Guardian 30: The Mysterious' Notebook

524 14 4
                                    

Enjoy reading Guardians! This is dedicated to all of you!

Love lots!

Vote✔
Comment✔

>SM❤

70317

P.S
Before I forget, I'm inviting you all Guardians to read my entry sa One Shot Contest by KOWF_OFFICIAL entitled Pag-ibig ng Milenyal. So, first time ko po sumali with the help of my Pinky friend (hello Pinky! Kaway kaway) sana mabasa niyo po, and don't hesitate to leave your critics and reactions.

OUT OF MY LIMIT po ang title ng entry ko, genre? Romance, Mystery/Thriller and Fantasy.

Here's the link po!

https://www.wattpad.com/user/KOWF_OFFICIAL

Sana mabasa niyo. Alam ko na imposibleng manalo ako dun, pero pinaghirapan ko rin naman 'yun kaya sana mabasa niyo, para po sa inyong lahat 'yun, salamat! 

>SM❤
~

Guardian 30: The Mysterious' Notebook

"Dear Me,
Sino ba ako? Ilang araw na ba akong gumagala? Ilang tao na ba ang hindi pumansin sa akin? Ilang tao na rin ba ang tumagos sa akin? Ano ba ako? Patay na ba ako? Isa ba akong multo? Bakit ganito? Hindi nila ako nakikita, hindi nahahawakan, pero bakit nagagawa ko namang mahawakan ang mga bagay at mabunggo sa kung saan? Bakit sa tao lang ako tumatagos? Bakit ba ako nandito?

Maswerte ako't may nagtapon ng notebook na 'to, kahit papano nababawasan ang kalungkutan ko, ang sakit na nararamdaman ko dahil nasasabi ko ang lahat sa'yo. Sana lang sa mga susunod na araw, magkaroon na ako ng clue kung bakit ba ako nandito"

"Dear Me,
Gutom na ako. Ang hirap pala ng ganito, naghihintay ka na may matira sa kinakain ng ibang tao para lang may makain ka. Ahhh!! Ang sakit na ng tiyan ko! Ilang araw na ba akong walang kain? Dalawa? Tatlo? Hindi ko na alam, for me it's like my whole life. Kahapon kasi binigay ko sa batang namamalimos ang pagkaing dapat na sana'y akin. Nakakaawa kasi siya eh, yung ibang taong pinapalimusan niya hindi siya pinapansin, pinandidirihan pa siya. Mapalad ako't hindi ko nararanasan ang nararanasan niya, syempre paano ko ba mararanasan? Eh hindi nga nila ako nakikita hayy..."

"Dear Me,
Hahahahh!!! Nakakatawa kanina! Hahahha! Grabe! Ang sarap talaga mang-trip! Mabuti na lang talaga at hindi ako nakikita ng mga tao! Hahahha!!! Kanina kasi ininom ko yung softdrink nung lalaki! Hahhaah! Tapos pag-inom niya pa naka-tatlong lagok na lang siya! Haahha!! Tapos yung mukha! Wahahahahha!!! Grabe talaga! Hahahaha!"

"Dear Me,
Hindi ko alam kung nasaan ako, tapos umuulan pa ngayon, mabuti na lang at hindi ako nababasa. Kaso nakakaawa itong katabi kong matanda. Wala kasi siyang bahay, tapos may anak pa siya na halatang may sakit. Ang payat payat nilang dalawa, kapareho ko rin sila na hindi pa nakakakain mula pa kanina. Sana lang may blessing na dumating sa kanya bukas. Ipag-pe-pray ko talaga yun! Kahit na magutom pa ako lalo okay lang, pwede naman akong makikain sa ibang tao eh, pwede ko naman kupitan ang pagkain nila, tutal hindi naman nila ako nakikita eh"

"Dear Me,
Bakit ganun? Hindi ko magawang kunin yung damit kanina. Sayang naman! Ang dumi na kasi ng damit ko, pakiramdam ko ang baho ko na rin! Gusto ko na maligo! O kaya kahit makapagpalit lang ng damit pero bakit hindi ko magawaaa!!!! T.T nakakaiyak naman. Siguro kasi masama ang intensyon ko? Pagnanakaw ba ang gagawin ko? Sorry na po, hindi na po ako uulit! Pero bakit kapag hiniram ko ang gamit ng ibang tao nahahawakan ko naman? Nakakatawa nga eh! Kasi hanap sila ng hanap pero hindi nila makita kasi hawak ko! Hahahah! Nawawalang kasama ko yung gamit nila! Hahaha! Pero maya-maya tumatagos na sa kamay ko yung gamit kaya ayun, nalalaglag tapos nakikita na nila. Nakakatawa talaga pag ganun.

My Mysterious GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon