Dedicated to: bts_fungurr__ hi! Thanks sa pag-add mo sa story na 'to sa reading list mo! I hope you'll like this chapter!
Enjoy Reading!
Vote✔
Comment✔>SM❤
~
Guardian 20Nagising akong wala na naman si Inu sa tabi ko, at gaya kahapon, nataranta ako pero mas namutawi ang kabang nararamdaman ko.
Natatakot ako.
Oo. Natatakot ako na baka isang araw magising na lang ako na hindi ko na rin siya nakikita't naaalala. Natatakot ako na baka ngayon ang araw na 'yun. Kinakabahan at natataranta akong tumayo't hinanap siya. Gumaan ang pakiramdam ko nang makita ko siya sa kusina habang umiinon ng tubig. Nilapitan ko siya, nakatalikod siya ngayon sa akin dahil kasalukuyan niyang binabalik sa fridge ang pitsel.
"Ahh! G-ginulat mo naman ako!"
Aalis na sana siya kaya hinarang ko ang braso ko, sinubukan niyang dumaan sa kabila pero hinarang ko lang din ang braso ko doon. Napaatras siya't nabunggo sa fridge nang ilapit ko ang mukha ko sa kanya na para bang kinakabisado ko ang bawat detalye ng mukha niya.
"D-Den..."
Nayakap ko na lang siya bigla. Kakalas sana siya sa yakap ko pero mas lalo ko lang siya niyakap.
"Den...? May problema ba?" mahahalata ang gulat at takot sa boses niya.
"May problema ka" hindi na siya nakasagot pa nang sabihin ko 'yan, she just buried her face in my chest saka ako niyakap. Ramdam ko ang paghawak niya ng mahigpit sa damit ko. I know its been hard for her, being forgotten by the persons she used to know.
In her case, it's too much better if they forgot their memories with her, but not her. Mas masakit makalimutan kaysa mamuhay sa alaala. I know that she treasures her memories with them, pero paano na ngayon? Ngayong hindi na nila siya kilala, hindi na nakikita, maalala pa rin kaya nila ang mga araw na kasama nila siya? O maging sa alaala nila'y wala na rin siya?
Ang mga pinagsamahan, mga araw na pinahalagahan, mga aral na natutunan, lahat ng ito'y nakalimutan na rin ba?
Napapikit na lang ako't niyakap siya ng mas mahigpit pa.
"W-wala. Wala akong problema"
#
Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon papunta sa school. Oo kasama ko siya, ang sabi niya ayos lang daw kahit hindi na siya nakikita pa ng mga kaklase namin, ang mahalaga nakikita't naaalala naman niya sila.
"Masiguro ko lang na masaya sila, na kaibigan pa rin ang turing nila sa'yo, na iingatan ka pa rin nila't pahahalagahan kahit wala ako, masaya na ako"
Tss. What a selfless guardian. Dapat nga mas inaalala niya pa ang sarili niya sa mga panahong ganito kesa sa akin eh! Tss!
"Fajer!"
It's Mat and Cloud. Hindi ko inaasahan na magkikita kami ngayon. Napatingin na lang ako kay Inu. I can see how she smile sadly, her eyes are screaming in pain.
"Huy! P*t* kanina ka pa namin kinakausap g*g*! What are you f*ck*n* lookin' at huh?!"
Sabi ni Cloud na bumalik na naman sa pagmumura. Pero matapos niya magsalita bigla na lang siya pumikit na para bang hinahanda ang sarili sa sapok na matatanggap.
"F**k yo* ka talaga Mat! Kung gusto mo 'ko batukan sana tinutuloy mo! Hindi 'yung naghihintay ako sa wala! Nagmumukha akong tang* eh!"
"Oh?! Bakit ako sinisisi mo? Kanina ka pa ah! Ilang beses ko na ba sinabi sa'yo na hindi nga ako 'yung nambabatok sa'yo huh! Isa pang sabi mo ng ganyan babatukan na talaga kita!" sigang sabi naman ni Mat.
BINABASA MO ANG
My Mysterious Guardian
General FictionWhen Jaster accidentally bumps a girl, his far from normal life gets even worse. Palagi na itong nakasunod sa kaniya, at kahit anong pantataboy pa ang gawin niya, bumabalik at bumabalik lang din siya. And worst, she even calls herself his GUARDIAN. ...