Guardian 6

722 33 19
                                    

Updated: 15 Dec 16
Dedicated to: xxxxxxxZxxxxxxx Hi po! Thanks for the votes sa story na 'to at sa story ko na A Letter To My Dad I'm so very very thankful sa pag-spare mo ng votes sa stories ko. And to express my gratitude, I'm dedicating this chapter to you!!! ^_^

Sa wakas nagkaron din ako ng iba pang bibigyan ng dedication except kay Pink and Violet (U know who u are guys hahaha!!) but syempre dedicated na ang every chapter nito sa inyo (matik na yun ahhaah!) kaya wag kau magtampo kung d q kau mamention ha? Hahahha! XD

Hope you like this chapter!

Enjoy reading!!!

>SM❤
~

Guardian 6

Renald's

"Ahh nakakabusog" sabi ni Angel na may kasamang paghawak sa tiyan. Hahah! Ang cute niya talaga, paano kaya siya nagagawang tiisin ni JD?

Naisipan kong i-treat muna siya sa isang restaurant bago kami mamili ng damit. Tinapon ko na kasi ang mga damit na ibibigay ko sana sa kanya. Mga pinaglumaang damit lang naman 'yun ng pinsan ko kaya ayos lang. Alam ko kasing hindi yun ibibigay ni JD sa kanya kaya hindi na ako nag-aksaya pang bumili ng bago, isa pa hindi ko alam ang size niya.

Nandito na kami sa isang boutique, pinipilian siya ng damit.

"Ahh.. Renald, pwede bang 'wag mo na ako bilhan? Gusto ko kasi si Den ang bumili ng damit para sa akin"

"Ganun ba? Eh bakit nga ba hindi ka binibilhan ng mokong na 'yun?"

"Ha? Hindi! Binilhan na niya ako, nagpabili kasi ako sa kanya ng mga personal na gamit. Suklay, slipper, towel, mga ganun"

Mabuti naman pala..

"Ahh..bakit walang damit? Eh sa itsura mo, yun ang pinaka kailangan mo"

"Eh kasi inuubos ko daw ang budget niya. Kaya 'yun nagagalit siya, at para hindi na siya lalong magalit, hindi ko na siya pinilit"

"Ganun naman pala eh, edi hayaan mo akong bilhan ka" sabi ko na inakbayan siya.

"Naku 'wag na! Nakakahiya naman, isa pa, mukhang mahal ang mga damit dito, ito pa nga lang blouse na 'to isang libo na! Paano pa kaya yung iba?" pabulong na sabi niya. Hahah! Ang cute cute niya talaga! Kung pwede lang sana na sa akin na lang siya tumira, gagawin ko talaga siyang prinsesa!

"Hahah! Ano ka ba ayos lang 'yun! Kung para sa'yo ko naman bibilhin" sabi ko habang pinipisil siya sa pisngi.

Tumanggi pa siya pero ako pa rin ang nagwagi, yun nga lang lumipat kami ng ibang store, masyado daw kasing mahal dun, at pwede ko naman daw gamitin ang pera ko sa mas mahahalagang bagay, gaya ng pagbibigay sa mga namamalimos, sa mga mahihirap, mas kailangan daw nila 'yun kaysa sa kanya. Kasi siya at least, may tinitirhan, hindi gaya ng iba.

"Alam mo bang sobrang hirap tumira sa kalsada? Yung tipong umula't umaraw wala kang masilungan. Wala kang makain, naghihintay ka lang na may magbigay sa'yo, o kaya naman ay may matira sa kinakain ng iba para masimot mo ang mga tira nila. Sobrang hirap nun. Palagi kang gutom, nilalamig, malungkot, walang pumapansin, ang ibang tao pa'y pinandidirihan ka. Hindi naman nila alam kung bakit ka ganun, hindi nila alam ang pakiramdam ng mahirap, hindi nila alam kung gaano kalaki ang problema sa tuwing sisikat na ang panibagong araw. Kung para sa iba, ang panibagong araw ay panibagong pag-asa, pero para sa iba, lao na sa mga mahihirap, ang panibagong araw ay panibagong problema. Hindi mo kasi alam kung makaka-survive ka pa ba, hindi mo alam kung saan ka kukuha ng pera, ng pagkain. Yung tipong makakain ka lang ng isang tinapay maswerte ka na? Tapos pagkakasyahin mo 'yun sa isang buong araw. Palakad-lakad ka, hindi mo alam kung saan ka papunta, kung may patutunguhan pa ba ang buhay mo, o kung buhay ka pa nga ba. Minsan hihilingin mo na sana namatay ka na lang para hindi mo na maranasan ang ganung bagay. Ang hirap nun Renald, kaya kung ako sa'yo ibibigay ko na lang ang ipambibili mo ng damit ko sa kanila"

Nakita ko ang kalungkutan sa mga mata niya nang sabihin niya 'yun. Na para bang naranasan niya ang mga 'yun?

"Halika ka na, kailangan ko na umuwi, baka kasi kung ano ng nangyari kay Den e"

Nabalik ako sa sarili nang hilain niya ako.

Nasa labas na kami ng mall nang may lumapit na madungis na bata sa kanya. Kaya agad-agad akong lumapit sa kanya, iniwas ko siya dun saka binigyan ng pera yung madungis na nakakadiring bata. Mamaya kung anong germs pa ang dala niya at mapasa pa kay Angel. Pero pagtingin ko sa kanya, nakasimangot siya. Bakit? May nagawa ba akong masama?





Oh shoot!!

"Akala ko ba naman naiintindihan mo 'ko, may pasabi-sabi ka pa kanina kay Den ng 'If you want to be loved you should learn how to love other people' akala ko iba ka sa kanila Ren, hindi pala"

Ouch! Patay! Mukhang nagalit siya! Hahabulin ko na sana siya nang huminto siya sa paglakad at lumingon sa akin.

"Saan ang daan pauwi?"

#

Hininto ko na ang sasakyan pero hindi pa rin ako kinakausap ni Angel, lumipat din siya sa back seat tsk! 'di bale, babawi na lang ako sa kanya. Pagbubuksan ko sana siya ng pinto pero nakalabas na siya.

"Ah Angel!" tawag ko.

"Galit ka pa rin ba?" humarap siya sa akin bago magsalita.

"Wala akong karapatang magalit sa'yo, nilibre mo na nga ako magagalit pa 'ko? At isa pa, hindi rin naman kita masisisi kung ganun ang naging reaksyon mo. Nagkamali lang ako, nag-expect kasi ako eh, akala ko kasi katulad ko ang mga taong nasa paligid ko, hindi pala. 'Yun ang pagkakamali ko, dahil kahit na alam kong imposible na maging katulad ko kayo, umasa pa rin ako na maiintindihan mo. Pero sana Renald, mula sa araw na 'to, iwasan mo ng pandirihan ang mga katulad nila. 'Wag ka tumingin sa panlabas na anyo nila, tumingin ka sa nasa likod ng madungis nilang itsura, doon mo makikita ang katotohanan. Na hindi lahat ng namamalimos ay manloloko, na hindi lahat sila ginagawa 'yun para makapanlamang. Tingin mo ba magagawa nila 'yun kung may alam pa silang ibang paraan? Sinasabi ng iba na dapat matuto silang magtrabaho, pero alam ba nila ang dinanas ng taong 'yun? Paano kung sinubukan niya pero hindi siya natanggap? Dahil mahirap siya, dahil hindi siya nakatapos ng pag-aaral, dahil ayaw siya tanggapin, maraming dahilan Renald, at sana, bago ka humusga, matuto kang lawakan ang pag-iisip mo. Wala namang mawawala sa'yo kung tutulong ka 'di ba?"

Kahit pa madilim, nagawa ko pa ring makita ang luhang pumatak mula sa kanyang mata. Napaiwas ako ng tingin, hindi ko siya magawang tingnan, masyadong tagos sa buong pagkatao ko ang mga sinabi niya, na para bang matagal na niya akong kilala.

Nag-thank you siya sa akin saka tuluyang pumasok sa apartment, pero maya-maya lang ay bumalik siya't sinabing samahan ko siya papunta sa room ni JD, hindi niya daw kasi alam. Medyo natawa naman ako at na-weirduhan dahil dun. Paanong hindi niya alam ang room ni JD kung magkasama silang nakatira dun? Kung hindi niya alam, paano siya nakapunta dun? Ahhh...baka dahil din kay JD.

Bago siya pumasok sa room ay nag-thank you muna ako sa kanya. She's an eye opener. She really is an Angel. Ang swerte ni JD at nakatagpo niya ang katulad niya. Umalis akong bitbit sa puso ang mga binitawan niyang salita. Papasok na sana ako sa kotse ko nang tawagin niya ang pangalan ko't hinihingal na nagsalita.

"Si Den,...






nawawala si Den"



~

SM's Note:

Hi guys! What do you think of this chapie? Is it good? Bad? Or what? Comment mo lang! :-) and if you want a dedication, comment lang po kayo. Free lang naman po ang mga yan, though through mentioning q nga lang mggwa kc cellphone lng po ang gamit ko, so if you want to be dedicated, feel free to ask it. Pero syempre automatic naman na bibigyan ko kayo ng dedication if u voted here, pero kung ayaw niyo po bumoto but u want a dedication, just ask me (~_^)

Love lots!

My Mysterious GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon