Guardian 32

444 16 5
                                    

Dedicated to: purpleyt dahil ni-request mo, para sa'yo 'to hahah! Hope you'll like it Violet! 😘

P.S
Basahin niyo po entry ko sa Pag-ibig ng Milenyal ha? by KOWF_OFFICIAL, OUT OF MY LIMIT PO ang title. First time ko po sumali sa contest kaya mangungulit aq XD (pagbigyan)

Nakapost po ang link sa profile ko, if you're interested, i-click niyo lang po ang link na nandun. Thanks Guardians!😘

Vote✔
Comment✔

>SM❤

90317

~

Guardian 32

IU's

Tahimik kong pinagmamasdan ang mga tao sa paligid ko, nagbabaka-sakaling nakikita pa rin nila ako.

Pero sa kasamaang palad, mukhang iilan na lang ang nakakakita sa akin, karamihan ay bata. Natigil ako sa pagtingin sa mga tao nang maramdaman kong may tumama sa paanan ko.

Isang remote control toy car.

Lumapit sa akin ang dalawang bata, isang mukhang seven years old, at isang mukhang nasa four years old. Nag-sorry sila sa akin dahil sa nangyari, ngumiti naman ako saka umupo para mapantayan sila. Kakausapin ko na sana sila nang tawagin sila ng Mama siguro nila 'yun. Kunot-noo itong nagsalita.

"Ano pa'ng ginagawa niyo diyan? Pumunta na kayo dito para makauwi na tayo"

Nilingon siya ng dalawang bata, at nang lingunin ulit nila ako'y, parang wala na ako sa paningin nila. Bakas ang pagtataka sa mukha nung seven years old, kumamot siya sa ulo niya saka nagkibit balikat at kinuha ang laruan bago tumakbo papunta sa Mama niya. Sinubukan ko siyang hawakan pero tumagos lang ang kamay ko sa kanya.

Then I felt something pierce inside my heart.

It hurts.

Yumuko ako saka kinagat ang labi ko para mapigilan ang nagbabadyang luha nang makarinig ako ng pag-iyak. Nilingon ko ang pinanggalingan nu'n at nakita kong umiiyak yung batang four years old habang nakaharap sa akin. Nilapitan siya ng Mama niya saka binuhat palayo sa akin.

Tumayo ako.

Mukhang natakot ko siya. Naglakad ako't napatigil sa harap ng isang TV store, isang football game ang palabas, sa katabing TV nito ay mga nature at iba pa. May tugtog din na nagmumula sa loob ng store.

"Another day
Of painted walls and football on the TV
No one sees me"

Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa aking mga labi.

Mukhang para sa akin ang kanta.

"I fade away
Lost inside a memory of someone's life
It wasn't mine"

This time, hindi ko na napigilan ang sumimangot. Naalala ko bigla si Den dahil sa kanta.

Nakalimutan niya na ako.

Pati siya kinalimutan na rin ako.

"I was already missing
Before the night I left
Just me and my shadow and all of my regrets"

Tama.

Wala naman kasi talaga ako una pa lang eh. Sino ba kasing niloko ko? Alam ko naman umpisa pa lang na wala akong lugar sa mundong 'to. Na panaginip lang ang lahat ng kasiyahang naranasan ko, ang pagmamahal na naramdaman ko, mga kaibigang nakilala ko, lahat sila panaginip lang.

Pati siya.

Pati si Den, isa lang siya sa mga panaginip ko.

Isang napakagandang panaginip.

My Mysterious GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon