32317
Vote✔
Comment✔>SM❤
~
Guardian 39"It's okay dude, lahat ng tao hahantong sa kamatayan. Yes we're gon'na miss them, but whatever you do, you can't bring them back, you just have to accept it"
Sabi ni Ren na tinapik ako sa balikat. Nailibing na ang Lolo ko, kasama ko siya dahil isa siya sa mga saksi kung gaano kabait si Lolo, kaya mahal na mahal ko 'yun eh!. Siya lang ang nagparamdam sa akin noon na 'di ako nag-iisa, minahal niya ako hindi bilang apo, kundi bilang anak. Nakakalungkot nga lang dahil simula nung lumipat kami minsan ko na lang siya makita, minsan na lang kasi kami pumunta sa kanila. At ngayon na lang ulit ako nakapunta sa kaniya, kung kailan wala na siya.
"Memories. Our memories with him are what keeps us connected to him. But, if we think about it now, it will just bring tears and sadness to us. Alam ko na ayaw ni Lolo na nalulungkot tayo, lalo ka na! Kaya dapat matuwa tayo para sa kaniya. At least he don't need to endure anymore, alam naman natin kung ano ang pinagdaanan niya"
Dugtong niya pa saka nagpunas ng luha.
"Tama na nga dude! Nababakla na ako eh!"
"Tss ikaw lang naman ang nagda-drama diyan, wala naman akong sinasabi"
"Kahit wala kang sinasabi alam ko na mas nasasaktan ka kaysa sa akin. Lolo mo 'yan eh!"
Nginitian ko lang siya.
"Sabi mo nga 'di ba, 'we can't do anything to bring him back, let's just accept it and be happy for him now that he rests'. Mahirap tanggapin oo, masakit eh, but I know eventually matatanggap ko rin 'yun"
Inakbayan niya ako saka ginulo ang buhok ko.
"I'm so proud of you dude, ikaw na nga ulit ang JD na kababata ko"
Ngumiti siya bago magpatuloy.
"Welcome back dude" sabi niya saka tinaas ang kamao niya.
Ngumiti rin ako saka nakipag-fist bump sa kaniya.
It's glad to be back.
#
Nagsiuwi na kami matapos 'yun. Wala ako sa apartment ko dahil gusto ko munang tumira sa bahay namin, mas malapit kasi 'to sa bahay nila Lyn.
Hindi na nga pala ako ginulo ni Ren at ng iba kong kaklase about sa mysterious ghost na sinasabi nila which is si IU, I don't know, mukhang natanggap naman nila ang paliwanag ko.
Speaking of IU, grabe! Ang sakit ng sampal niya sa akin kagabi! Matapos ko kasi siya halikan sinampal niya ako. But I don't care, for me it's her own way of saying 'I love you too'.
Natawa naman ako sa naisip ko.
Matutulog na muna ako saka ko siya susunduin, pumasok na daw kasi siya ulit. Tss! Hindi ba talaga siya marunong magpahinga?!
Crap! Anong oras na! Napasarap ang tulog ko! Baka nakasakay na 'yun! Tss!
Dali-dali kong pinuntahan ang driver namin at sinabihan siya na dapat na naming sunduin si Lyn, ang sabi niya lang 'Masyado pa maaga'
Huh? Alas-singko na kaya.
Napa-'Ahh' na lang ako nang sabihin niya na seven pa ang uwian nila. Kumain na lang ako para magpalipas ng oras, nilibot ko rin ang bahay namin.
I miss this.
I miss my home.
Kinuha ko ang album ko saka nagbalik-tanaw. Natawa na lang ako sa itsura ko noon. Palagi kasi akong nakasimangot. Tss, wala kasi sila Mom and Dad, bilang bata, sila lang naman ang gusto ko para maging masaya ako. Pero hindi nila 'yun naibigay.
BINABASA MO ANG
My Mysterious Guardian
General FictionWhen Jaster accidentally bumps a girl, his far from normal life gets even worse. Palagi na itong nakasunod sa kaniya, at kahit anong pantataboy pa ang gawin niya, bumabalik at bumabalik lang din siya. And worst, she even calls herself his GUARDIAN. ...