Then - Chapter Three

490 52 2
                                    

[Meng]

Maingat akong umupo sa ilalim ng punong acacia na nasa park kung saan madalas din kaming tumambay ni RJ. Gabi na, pero eto ako, ninanamnam ang malamig na ihip ng hangin. Pinagmamasdan ko lang yung mga tao na andun at namamasyal pa rin, karamihan sa kanila, magkasintahan. Na-miss ko tuloy si RJ.

Gustuhin ko mang umuwi na, pinigilan ko sarili ko. Pinikit ko na lang mga mata ko and made myself feel the serenity. I need this time out with myself. Lately kasi, sunod sunod yung dating ng mga invitations for me to attend and contribute sa mga art exhibits.

Pero I'm not complaining, because of these exhibits, napansin ni Antonio Davide, owner ng isang sikat na art gallery sa Italy, ang mga gawa ko. He offered his gallery to me. Sobrang saya ko lang. So overwhelming. Nakaka-excite. Can't wait to tell RJ about this.

But my excitement equates to how nervous and pressured I feel right now. I just feel the need to breathe.

Nasa ganong ayos ako when somebody covered my eyes with his hands. Hindi ako pwedeng magkamali.

"OMG! R-RJ?" nanginginig pa yata boses ko.

"Ang daya! How'd you know it's me?" he said as he finally showed himself to me.

I was rooted to where I was sitting when I saw him again for the first time after four long years. Para siyang aparisyon sa paningin ko.

"Magtitinginan na lang ba tayo dito? Love?" he said as he cupped my face with his hands.

"Love!" dun lang ako nahimasmasan and I threw myself to him.

"Miss na miss kita Menggay!" he said, and he suddenly kissed me.

"Come." he said as he took my hand and guided me up the hill where we could see the majority of San Alfonso.

May pa-picnic palang hinanda ang mokong. May nakalatag nang mat where we could lie and stargaze, just like the old times. Ah! I missed this.

"Love, ang ganda talaga pagmasadan ng stars no? Hindi nakakasawa." nasabi ko na lang sa kanya as we were lying there.

"Yes love. Pero minsan, nakakapagod tumingala para lang makita sila, buti na lang andyan ka, isang tingin ko lang, langit na." he said, eyes twinkling. Ang corny pero kinilig ako.

"Teka nga pala. Bat andito ka na? Bukas pa dapat dating mo ah? Sinira mo yung plan ko na i-surprise ka sa airport! Madami akong surprsise para sayo eh." sita ko sa kanya.

"Sorry na love. Sinadya ko 'to. I love surprising you. You just don't know how beautiful your surprised-look is." nasabi na lang niya at walang kaabog-abog na ninakawan na naman ako ng halik.

+

[RJ]

Tinitigan ko ang hawak kong plano ng restaurant na ipapatayo ko sa bayan namin, sa tulong ni Dad. Excited na 'kong ipakita 'to kay Meng, I know she will be thrilled that the restaurant will push through. Kakapadala lang sa akin ng kakilala kong engineer kaya hindi ko pa rin nabanggit sa kanya. Gusto ko kasi, pag sinabi ko sa kanya, may resibo.

Maya-maya nag-ring ang cellphone ko. Si Meng.

"Hi Love. Punta ako diyan sa inyo ngayon, may good news ako sayo, di ko kasi nasabi sayo nung nagkita tau e, ang harot harot mo kasi." si Meng sa kabilang linya.

"Talaga ba love? Eh papunta na rin dapat ako sayo eh. May sasabihin din ako." pipigilan ko pa dapat siyang umalis pero..

"O sige na love, malapit na'ko diyan. Love you." sagot niya at walang kaabog-abog na binabaan na lang ako ng telepono.

Napapailing na lang ako. Hindi pa rin siya nagbabago. Kapag sinabi niyang pupunta siya, walang makakapigil sa kanya.

Maya-maya pa, narinig ko na yung doorbell.

"RJ!" bulalas niya nung pinagbuksan ko na siya ng pinto. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Halika dito love. Nag-lunch ka na ba? Let's talk about your good news over lunch." aya ko sa kanya papunta sa komedor.

"Hindi pa love, nagmamadali ako kanina. Madami akong inayos na mga papeles ko." sagot niya, halatang masayang masaya.

"Papeles? Para saan?"

"You know Antonio Davide? He wants me to be one of his artists. He offered me his art gallery sa Italy. Tutulungan daw niya akong makarating dun." sagot niya na kinikilig pa.

"Antonio Davide? That jerk? Naniwala ka naman sa kanya? Um-oo ka na ba?" medyo nag-panic ako sa surprise niya. Antonio Davide kasi has a reputation of being a womanizer.

"Hindi pa naman, pero choosy pa ba ako? Ako na in-offer-an oh. Pang international na ang beauty ko love!" pagkasabi nun ay niyakap niya ako. Ramdam ko yung saya niya. Pero saglit akong di naka-kibo.

"Anong problema RJ? Ayaw mo ba? Hindi ka ba masaya para sa akin?" napansin niya pala yung pagsasawalang kibo ko.

"Hindi naman sa ganun Meng, pero bakit kailangan mo pang lumayo? Madaming art exhibits ka na rin namang nasalihan dito. Nakilala ka na rin."

"RJ, iba naman 'to. International na 'to. Alam mo namang pangarap ko 'to di'ba?" sagot niya, hindi na'ko nakakibo. Alam kong pangarap niya 'to, sino ako para hadlangan siya?

"Huwag ka na malungkot, sumama ka na lang sakin RJ please?" napansin niya pala na nalungkot ako.

"I can't." maikli kong sagot pagkatapos ay inabot ko sa kanya yung plano ng restaurant na ipapatayo ko.

"Wow RJ, this is great! Unti-unti mo na rin naaabot mga pangarap mo mahal!". aniya at niyakap ako.

"Meng huwag ka na lang umalis please? Stay here with me. I don't want you doing business with that jerk. Even my colleagues in New York knew him, what with his reputation." pangungumbinsi ko sa kanya.

"Grabe ka naman RJ, judgmental masyado. Ikaw na lang sumama sakin dun, Mahal please?"

"Paano yung restaurant ko? I can't go anywhere else Meng. I am settling here in San Alfonso. Diba pareho naman nating pangarap to? Na dito tayo bubuo ng pamilya natin? Dito ka na lang please?" halos magmakaawa na ako sa kanya.

"Mga isa o dalawang taon lang naman eh, tapos babalik na rin tayo dito." aniya pa.

"No Meng, I am staying here with or without you. Mamili ka Meng, Antonio or Me?"

"Why is that even a question RJ? Siyempre ikaw ang laging pipiliin ko, ikaw ang boyfriend ko eh!"

"Then stay."

"I'm sorry RJ." then she walked out my door.

AMACon 3: Oikos - HomeWhere stories live. Discover now