Guardian 11

668 25 14
                                    

Updated: 31Dec16

HAPPY NEW YEAR EVERYONE!!! May this be a fruitfull year for all of us. Godbless and enjoy reading!

Vote✔
Comment✔

>SM❤

~
Mystery 11

"Tell me something about yourself"

"Interview ba 'to?"

Nabatukan ko na lang siya ng mahina dahil sa sinabi niya.

"Magseryoso ka nga! Sige na! Gusto kong mas makilala ka, gusto kong malaman kung ano ang mga nangyari at naranasan mo bago mo pa ako makilala. Para naman mas maintindihan kita"

Yumuko siya.

"Mahirap kasi ipaintindi eh, kasi maski ako, hindi naiintindihan" sabi niya saka ngumiti ng mapait sa akin.

Hinawakan ko naman ang kamay niya.

"Pipilitin ko intindihin. Kung para sa'yo, gagawin ko. Iintindihin ko. Minsan mo na akong inintindi, and it's time for me to return the favor. Pinaintindi mo sa akin ang maraming bagay. Pinaliwanag mo kung gaano ka-importante ang buhay, binigyan mo ng kulay ang dating madilim kong buhay..."

Naalala ko tuloy ang sinabi niya nung nagtangka akong magpakamatay sa rooftop.

"Hindi ka dapat magpakamatay! Hindi 'yan sagot Den! Una sa lahat wala tayong karapatang magpakamatay dahil hindi tayo ang totoong may-ari ng buhay natin. Siya lang, Siya lang ang may karapatang bumawi ng buhay natin Den. Kaya kung hindi mo na kaya ang lahat ng nangyayari, manalangin ka lang Den, papakinggan ka Niya. At isa pa, minsan lang tayo mabubuhay, kaya 'wag mong sayangin 'yun Den. 'Wag mong sayangin ang buhay na ibinigay Niya sa'yo. Lalaki ka 'di ba? If you're a man, then face everything manly! Sa ginagawa mo kasi nagmumukha kang bakla!"

"Nandito ako Den, alam kong kaya ako nandito ay para alalayan at bantayan ka. Kaya please Den, don't die for the sake of those who love you, don't die for my sake Den. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka sa buhay ko. Hindi ko kaya Den, hindi ko kaya"

Mas lalo ko pa hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kamay niya saka siya hinawakan sa pisngi para makita ko ang maamo niyang mukha.

"Kaya ako nandito para umintindi sa'yo. Alam ko na kailangan kita, kaya kahit gaano pa kagulo at kalalim ang istorya mo, pipilitin kong intindihin 'yun, para sa'yo"

Ngumiti siya saka huminga ng malalim.

"Before we met, hindi ko alam kung ano ba talaga ako, hindi ko alam kung nasaan ako, anong pangalan ko, saan ako nakatira, ilang taon na ako, at kung buhay pa ba ako. Kasi Den, bago mo ako mabunggo, wala talaga ako"

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong.

"Hindi ako nakikita ng mga tao, hindi nahahawakan, kaya ang alam ko patay na ako, na isa akong multo. But not until our paths crossed. Nung mga time na 'yun, handa na akong sumuko, handa ko na tanggapin na isa nga akong multo, isang lost soul, pero binangga mo ako't binago ang paniniwalang 'yun. Akala ko mananatili akong ganun, walang kasama, walang pamilya, walang kakilala, walang nagmamahal, walang pinatutunguhan, walang matutulugan, walang kahit na ano, pero nang mabangga mo ako, nagbago ang lahat ng 'yun.

Kaya kita kailangan Den, kasi ikaw lang ang tanging nakakita't nakapansin sa akin. Ikaw ang nagbigay buhay sa akin. Akala ko multo ako, pero dahil sa'yo nalaman kong tao rin pala ako. Hindi ko alam kung bakit at paano nangyaring ikaw lang ang nakagawa nu'n. That's why I said that I need you. Kasi ikaw lang talaga ang kailangan ko, ikaw ang dahilan ng existence ko. Ikaw lang ang mundo ko, at kapag nawala ka, pakiramdam ko mawawala ako ulit na kasama mo. Kapag wala ka, pakiramdam ko bumabalik ang nakaraan ko, na mag-isa na naman ako, pakiramdam ko hindi na ulit ako nakikita ng mga tao. That's why I need to stay by your side, that's why I need to stay near you, because you're the only reason I'm here"

My Mysterious GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon