Ang mga sumusunod ay mga pangunahing sintomas ng tigdas-hangin o german measles. Tandaan na bawat tao, matanda man o bata, may kani-kanyang katawan na iba't iba ang reaksyon sa sakit, kaya ang mga sintomas ay naka-depende dito.
RASHES O PANTAL-PANTAL
Ang 'rash' o pantal-pantal ay ang pangunahing sintomas ng tigdas-hangin. Depende sa kulay ng balat, mamula-mula hanggang pink ang kulay ng rash. Ito ay nag-uumpisa muna sa ulo (kalimitan, sa likod ng tenga) at kumakalat pababa, sa dibdib, tiyan, hanggang sa mga kamay at paa.
MALA-TRANGKASONG SINTOMAS
Bukod sa 'rash', maaari ring magkaron ng 'mala-trangkaso' na sintomas gaya ng lagnat, ubo, at sipon. Ang mga sintomas na ito ay mas madalas mangyari sa mga nakakatanda, kung ikokompara sa mga bata. Bukod dito, ang pagkakaron ng tumutulong ilong (runny nose) o sakit ng ulo (headache) ay maaari ring maramdaman. Panghuli, ang pagkakaron ng mamula-mulang mata.
MGA KULANI O LYMPH NODES
Minsan, kasabay o bago pa man magkaron ng rashes, maaaring magkaron ng mga kulani na namamaga (swollen lymph nodes) sa leeg.
BINABASA MO ANG
Health Tips Research
RandomAng Health Tips Resarch po ay makakatulong po sa inyo para karagdagang kaalaman tungkol sa ating kalusugan. Ito po ay tungkol sa mga dapat nating iwasan, gawin, o lunas nang ating karamdaman. Tiyak po na may matututunan kayo. Ni-research ko po ito...