Guardian 40

415 13 5
                                    

Hi Guardians! Sorry for the super late update! Super busy rin kc these days, be ready nga po pala for this chapter and for the next updates, marami po kayong malalaman.

Oh well, enjoy reading! I hope you like the new cover! ^_^

Vote✔
Comment✔

>SM❤

33017

~

Guardian 40

Hindi ko maiwasang isipin ang nangyari kagabi.

Nakarating kami sa kanila na wala akong reply na natanggap mula sa kaniya. Tinanong ko siya about dun sa picture, about sa first and last meeting namin, ang sabi niya lang ay...

"Hindi ako 'yun"

Naaalala niya ang araw na 'yun pero sinasabi niya na hindi siya ang kausap ko 'dun? Paanong hindi siya? Eh siya lang naman ang tinutukoy ni Mom mula noon hanggang ngayon. Haayy! Nakakabaliw siya!

Hinanda ko ang sarili ko dahil magkikita kami ni Ed ngayon. Marami akong gustong itanong at gustong malaman.

Naihatid ko na si Lyn sa kanila, and as usual tahimik lang siya. Sinabihan niya pa ako na 'wag ko raw siya kakausapin dahil ayaw niya sa magnanakaw. Tss! I stole her first kiss-'yan ang sabi niya. Kung alam niya lang, it's not our first kiss.

Sinabi niya pa na iiwan ko rin daw siya't lilipas din daw ang pag-ibig ko sa kaniya dahil hindi naman daw siya ang taong inaasahan ko. Ang gulo niya 'di ba?

Tss.

It's past six nang dumating si Ed, pumunta kami sa isang Coffee Shop, dito raw kami mag-uusap.

Umupo siya ng maayos bago inumpisahan ang pag-uusap namin.

"So, anong gusto mong malaman?" he said while leaning on the table.

"Marami. Sobrang dami kong gustong malaman, siguraduhin mo lang na sasagutin mo ang lahat ng 'yun"

He laugh slightly and tilted his head.

"Paano kung hindi ko sagutin? Anong gagawin mo?"

"I'll go straight to your Mom"

"Hahhaha! You don't need to do that. She won't give you any answers. It will be her loss" he smirk.

"Let's put this through negotiation. I will ask you one question, two rather, and you can ask any questions after that. Deal?"

"Isn't that unfair? Dalawang tanong lang ang itatanong mo, tapos lahat ng tanong na meron ako'y sasagutin mo? Tell me, what are you up to?"

"Wala ka bang tiwala sa akin?"

I subconsciously raise an eyebrow.

"Sa dalawang tanong na 'yun, alam ko na magiging mahaba ang eksplanasyon, at sa mga tanong mo, alam ko na ang isasagot ko. My one question is equivalent to a number of follow-up questions, isang tanong pa lang 'yun. At kung isasama mo pa ang pangalawa, it will sum up to all your questions. Unfair? I think not"
Then he smile.

If I think about it, nasa advantage ako, dahil sa dalawang tanong niya katumbas ay ang sagot sa marami kong tanong. If I could answer his question without pulling up a follow-up question, then this will end soon. But the question is...

What is that question he has in mind?

"Is it a deal?"

"Deal"

I felt a sweat just trickle from my forehead.

"Shall we start?"

Bago pa man kami makapag-umpisa'y dumating na ang kapeng in-order niya.

"Thank you" sabi niya sa waitress.

"Who should go first?"

"You, since you only have two questions"

He smile and sip in his coffee before stating his question.

"How and why do you forgive my sister? That's all"

Natawa ako sa naging tanong niya. Madali lang pala. Akala ko ba naman...tss!

"How and why? Simple, because I love her, I learn to love her"

I smiled. Now it's my turn.

"Follow-up question 1" he cut me.

"Teka! Nasagot ko na ang tanong mo"

"I told you. My question is equivalent to a number of follow-up questions, now, proceeding, here's my follow-up question...

How can you say that you love her, knowing that you hate her? You learn to love her? How? How can you love the person you hate so much without meeting her in the first place? Tell me Jaster"

He's right. My answer will lead to follow-up questions, and it's impossible to avoid it considering the situation I'm in.

Thinking about it, kung iba ang sinagot ko, a follow-up question will still occur. What if I said "Because it's the right thing to do" it's still not enough for him because he knows that I used to hate his sister. Knowing me, I'm a stubborn guy, WAS a stubborn guy.

"I learn to love her because I met her" I said as calm as I could. Trying my best to sound believable.

Nakita ko ang pagbabago ng expression niya.

"What? 'wag mo nga akong lokohin! Paano mo siya makikilala kung buong buhay mo siyang iniiwasan? Paano mo siya makikilala kung nasa loob siya ng Ospital?!"

Sabi na nga ba't hindi siya maniniwala.

I sip in my coffee then lean closer.

"Naaalala mo ba 'yung araw na nagkita tayo sa labas ng Mall?"

His eyebrows arched.

"Nung araw na pinilit mo na naman akong puntahan ang kapatid mo? Nung araw na sinabi ko sa'yong may kasama ako? Naaalala mo ba 'yun?"

"What about that?"

"It's true. Nagsasabi ako ng totoo nang sabihin kong may kasama ako. And it was her. It was your sister. Siya ang kasama ko nang araw na 'yun"

Hindi siya makapaniwala. Pinakita pa niya ulit sa akin ang picture namin ng araw na 'yun, it's still in his phone. Ilang beses ko siyang kinumbinsi, pero ilang beses niya rin sinabi na nonsense daw ang sinasabi ko. Paano nga ba magkakaroon ng sense 'yun sa kanya? Eh ang alam niya'y kasalukuyang naka-comatose si Lyn ng mga panahong 'yun.

I explained to him and it leads to another follow-up question, until I remember her diary. Inilabas ko 'yun at pinakita sa kaniya. Alam naman niya siguro ang sulat ng kapatid niya 'di ba?

"How could this...y-you mean, you met her soul?!"

Nanginginig siyang uminom ulit sa kape niya. He even ordered another drink, but this time, it's not coffee, nagiging kabado raw kasi siya.

He read some entry there, and another follow-up question sparks, and another, and another, until he's out of questions.

Naihilamos niya sa mukha niya ang kamay niya at napasabunot sa buhok niya nang masagot ko lahat ng follow-up questions niya.

"So that's why" hindi pa rin mkapaniwalang sabi niya.

Tumingin ako sa relos ko, it's already quarter to eight. Ang dami nga ng follow-up question niya para sa How and Why na 'yun.

Tinitigan ko ang empty glass ko saka hinintay ang go signal niya.

When he's done accepting everything, he looked at me and signaled me to start.

I smile.

At last!

It's my turn.

My Mysterious GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon