Balikan natin ang araw ng kamatayan ng guardian ko..."I'm sorry for your lost"
"No..."
Sumigaw ako pero hindi ko marinig ang tinig na lumalabas sa bibig ko.
Wala akong marinig.
Hinila ako ni Ed papalayo sa kaniya nang bigla na lang gumalaw ang kamay niya. Kumalas ako sa hawak ni Ed at dali-daling nilapitan siya. Nakita ko ang pagtaas-baba ng didbdib niya, senyales na humihinga na ulit siya.
Agad-agad naman siyang inasikaso ng mga Nurses at Doctor hanggang sa idilat niya na ang mga mata niya. And the first word that came out from her mouth is...
My name.
"Den..."
She said. At that moment, I know that my guardian is alive.
Lumabas ako sa E.R upang makita ang isang pamilyar na babae. Ang babaeng minsan ko nang nakita sa Amusement Park, ang babaeng minsan ko nang narinig na hiniling na sana'y 'wag na magising pa si IU. Namumutla siya't nanginginig, halatang-halata ang pagkabigla at ang tinatago niyang pagkainis sa biglang pagbabalik ni IU, mali, ni LYN.
Sa lahat ng nakita ko, si Mom lang ang mukhang masaya sa pagkabuhay niya. Si Ed, hindi ko maintindihan ang ekspresyon, mukhang pinipigilan niya ang kasiyahang tinatago niya, while her own Mom, nakatulala lang, halatang hindi rin makapaniwala sa nangyari.
Why? Isn't she glad that her daughter is alive?
Tatlong araw rin siyang nanatiling tulog, at sa tatlong araw na 'yun, isang araw ko lang nakitang dumalaw ang Mom niya. At sa loob din ng tatlong araw na 'yun, ako at si Mom lang ang nagbabantay sa kaniya. Pinaalam ko kay Ren na someone important to me ay nasa Hospital, siya na ang bahala sa lahat.
On the fourth day, nagising siya, ako lang ang nandun. Nang malaman ng iba na gising na siya, bigla na lang silang sumulpot nung tanghali. At yung babaeng humiling na sana 'wag na siyang magising ang naunang dumating. Niyakap niya agad si Lyn na para bang tuwang-tuwa siya sa paggising nito. May paiyak-iyak pa siya.
Tss. Plastic!
Sunod na dumating si Ed, nginitian nila ang isa't-isa at niyakap din siya nito. Nagmistulang palamuti ako sa harap nila. Hindi dumating ang Mom niya sa buong araw na 'yun. At sa buong araw rin na 'yun ay hindi niya ako pinapansin at ang sama pa ng tingin niya sa akin!
"Si Jaster nga pala" pagpapakilala sa akin ni Ed.
Umalis na yung plastic na babae, pero bago siya tuluyang umalis, she looked at me from head to toe saka ako inirapan. Tss! Kala naman niya kinaganda niya 'yun!
"Your boyfriend" nakangiting sabi ko.
Bakas ang gulat sa mukha niya at kay Ed, pero napalitan ng pagtawa ang kanina lang ay gulat na mukha ni Ed.
Sa buong linggong 'yun puro pagtataray, pantataboy, panlalait, at masamang tingin niya ang natanggap ko.
On the second week, bumisita na ang Mom niya. Pinakiusapan ko siya na 'wag na sabihin sa kaniya ang dahilan ng pagka-admit niya. Masaya naman siyang sumang-ayon sa pakiusap ko. Nalaman ko kasi na nakalimutan niya ang lahat ng nangyari bago siya ma-comatose and that's a good thing dahil baka magalit lang siya sa akin kapag nalaman niya na ako ang ka-date niya na hindi sumipot kaya siya tumakbo't nasagaan.
Sana lang 'wag niya na 'yun maalala pa.
Sa isang buwan na pag-stay ko sa tabi niya'y nalaman ko na allergy siya sa shrimp, magaling siya sa music lalo na sa pagtugtog ng piano, mahilig siya mag-drawing at hindi siya marunong magluto. Masyado rin siyang seryoso't mataray, gusto niya lagi lang siya mag-isa at sinasabi niyang kaya niya ang sarili niya kahit hindi naman. Ayaw niya sa pink, blue at kahit anong pambabaeng kulay. Black and white lang ang gusto niya, pero mas gusto niya ang black.
In short, kabaligtaran siya ng Lyn na nakilala ko.
Aaminin ko, nahihirapan akong mag-adjust sa ugali niya dahil una sa lahat, hindi ako sanay na ganun siya. Pero dahil mahal ko siya, hindi ko siya susukuan.
She once said that she need me, and I know that this time, she needs me more than ever.
Hindi man niya sabihin, alam kong kailangan niya ako.
I'm sure of it.
~
31717Vote✔
Comment✔>SM❤
BINABASA MO ANG
My Mysterious Guardian
General FictionWhen Jaster accidentally bumps a girl, his far from normal life gets even worse. Palagi na itong nakasunod sa kaniya, at kahit anong pantataboy pa ang gawin niya, bumabalik at bumabalik lang din siya. And worst, she even calls herself his GUARDIAN. ...