-abuso sa droga o alak

*Sobrang paninigarilyo

*Pag-layo sa lipunang ginagalawan


Ang mga epektong nabanggit ay ilan lamang sa mga negatibong bunga ng stress sa kalusugan. Ang mga ito, kung hindi maaagapan, ay maaaring humantong pa sa mas malalalang kondisyon o sakit na maaaring magwakas sa buhay.

Health Tips ResearchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon