"You're my guardian anyway" she said with a smirk.I let out a laugh.
"You're right, I'm your guardian, and your guardian says 'NO', kaya bumalik ka sa pagkakahiga at magpahinga hanggang sa dumating ang Mom mo"
At dahil masunurin siya, tumayo siya't nag-umpisang maglakad papunta sa pinto.
Aba! Syempre pinigilan ko siya! Hinawakan ko siya sa braso niya't iniharap sa akin.
Tss! Kung hindi ko lang talaga mahal ang babaeng 'to...!
"You're JUST my guardian, NOT my Mom, kaya choice ko kung susundin kita o hindi" she said with a straight face saka tinanggal ang pagkakahawak ko sa braso niya.
Hinawakan ko lang ulit 'yun. Kung makulit siya, mas makulit ako!
"Babalik ka sa higaan mo willingly?, o bubuhatin kita para ihiga? Your choice"
"Bakit ba gustung-gusto mo na magpahinga ako ha?! Okay na nga sabi ako eh! Mahirap ba intindihin 'yun?!"
"Kasi mahal kita kaya ayokong nasasaktan ka! Mahirap din ba intindihin 'yun?!"
We stare at each other until she breaks it. Dahan-dahan niyang binaba ang braso niya kaya dahan-dahan ko rin 'yun binitawan.
"Stupid" sabi niya saka bumalik sa higaan niya't tumingin sa bintana.
Umupo ako saka kinalikot ang cellphone ko. A few minutes of silence had passed until she finally speaks again. Mabuti na lang dahil hindi ko alam ang sasabihin ko matapos ko isigaw sa mukha niya na mahal ko siya.
Tsss!!!
"Walang darating" napatingin ako sa kanya.
"Walang kwenta ang pananatili ko rito kasi hindi naman darating si Mom, huh! Ang swerte ko na nga nung mga araw na bumisita siya eh..."
Nilipat niya ang tingin niya sa akin.
"Kaya imposible ang gusto mo" ang lungkot...
Malungkot ang mga mata niya...
"B-bakit naman? Anak ka niya kaya hindi ka niya matitiis"
Umirap siya saka nagtangka na namang umalis.
"Kung ayaw mo maniwala, edi hayaan mo 'kong umalis! Hintayin mo ang Mom ko mag-isa, tingnan natin kung hindi mamuti ang mata mo!"
Naguguluhan ma'y nagawa ko pa rin siyang pigilan. Alam kong hindi gagana sa kaniya ang simpleng pagpigil lang kaya binuhat ko siya, nagpumilit naman siyang makawala hanggang sa bumukas ang pinto.
I guess it's their maid.
Nanlalaki ang mga mata niyang humingi ng pasensya, agad ko namang binaba si Lyn, dahil doo'y sinikmuraan niya ako.
Napahawak ako sa abs--este sa tiyan ko na siniko niya.
"I'm sorry po Ma'am Lyn kung kami po ang sumundo sa inyo--"
"Shut up! Your explanations are not acceptable. I won't accept it 'cause I don't care about it" mataray at ma-awtoridad niyang sambit saka binangga ang nakayukong maid, pero bago pa man siya makalabas ay bumalik siya't kinuha ang bulaklak na dala ko saka dire-diretsong lumabas.
Tss! Nakalimutan ko na ang tungkol dun!
Humingi ng pasensya sa akin yung katulong nila saka siya sinundan. Lumabas na rin ako, wala na rin naman akong gagawin dito eh.
"Ask lang po namin kung may patient po ba kayo na Orqueza"
Napatingin ako sa dalawang estudyanteng nagtatanong sa front desk nang marinig ko ang 'Orqueza'. It sounds so familiar, saan ko nga ba narinig 'yun?
Halatang natuwa yung dalawa sa kung ano man ang sinagot sa kanila, napangiti rin ako. Siguro importante para sa kanila ang taong 'yun, I wonder if Lyn has someone who thought of her as someone important, beside me of course.
Nakarating na ako sa parking lot, sinuot ko ang helmet ko't nag-umpisa na paandarin ang motor ko. Tumigil ako nang tumigil ang sasakyan na nasa unahan ko, something caught my attention from my peripheral vision.
It was Lyn. Akala ko ba kasama niya ang katulong nila? Ang alam ko rin susunduin siya ng driver nila, 'yun kasi ang sabi sa akin ni Edgard.
Sumakay siya sa taxi habang bitbit pa rin ang bulaklak na binili ko. Nagtataka kong sinundan ang sinakyan niya.
Saan niya balak pumunta? At bakit kailangan niya pa dalhin ang bulaklak na binigay ko sa kaniya?
"Walang darating"
Bigla kong naalala ang sinabi niya kanina. Bakit niya nasabi 'yun?
"Kung ayaw mo maniwala, edi hayaan mo 'kong umalis! Hintayin mo ang Mom ko mag-isa, tingnan natin kung hindi mamuti ang mata mo!"
Thinking about it, late na nga dumating ang mga sumundo sa kaniya. Knowing na hindi nila alam na naurong ang discharge niya, kung hindi 'yun naurong, at kung wala ako, ibig sabihin ba nun totoo ang sinabi niya? Na hindi darating ang Mom niya? Na walang susundo sa kaniya? Na walang darating?
"Walang kwenta ang pananatili ko rito kasi hindi naman darating si Mom"
Bakit? Anong ba ang meron sa'yo at bakit ganun ka na lang nila tratuhin? Pati sarili mong Ina parang walang interes sa'yo.
Bakit Lyn? Ano ba ang nasa likod ng walang emosyon mong mukha? Anong dahilan at bakit ganyan ka? Bakit ayaw nila sa'yo? Bakit walang dumadalaw sa'yo? Are you a loner like what the nurse assume? Or you're just shoo-ing them away?
If IU was mysterious, I may say that Lyn is also mysterious. Iisa nga lang talaga sila.
Napahinto ako nang huminto ang taxi sa tapat ng isang...
sementeryo?
~
31817
Vote✔ n Comment✔
>SM❤
BINABASA MO ANG
My Mysterious Guardian
Ficción GeneralWhen Jaster accidentally bumps a girl, his far from normal life gets even worse. Palagi na itong nakasunod sa kaniya, at kahit anong pantataboy pa ang gawin niya, bumabalik at bumabalik lang din siya. And worst, she even calls herself his GUARDIAN. ...