Guardian 2

1.3K 42 33
                                    

Dedicated to: ikalabingapat hello! 😁 thanks ulit sa pag-vote at pag-add sa reading list mo ng Premonitions ko hahah! Sorry late dedication XD I hope you'll like this story too! ^_^

~
Guardian 2

Nagising ako sa maingay na tunog ng alarm clock, pero pinatay ko lang 'yun saka bumalik ulit sa pagtulog.

"Inaantok pa ako kaya 'wag kang maingay!" panunumbat ko dun sa alarm clock.

"GISING NA!!!"

Nagulat ako sa pagsigaw ng kung sino man sa tainga ko at sa sobrang gulat ay nahulog ako sa higaan. Tumayo akong hinihimas ang nasaktan kong balakang saka hinarap na may panggigigil ang bwisit na nilalang!

"Bangon na diyan, nakapagluto na ako mahuhuli ka na sa pagpasok mo kung hindi ka pa kikilos" sabi niya saka lumabas ng kwarto ko.

Babalik na sana ako sa pagtulog at hindi papansinin ang kung sino mang mukhang anghel na gumising sa akin nang mapagtanto ko kung ano ang tunay na nangyari. Dali-dali akong lumabas ng kwarto't pumunta sa kusina kung saan may isang babaeng nagluluto. Nakasuot ito ng puting damit at puting palda na knee level, suot din niya ang nag-iisa kong apron at nakatali ang buhok. Humarap ito sa akin saka ngumiti.

"Goodmorning Den" masiglang sabi niya, at pagkasabing-pagkasabi niya nun, agad-agad akong pumunta sa pintuan para lang malaman na naka-lock iyon saka bumalik sa kusina, kinusot ko ang mata ko para makumpirma kung totoo ba ang nakikita ko.

Nang mapagtantong hindi nga ako nanaginip ay agad-agad ko siyang hinila sa braso, tinanggal ko ang apron kong suot niya saka marahas na hinila papunta sa pinto.

"Teka sandali!" pahabol na sabi niya.

Marahas ko naman siyang binitawan. Humarap siya sa akin na nakangiti. Tss! Crazy!

"Sorry na! Hindi ko naman sinasadya yung inasta ko kagabi eh, ikaw naman kasi eh! Bakit wala kang suot na t-shirt! Syempre babae ako! Natural na magiging ganun ang reaksyon ko!" sabi niya na naka-pout. Tss!

"I don't need your explanation, ang gusto ko lang ay lumabas ka ng apartment ko! At paano ka ba nakapasok ha?! Magnanakaw ka siguro noh!"

"Let me introduce myself first to you Mr. Jaster Deneel Fajer..."

What the..paanong...?

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?!" hindi ko naman sinabi ang pangalan ko sa kanya ah?!

She clears her throat before answering.

"Kaya nga sabi ko 'di ba, let me introduce myself to you. I have three reasons kung bakit ako nandito. So, una sa lahat, hindi ako magnanakaw. Pangalawa, kaya ako nandito kasi kailangan ko ng tulong mo, at pangatlo kaya alam ko ang pangalan mo kasi...













ako ang GUARDIAN mo"

#
Natahimik ang lahat sa pagpasok ko. Ikaw ba naman sipain ang pinto sinong hindi matatahimik 'di ba?

"Aga natin ah!" pang-aasar ni Arcy pagkaupong-pagkaupo ko sa upuan kong nasa likod. Isa siya sa mga kaklase kong feeling close, kahit sino na lang kinakausap. Walang pinipili.

Tiningnan ko lang siya ng masama. Badtrip ako, ayoko ng magulo.

Ilang segundo lang matapos ko pumasok, nagkaroon ng bulong-bulungan. Tss, speaking of gulo, nandito na ang panggulo.

"Hi Den!" energetic niyang sabi nang mahanap ako. Napailing na lang ako't napasubsob sa desk ko.

"Whoa Jaster! You know her?!" rinig kong sabi ni Mat, ang babaero kong kaklase. I can't call them my friends, 'coz they're not.

My Mysterious GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon