Then - Chapter Two

528 51 1
                                    

[Meng]

Pabiling biling na ako sa higaan pero 'di pa rin ako dalawin ng antok. Ayaw ako patulugin ng hitsura ni Tisoy kanina. Ang hirap! Sana sinabi ko na lang sa kanya yung totoo.

Pero teka, totoo naman yung sinabi ko na mahal ko siya e, sana pala hindi ko na lang dinugtungan. "Naku naman kasi Menggay! Napaka-gulo talaga ng utak mo!" pagkastigo ko sa sarili ko. Hindi bale, pag nagtapat ulit sya, aamin na rin ako.

[RJ]

"Mahal din naman kita e, ikaw yata bestfriend ko!" paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko yung mga binitawan niyang salita. I remember looking at her eyes while she's saying those words, they seem hesitant, unsure.

Ang sakit pala. Siguro, sign na rin 'to, na it's about time na pagbigyan ko si Dad. Ever since kasi na nahanap niya ako, he's been asking me to try to live with him sa New York, and I always turn him down.

Sa totoo lang, matagal na n'yang inayos 'yung pagpetisyon sa'kin, ako lang ang tumatanggi, delaying it as much as I can. Ayaw ko kasi iwan si Auntie na nagpalaki sa akin simula nang mawala si Mommy, at syempre, ayaw ko ding iwan si Meng.

Pero ngayon pwede ko na rin sigurong isipin naman ang sarili ko. Maybe God has a different plan for me.

+

"Huy Tisoy! Ba't 'di mo ako dinaanan sa bahay kanina?" bati niya sa'kin pagpasok niya sa classroom.

"Nagmamadali na kasi ako kanina e." maiksi kong sagot. Tumango-tango lang siya. Sinadya ko talagang hindi na s'ya daanan kanina. What for? I'll be leaving her in a few weeks time, two weeks that is, after graduation. Kailangan sanayin ko na siyang wala ako sa tabi n'ya. Pero hindi ko pa kayang sabihin sa kanya.

Natatakot ako, hindi ko alam kung sa magiging reaksyon n'ya, o sa magiging reaksyon ko pag nakita ko ang reaksyon n'ya. Desidido na kasi akong umalis, pero baka pag nakita ko siyang umiyak, baka magbago pa isip ko. Oo, alam ko iiyakan naman n'ya ako, hindi ako assuming.

Natapos ang maghapon na 'yun sa school nang halos hindi kami nag-uusap, well, on my end. Siya lang 'yung tanung ng tanong at sinasagot ko lang 'yung tanong niya. Isang tanong, isang sagot. Wala ring chance na mag-usap kami ng matagal, dahil puro practice para sa graduation lang din naman ginawa namin. Hindi na rin ako sumabay sa kanya pauwi. Mas magiging madali para sa aming dalawa 'to.

[MENG]

Uwian na, nakita ko na lang si RJ na nasa tapat na ng gate ng school, nag-aabang ng masasakyan. Tulad kahapon, at nung mga nakaraang araw pa, iniwan na naman n'ya ako.

Hindi ko na alam kung anong iisipin. Ilang gabi na n'ya akong hindi pinapatulog kakaisip. Is he just trying to get even dahil sa -- urgh, awkward man isipin -- pambabasted ko sa ka'nya? O, nagpapamiss lang s'ya? Hay! Sana nga, sana nga ganun lang.

Bukas graduation na, kakausapin ko na s'ya. Hindi na ako papayag na iwasan n'ya pa ako.

+

"Anak, gising na, baka ma-late tayo sa graduation mo." gising sa akin ni Mama na sinabayan pa ng mahinang pagyugyog sa braso ko.

"Mamaya na Ma. Ang aga pa eh." protesta ko at sinabayan ko ng pagtalukbong ng kumot.

"Itong batang ito, anong maaga? Alas-otso na, alas-nuebe ang graduation mo. Saka, andun si Tisoy sa baba, hinihintay ka na." pagpilit pa rin sa'kin ni Mama.

Napabalikwas ako ng bangon at tumakbo pababa, just to be disappointed. Wala si Tisoy.

"Ma naman eh, bakit mo 'ko ginaganito?" at tuluyan na 'kong napahagulgol kay Mama na nakasunod na din sa'kin.

AMACon 3: Oikos - HomeWhere stories live. Discover now