Guardian 1

2K 58 20
                                    

"Sorry miss!"

Sabi ko sa nadapang babae, she said that she's okay kaya tiningnan ko na lang siya tumayo mag-isa. My hands are full kaya hindi ko rin siya matutulungan.

Well, ano nga ba ang nangyari? So galing ako sa grocery, I just bought the things I need in order to survive the next days, or weeks with my headset on kaya hindi ko napansin na may babae palang naglalakad sa harap ko. Masyado kasi akong occupied ng music na pinapakinggan ko kaya hindi ko siya napansin. At nung magkabanggaan kami, ayun! natumba siya.

Tumayo siyang pinapagpag ang sarili.

"Are you sure you're okay?"

I asked one last time. Mukha kasi siyang hindi okay.

"Yah" tipid niyang sagot na may tipid ding ngiti. Oo naka-headset ako pero sapat lang naman ang volume nun para magawa kong marinig ang sasabihin niya.

Nakayuko siyang nagpatuloy sa paglakad matapos niyang sabihin yun kaya naglakad na rin ako. I should mind my own business, and she's not one of my business so I shouldn't mind her.

Huminto ako sa sakayan di kalayuan sa pinagbanggaan namin. At nang mapatingin ako doon, nakita ko yung babae na parang biglang nagkaroon ng energy dahil kung sinu-sino na lang ang kinakausap niya. Kakausapin ang isa, tapos ang isa na naman. Tss! Weird, I think she's crazy. Lumipat ako ng pwesto baka kasi lapitan ako nung babae, mahirap na, nabangga ko pa naman siya.

Itinuon ko na ang pansin ko sa paglalakad at pag-aantay ng masasakyan. Wala naman akong mapapala sa panonood ko sa kanya. Tahimik akong napapasabay sa beat ng pinapakinggan kong music nang biglang sumulpot sa harap ko yung babae. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat saka hinihingal na sinabi ang mga salitang alam kong magpapabago sa takbo ng buhay ko.









"I NEED YOU!"

#
"TIGILAN MO NGA AKO!"

Naiinis na ako sa babaeng 'to! Matapos niya sabihin ang nakakahiyang salitang 'yun sa harap ng maraming tao'y nandito naman siya't parang buntot na sunod ng sunod! Halos tumakbo na nga ako sa sobrang bilis ng paglakad ko, but she's so persistent! And it's so ANNOYING!

"Hindi kita titigilan kahit anong pantataboy pa ang gawin mo! Sabi ko naman kasi sa'yo 'di ba..." pumunta siya sa harap ko saka ulit ako hinawakan sa magkabilang balikat, dahilan para mapahinto ako sa mabilis na paglakad.

"I.NEED.YOU!"
I winced at her words. Nakakadiri! Ni hindi ko nga siya kilala tapos ngayon sasabihin niyang kailangan niya ako? Heck no!

Tinabig ko siya na may kasamang pwersa, nilakasan ko rin ang volume ng music ko saka tumakbo ng mabilis. Grr! Anong klase naman kaya ng modus kasali ang babaeng yun?!.


Hinihingal akong pumasok sa apartment na tinutuluyan ko, nasa 5th floor ako kaya naman sumakay na ako sa elevator. Grabe! Akala ko hindi ko na matatakasan ang crazy weird girl na 'yun! Pagkabukas na pagkabukas pa lang ng elevator (na ngayon ay nasa 5th floor na kung saan ako bababa) ay agad-agad akong dumeretso sa room ko. Kinuha ko ang susi na nasa bulsa ko, tinanggal ang headset na nakakabit sa tenga ko saka pagod na binuksan ang pinto ng room ko.

Alone at last! Binuksan ko ang ilaw at pagharap ko'y hindi ko inaasahan ang makikita ko.

"AAAHHHHHHH!!!" Sigaw ko.
Lumabas akong muli sa kwarto saka tiningnan ang room number na nakakabit doon. 523 tama naman ah? Lumunok muna ako bago dahan-dahang sumilip sa pinto, at, wala na siya.

Phew! Akala ko nandito yung crazy weird girl na nakita ko kanina, guni-guni ko lang pala. Tuluyan akong pumasok saka dumiretso sa kusina para ilagay ang mga pinamili ko. Inilapag ko sa table ang dalawang plastic na bitbit ko, grabe, nakakapagod, napalakad ako ng wala sa oras dahil sa babaeng 'yun!

At dahil nga mag-isa lang ako, hinubad ko na ang pawisang t-shirt at pants ko, nagpalit ako ng pambahay na shorts saka hinagis sa kung saan ang mga damit na hinubad ko. Binuksan ko ang unang plastic na binili ko, inilabas ang mga nasa loob nun saka isa-isang inayos sa ref.

"Wow! Ang dami mo pa lang binili! Hhaa! Siguradong mabubuhay tayo nito"

Sabi ng isang masayang tinig na may kasamang pagpalakpak.

"Wow! Bumili ka ng pancake? Yehey! Masarap 'to! Hayaan mo ako magluluto nito bukas!" dugtong pa nito.

Napalunok ako, minumulto na ba talaga ako? Dahan dahan akong humarap sa pinanggagalingan ng tinig which is sa likod ko. At hindi pa man ako tuluyang nakakaharap...

"Tulungan na kita diyan" sabi niya pa.

"Aahhhhh!!! P-p-paano ka n-nakapasok sa apartment ko!" sabi ko na nakaharap sa kanya. Hindi siya sumagot at nakatulalang nakatingin lang sa akin.

"AAHHHH!!! Bastos! Bastos! Bastos!" reklamo niya naman habang pinagpapapalo ako.

Naiinis na ako kaya naman hinawakan ko ang dalawang kamay niya saka siya tinulak sa dingding.

"AHHHHH!!! RAPE! RAPE! TULONG! TULOOONG!" sigaw niya pa.

Aba't ang kapal talaga ng mukha nito ah! Tinakpan ko bibig niya para hindi na siya makasigaw pa.

"Hoy ikaw! Anong bastos?! Eh ikaw nga 'tong tresspassing eh! At sino ka ba ha?! Paano ka nakapasok sa apartment ko?!" sabi ko na pinanlilisikan siya ng mata.

Hindi naman siya nagsalita kaya tinanggal ko na ang pagkakatakip ko sa bibig niya. Pero sa halip na sumagot ay sumigaw lang siya ulit. Kaya ang ginawa ko, binuhat siya na parang sako, pinagsusuntok naman niya ako sa likod pero tiniis ko 'yun, saka ko siya tinapon sa labas at pabagsak na isinara ang pinto. Ni-lock ko rin 'yun para hindi siya makapasok, rinig naman ang pagkalampog at pagmamakaawa niya na buksan ko yung pinto. Tss! Crazy!

Bumalik ako sa kusina para ipagpatuloy ang ginagawa ko, patuloy naman siya sa pagkatok. Ilang minuto pa'y natapos na rin ako sa pag-aayos, pumunta ako sa sala na may dala nang cup noodles. Hindi ko na rin napansin ang pagkatok, pagkalampog at pagsigaw niya sa labas ng pinto ko. Mabuti naman at tumigil na siya.

I feel weird that night, siguro dahil 'dun sa babae. But despite this weird feeling, nagawa kong makatulog. And the moment I close my eyes, yung mukha ng crazy weird girl ang nakita ko while saying...

"I NEED YOU!"

Sino ba siya? At bakit niya sinabing kailangan niya ako?



~
Updated: 02 Dec 16
Dedicated to: purpleyt (again XD) hahhaah! Ito na as promised 😊

Comment down what you think! I want to know what's in your mind readers para makapagpatuloy ang istoryang to mehe! XD

Vote✔, Comment✔ (only if you like)

>SM

My Mysterious GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon