Guardian 17

475 20 16
                                    

Dedicated to: invisiblegirlinpink and xxxxxxxZxxxxxxx thanks sa support Pinky!!!😘

~
Guardian 17

Tahimik akong nanonood ngayon ng laro. Nagtitilian naman ang girls sa tuwing makaka-shoot ang mga kaklase namin. Even Inu is screaming. Tss! Siya pala ang naririnig kong tumitili last time na naglaro ako kasama nila.

"GO LIGHTS!!! WOOOHHHH!!!" Hiyaw pa nila.

"KYAAAAHHHH!!!!" Sigaw ni Inu at Arcy na magkahawak pa ang kamay at tumatalon nang maka-shoot si Ren. Tss!

Lamang ang section namin. Inter-section kasi ang labanan ngayon. Pinipili na nila kung anong section ang ilalaban sa iba. At dahil nga sikat si Ren, normal lang na marami siyang fans, pero hindi ko akalain na pati si Inu ay magiging fan din niya tss.

Magaling 'yang si Ren. Magaling naman siya sa lahat eh, kaya wala na lang sa kaniya ang paglalaro ng basketball. Kahit siya lang siguro ang ilaban mananalo kami. Ganun siya kagaling. O sadyang hindi lang talaga marunong ang mga kalaban nila? Tss! kalokohan! Hindi naman siguro sila maglalaro diyan ngayon kung hindi sila marunong right? Ano ba 'tong pinag-iiisip ko tsss!!

"Kyaaahhhh!!! I LOVE YOU RENALD!!! KYAAAHHHH!!!!"

Sigaw pa ng kung sino nang maka-three points si Ren. Naglalabasan na ang fan girls niya ah?

Kumindat pa siya matapos marinig ang pagtili, at dahil sa ginawa niya, mas lalong nagtilian ang mga fans niya tss!

Nag-time out ang kabilang section, lamang kami syempre.

Maya-maya lang ay nag-resume na ulit ang game. Aaminin ko, hindi ako makapag-concentrate. Kasalanan 'to ni Inu eh! Tss! Napapa-isip ako sa mga sinabi niya.

"Alam mo minsan, love is all we need. Even those who has the darkest, and coldest heart changed when they love"

"Love can change everything, everyone"

"Alam ko namang hindi itim ang kulay ng puso mo, kaya alam ko rin na mapapatawad mo sila. And when you do that, mararamdaman mo na lang na parang may isang napakalaking tinik na natanggal sa puso mo, na para bang nawala ang pabigat na nagpapahirap sa'yo, and then in just one moment, you will feel that your broken, shattered heart slowly heals, and you'll just found yourself thankful, because again, love found you, love fix you, love brings back the old you. So don't be afraid to love, because love is all you need in order to forgive and forget"

Kanina pa ako binabagabag ng mga sinabi niyang 'yan. Something inside me says na tama siya, na dapat ko na sila patawarin. But there's also something na pumipigil sa akin kaya naguguluhan ako.

"love is all we need"

Love?

"Love can change everything, everyone"

In my case, can love change me too? Tss, bakit ko ba tinatanong? Eh siya nga nagawa akong baguhin eh.


Wait.



Inu changed me.


Love can change everyone.

Does that mean...


I love her?

Natigil ako sa pag-iisip nang maramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko. Kinuha niya ang cellphone ko saka kinabit ang ear phone na hiniram niya ata sa isa sa mga kaklase namin. Kanina niya pa trip ang cellphone ko ah, hiniram niya rin kasi 'yan kanina.

My Mysterious GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon