First of all, I want to say THANK YOU GUARDIANS for making it up to this point. Salamat sa mga naghintay ng update, mga nag-vote, nag-comment, sa silent readers, sa iyo na binabasa 'to ngayon at sa mga magbabasa pa. Dahil sa inyo kaya ako sinipag mag-update hahah! Sana hanggang sa dulo, manatili kayo bilang GUARDIANS. Salamat din sa mga bumuo ng 734 reads.
I dedicate this chapter to AllOfYouGUARDIANS. Hope you'll like it!
Salamat and God bless!
31317
~
Guardian 34
Jaster's
A month had passed since THAT day, at ngayon nga'y kasama ko ang lahat ng nagmamahal sa kaniya. Maraming tao ang nandito kahit hindi pa ito ang huling araw ng pagbisita. Nalulungkot ako nang malaman ko ang pagkamatay niya.
"Kuya! Kuya! Bakit mo po 'to pinishuran? We can't find anyfing intehesting in this pishur, so why?" tanong ng pamangkin ko.
Kinuha ko ang cellphone ko na hawak niya saka pinagmasdan ang tinutukoy niyang picture. Pinilit kong alalahanin ang picture na nadun. It feels so familiar yet I can't remember. Pinagmasdan ko ng maigi ang picture hanggang sa makita ko ang isa sa mga naka-hang sa wall.
Ahh tama, this was the time IU and I went to mall to buy a frame. This was the restaurant that has her name. Pero sa pagkakatanda ko'y selfie niya ang nandito. But now it's gone. Tanging ang background na lang niya ang natira.
"Hey kuya! Answer us pleash!" sabi pa ng isa kong pamangkin while snapping his finger to me.
I smile at them.
"Ang ganda kasi ng nasa frame kaya pinicture-an ko" sabi ko while pinching the screen to zoom it.
Pinakita ko sa kanila ang frame na may picture ni IU.
"See?" they just blink a few times before speaking.
"Who is she?"
I smiled again, this time, wider.
"My girlfriend"
"What is gurfen?" she asked, yawning.
Natawa ako sa tanong niya.
Sasagutin ko na sana sila ng isang sagot na para lang sa mga bata nang tawagin na sila ng pinsan ko, which is their Mom. Bakas na rin kasi sa mga mata nila ang antok.
After that, si Mom naman ang lumapit sa akin.
"Deneel, I know how much you want to see her, you can go now, I inform them already"
"But Mom--"
"Sshh! It's a four hour ride, at kailangan mo pa magpahinga. Sige na"
I smile and hug her before leaving. Sumakay na ako sa kotse namin at nag-umpisa nang paandarin ng driver ang sasakyan.
While on it, muli kong tiningnan ang picture ni IU, I smile sadly.
I miss those days.
Sinuot ko ang bluetooth headset ko upang mag-music para naman mawala ang kalungkutang nararamdaman ko. Dinala ako ng music library ko sa recordings. Napangiti ako. Pinaglaruan pala ng mga pamangkin ko ang recording ko. I played it one by one, tanging pagkanta, sigaw, tawanan, hikab at random chitchats lang nila at ng visitors ang narinig ko.
I'm currently laughing as I click the next one. But my smile starts to fade instantly.
It was IU's voice.
"Hi Den! Siguro kapag narinig mo 'to hindi mo na ako kilala, siguro nakalimutan mo na ako, 'di bale, ipapaalala ko sa'yo..." huminga siya ng malalim saka nagpatuloy sa pagsasalita.
Pinakilala niya lang kung sino siya, na siya ang guardian ko, na marami kaming pinagsamahan at kung anu-ano pa. Pinikit ko ang mga mata ko para maramdaman ang tinig niya.
"Balita ko birthday mo na bukas, anong gusto mong regalo?..."
"Ikaw, ikaw lang sapat na" sabi ko.
I heard her sigh.
"Sorry, kasi hindi ko na magagawang ibigay ang gusto mo, kung anoman 'yun"
Natahimik siya, para bang pinipigilan niyang umiyak. Narinig ko ang pagsinghot niya bago magpatuloy.
"Anyway, since napakilala ko na ang sarili ko, siguro naman pakikinggan mo na ng mabuti ang recording na 'to, pero kung hindi pa sapat ang mga sinabi ko, sana, sana pakinggan mo pa rin..."
She cleared her throat before continuing.
"Hi Den! Alam mo bang naiinis ako sa'yo kasi binabasa mo na naman ang diary ko! Wala ka nga atang balak bitawan 'yan eh! Siguro ngayong napapakinggan mo 'to, wala na 'yun, baka tinapon mo na..."
Akala mo lang 'yun.
"Gusto ko lang naman sabihin na mahal na mahal kita. Sana, kung mabuhay man ako, mahalin mo pa rin ako. Mali, sana matutunan mo ulit akong mahalin. Haha! Sinong tao ba naman kasi ang magmamahal ng taong kinamumuhian niya 'di ba? Alam mo sa totoo lang, kung ako lang ang papipiliin, mas gugustuhin kong manatiling multo para makasama ka, mas pipiliin ko ang mga araw na nakikita mo pa ako. Wala akong pake kung kinalimutan na ako ng lahat, wala akong pake kung hindi ako nakikita ng lahat, as long as nakikita't naaalala mo 'ko, sapat na 'yun. Ikaw lang Den sapat na..."
At this point, umiiyak na siya. Hindi ko mapigilang malungkot habang pinapakinggan siya.
"Kung sakali mang dumating ang araw na mabuhay ulit ako, sana...sana mahalin mo pa rin ako, sana...sana mapatawad mo na ako. At kung sakaling pareho tayong makalimot, isa lang ang hiling ko sa'yo...
Please, please love me, please make me fall in love with you. Kung 'yun ang paraan para mahalin ulit natin ang isa't-isa, then please do... please"
"Sir, ayos lang ho ba kayo?" napadilat ako nang magsalita ang driver namin.
"O-oo"
"Umiiyak ho kasi kayo sir"
Napahawak naman ako sa pisngi ko. Umiiyak na pala ako.
"Malungkot kasi yung kanta, nadala lang" naka-ngiting tugon ko.
Tumango lang siya saka nag-concentrate na ulit sa pagd-drive.
"Ano ba 'yan! Ang drama ko na! Sorry hahaha! 'yun lang Den, kung sakali mang mahirapan ka sa hiling ko, sana...sana subukan mo, kahit subukan mo na lang, wala naman sigurong mawawala 'di ba?
Hay anubayan! Sige na! I'll end it here, kahit ano pa ang maging desisyon mo, rerespetuhin ko 'yun. Basta tandaan mo na mahaal na mahal kita! I love you Den!!! Mmmwahhh!!! Bye!!"
Then it stopped.
#
Nakauwi kami after 3 and a half hours, mabuti na lang at hindi traffic. It's almost 5 in the morning, sana lang makatulog ako para masalubong ko siya.
I can't help but smile at that thought.
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang tumunog ang cellphone ko.
It was Mom. Nag-goodnight lang siya, hindi na ako nag-reply dahil gusto ko na rin matulog. Handa ko nang bitawan ang cellphone ko nang makita kong may isa pa akong unread message.
It's from Ren.
"Condolence dude"
~
Vote✔
Comment✔"Endings meant new beginnings"
>SM❤
BINABASA MO ANG
My Mysterious Guardian
פרוזהWhen Jaster accidentally bumps a girl, his far from normal life gets even worse. Palagi na itong nakasunod sa kaniya, at kahit anong pantataboy pa ang gawin niya, bumabalik at bumabalik lang din siya. And worst, she even calls herself his GUARDIAN. ...