Guardian 21

450 17 17
                                    

"Deneel, anak"

Napalitan ng galit ang kaninang kasiyahan na nararamdaman ko. Sinarhan ko lang siya ng pinto kaya ngayo'y patuloy siya sa pagkatok at sa pagtawag ng pangalan ko. Wala na sana akong balak na pansinin siya nang makita ko si IU, she smiles bago lumapit sa aki't hawakan ang kamay ko.

"It's your chance Den, ito na ang tamang pagkakataon para sabihin sa kaniya ang lahat. She's still your mom, at kahit pa ibaligtad ang mundo, hindi na magbabago 'yun" hinawakan niya ang dibdib ko bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"Ilabas mo ang nilalaman nito. Isigaw mo kung gaano mo siya kinamumuhian, ipamukha mo sa kaniya kung gaano siya kawalang kwentang ina. Kung 'yun ang paraan para mapatawad mo siya, then do it. Sabi ko naman sa'yo 'di ba, alam ko na hindi itim ang kulay ng puso mo, kaya I know na magagawa mo siyang patawarin"

Tama siya. Maybe it's time para malaman ni mom ang lahat. Binuksan ko na ang pinto at nakita ko ang nakayukong si mom na agad ding napatingala nang makita ako. And the next thing she did surprised me, she hugged me tight and utter the words I never thought she could.

"I'm sorry" she said in between sobs.

"I'm sorry Deneel, I'm sorry for everything, I'm sorry" and just that, I found myself hugging her back.

Niyakap ko si mom na para bang lahat ng galit na meron ako'y bigla na lang nawala. Ramdam ko kung gaano siya ka-sincere sa paghingi ng tawad sa akin, ramdam ko kung gaano siya nagsisisi. Hindi ko pa man nasasabi ang lahat ng galit ko'y napatawad ko na siya.

Tama talaga si IU, forgiving is never hard when there is love.

#

Inilapag ko sa lamesa ang kapeng tinimpla ko. Naka-upo kami ngayon sa sala.

"You look happy son" panimula niya na siyang nagpakunot ng noo ko.

"Kanina ko pa kasi naririnig ang pagtawa mo mula sa labas, I'm just wondering kung ano ba ang nagpapatuwa sa anak ko, mind sharing it?"

Napakamot naman ako sa batok nang sabihin niya 'yan. I'm not comfortable having a conversation with her. Narinig ko na lang ang pagtawa niya saka niya ako hinawakan sa kamay.

"It's okay Deneel, as long as you're happy, then it makes me happy too, whatever the reason" binitawan niya ang kamay ko saka tumabi sa akin at niyakap ako.

"I miss you baby, and I'm sorry for all the things I've said to you, and for all the things I've done to you" kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.

"You know what? Mula nang umalis ka sa bahay, palagi na akong hindi mapalagay. Palagi kitang naiisip, palagi kong sinisisi ang sarili ko sa pag-alis mo. Kung naging mabuting ina lang sana ako. Alam mo kasi, since you left, all the things I've done to you flashed back right before my eyes, at dun ko lang na-realize kung gaano ako kawalang-kwentang ina. I should never said all those things to you, I should never compare you. You're my son, and I should be proud of you. I know how much you hate me, I can feel it. Akala ko noon, hindi mo na ako magagawang pansinin man lang. But when you used the credit card I gave you, that sparks a tiny light in me. Sa paggamit mo n'un, naramdaman ko na kailangan mo ako, na may chance pa ako na baguhin ang lahat ng kamaliang nagawa ko..."

Kung alam mo lang ang tunay na dahilan kung bakit ko ginamit 'yun, tss! Baka lalo mo pa ako itakwil!

Ang dami pang sinabi ni mom, at syempre nagawa ko rin sabihin sa kaniya ang lahat, and to my surprise, hindi nga mahirap magpatawad. Hindi ko alam kung bakit, pero ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. And as I thought, mom too can't see IU. Bakit kaya? Ano kayang ugnayan sa pagitan nilang dalawa? Gusto ko malaman, gusto ko maliwanagan. Pero natatakot ako na baka kapag nalaman ko, pagsisihan ko lang din.

My Mysterious GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon