"Thank you Den, but it's too late. Don't worry, for me, this is the happiest ending I can get. Lahat naman tayo mamamatay, mauuna nga lang ako" she said, slowly disappearing.
"Siguro nga mali ako nung sinabi kong ako ang nakatadhana sa'yo..."
Sinubukan kong hawakan ng mahigpit ang kamay niya, pero hindi ko na 'yun magawang hawakan pa.
"Nakatadhana lang tayo magkita para magkaroon ng kapatawaran diyan sa puso mo. Ayaw Niyang matulad ka sa akin. He don't want to lose another one of His people, He want me to change you, 'yun lang ang papel ko sa buhay mo Jaster. At dahil nagawa ko na nga ang misyon ko, oras na para kunin Niya na ako"
Nakatingin lang ako sa kanya, alam kong umiiyak ako, pero hindi ko na maramdaman ang pagpatak nun.
Kung mawawala lang din siya, edi sana hindi ko na lang siya nakilala. Bakit Niya pa binigay siya sa akin kung babawiin Niya rin?
Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi, pinunasan niya ang mga luha ko saka ngumiti.
"Please don't blame Him okay? Ako ang may gusto nito Den, sana nga lang this time, pagbigyan Niya na ako. Masaya naman ako eh. I'd rather die living than live dying. Sa bawat araw na pinamalagi ko sa mundo, wala akong maalala na masasabi kong dahilan para mabuhay ako. Kaya please Jaster, 'wag ka malulungkot, please be happy for me.
Alam mo, nung nag-confess ka sa akin about sa lolo mo, nagkaron ako ng konting pag-asa para mabuhay. At last, someone understands me. But my hopes immediately shattered when you ask about my twin, about that picture. Why? Kasi naisip ko, mali pala ako, kaya lang pala nasasabi ng stranger na 'to na mahal niya ako dahil akala niya ako yung kakambal ko. Sobrang nasaktan ako nun Den, kahit kailan kasi, hindi ako pwedeng maging siya. Oo magkamukha kami, but we're different in so many ways. Don't worry Jaster, alam ko na may mas better ka pa na makikilala kaysa sa 'kin. At 'wag na 'wag mong kakalimutan ang mga tinuro ko sa'yo ha. Tandaan mo, binabantayan pa rin kita"
She smiled again and caress my cheeks. She looks transparent now. And any minute, I know that she will leave me.
"Kitakits na lang sa afterlife" sabi niya saka ako hinalikan sa noo.
Isang matagal na halik. Napapikit na lang ako.
Niyakap niya ako saka sinabing...
"I love you, always"
Nanatili akong nakapikit hanggang sa hindi ko na maramdaman ang presensya niya.
I wipe my tears, but I can't wipe it's scars.
I open my eyes only to see nothing but the grass.
After a few minutes of staring at nothing, biglang dumating si Ren. Hinihingal niya akong tiningnan.
Tumatakbo kaming pumunta sa ward ni Lyn. At doon, nakita ko siya.
Dahan-dahan akong pumasok, hindi makapaniwala sa nakikita ko.
"Fajer! Saan ka ba pumunta! Kanina ka pa kaya namin inaantay!"
Napatingin ako sa nagsalita.
It's Mat.
T-they're here. Everyone is here, even Ed.
"Tatayo ka na lang ba diyan? Ahhh...gusto mo siguro talaga akong mamatay ano?"
Naramdaman ko ang muling pagtulo ng luha ko habang palapit sa kaniya...
Sa Guardian ko.
Agad ko siyang niyakap na siyang kinabigla ng lahat.
Totoo nga...
Buhay siya.
BINABASA MO ANG
My Mysterious Guardian
General FictionWhen Jaster accidentally bumps a girl, his far from normal life gets even worse. Palagi na itong nakasunod sa kaniya, at kahit anong pantataboy pa ang gawin niya, bumabalik at bumabalik lang din siya. And worst, she even calls herself his GUARDIAN. ...