"Paano ko sasabihin sa'yo kung maging ako hindi kilala ang sarili ko"
Natigilan ako sa sinabi niya. Sasagot na sana ako nang biglang may kumatok. Pagbukas ko si Ren pala.
"Naiwan mo" sabi niya na nakataas ang kamay na may hawak na paper bag. Tss, iniwan ko na nga eh!
"Bakit mo 'to iniwan? 'di ba sabi ko sa'yo ibigay mo 'to kay Angel?"
"Sorry na, nakalimutan ko lang"
"Ang galing naman dude, nakakalimutan na pala ang mga bagay ngayon na iniwan sa basurahan" he said with a smirk.
Iniwas ko lang ang tingin ko sa kaniya. Pumasok naman siya saka hinila si Inu palabas.
"Saan mo siya dadalhin?"
"Ano bang ginagawa sa mga babae? They should be treated like a woman not like a dog"
Hindi ko napigilan ang sarili ko, nag-iinit ang ulo ko. Oo bestfriend ko siya, but he's going beyond the line. Hinawakan ko si Inu sa braso saka inilayo sa kanya.
"Inu is MINE at gagawin ko sa kaniya kung ano ang gusto ko. She's my guardian, kaya wala kang karapatang agawin siya" galit na sabi ko.
Inabot niya naman ang kamay ni Inu saka inagaw mula sa akin.
"I have the right since you never treat her like a human. Kung ikaw natitiis na pahirapan siya, pwes ibahin mo ko JD. Kaibigan kita kaya alam kong you can do better. Pero anong ginagawa mo? You're just proving that you don't deserve to be loved. If you want to be loved you should learn how to love other people. Sa totoo lang JD, hindi na kita kilala. Ibabalik ko siya sa'yo mamaya. Sa ngayon, magisip-isip ka muna"
After he said that, he leave, kasama ang babaeng 'yun. Huh! Mabuti nga eh. Wala ng magulo. Isinara ko ang pinto. Doon ko lang napansin na nakabukas pala ang T.V tss! Nanonood pala siya. Huh! Isip bata talaga, paano ba naman, cartoons ang pinapanood tss. Kinuha ko ang remote saka 'yun pinatay. Ang tahimik.
Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. Tss! Hindi ko makalimutan ang sinabi ni Ren "Kaibigan kita kaya alam kong you can do better" siguro nga, kung ako pa yung dating ako, hindi ko magagawa ang mga ginawa ko sa kanya. Pero wala na siya. Patay na siya. Pinatay ko na siya. Pinatay ko na ang dating ako. Simula ng araw na 'yun, kinalimutan ko na ang pagkatao ko.
Renald's
"I'm sorry Renald, pero hindi ako pwedeng lumayo kay Den"
Sabi ni Angel pagkalabas namin sa apartment.
"Alam kong kailangan niya ako sa mga oras na 'to, at kailangan ko rin siya para makapagpatuloy ako sa mundo. Kailangan namin ang isa't-isa Renald. Alam ko. Ramdam ko"
Babalik na sana siya pero hinawakan ko ang kamay niya. Ano bang pinagsasasabi niya? Hindi ko siya maintindihan, pero kahit na ganoon, magaan pa rin ang pakiramdam ko sa kanya. She gives you this feeling na parang mapapalapit agad ang loob mo sa kanya, na kaya mo siyang pagkatiwalaan, na alam mong harmless siya. The moment I saw her, alam ko na, na kaya niyang pabalikin ang JD na kilala ko, ang JD na kaibigan ko. But not this time. Sumusobra na siya. Akala niya siguro hindi ko alam, pero may idea ako sa ginagawa niya kay Angel. Nakita ko sila nung isang araw galing sa grocery. Nakita ko kung paano niya pahirapan ipadala kay Angel ang dalawang karton ng pinamili niya. And it makes me angry. Nagbago na talaga siya.
"Saglit lang naman 'to. Please, gusto lang muna kita ilayo sa kanya. Let him see your worth. Hayaan mo muna siya mag-isa, kailangan niya 'yun. Lalo na't nalalapit na ang araw"
"Ha?" sabi ko na't hindi niya ako maiintindihan. Di bale, ipapaliwanag ko na lang mamaya.
"Wala, ang sabi ko tara na" hinila ko siya saka pinagbuksan ng pinto para makasakay na siya sa kotse ko. Umikot naman ako para makasakay na sa driver's seat.
"I'm sorry Renald, pero hindi talaga pwede" natataranta at parang takot na sabi niya. Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi saka sinabing...
"It's okay, walang mangyayaring masama sa kanya. Trust me hmm?" medyo kumalma naman siya nang sabihin ko 'yun.
I started the engine at umalis na kami.
"Saan ba tayo pupunta?""I'm just gon'na treat you. Hindi ka kasi magawang bilhan man lang ng damit ng mokong na 'yun" tiningnan ko siya at ang damit niyang mahahalata na ang pagkaluma, saka ko nakita ang pula na nasa may parte ng dibdib niya.
"Ano 'yan?" sabi ko referring to that red stain na parang dugo.
"Ah ito ba? Nagdugo kasi ilong ko kanina, tumulo ata"
"WHAT!" Napagewang ang sasakyan dahil sa gulat ko. Napahawak naman siya sa upuan nang mangyari 'yun.
I said sorry dahil mukhang takot na takot siya. She's so cute.
"Bakit nagdugo 'yan?" tanong ko. Kinuwento naman niya ang nangyari. Tsk! Pasaway talaga ang lalaking 'yun.
You see, hindi naman talaga siya ganun, not until last year. Oo, medyo pasaway na siya dahil gusto niyang makuha ang atensyon at pagmamahal ng mga magulang niya. Pero hindi 'yun magawang ibigay sa kanya dahil masyadong busy ang mga yun sa business nila. May sarili rin silang school, doon siya nag-aaral dati. At gaya ng sabi ko, not until last year. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit naisipan niyang manirahan mag-isa at lumipat sa school na pagmamay-ari namin. Mabait 'yang si JD, papansin nga lang sa mga magulang tsk! Sinong anak ba naman kasi ang gustong balewalain ng magulang? Tuwing birthday niya wala sila. Nagpapadala lang ng package, magkasunod lang kami ng birthday niyan. Mas matanda lang ako sa kanya ng isang araw. At sa tuwing darating na nga ang araw na 'yun, lumulungkot na siya. Sinasamahan ko naman siya at sinasabihan na andito naman ako, pero alam kong hindi sapat 'yun.
Hindi ko alam ang nangyayari sa kanya sa school nila, basta ang alam ko, wala siyang kaibigan, tanging ako lang. Narinig ko pa noon na siga daw siya sa school, kapag tinanong ko naman siya. Ang sasabihin niya lang 'Paano nila nasabing siga ako? Ni hindi nga nila ako pinapansin tss!' Alam kong mahirap paniwalaan, pero mabait talaga 'yan. Gentleman, dream guy, matalino, mayaman, wala ka ng hahanapin pa! Pero hindi 'yun nakikita ng iba, medyo matapang kasi ang mukha niya, at dahil anak siya ng may-ari ng school, takot ang lahat sa kanya, takot sila na mapaalis sa school, maging ang mga professor ay takot sa kanya.
Aaminin ko, mukha siyang matapang, suplado, mahilig sa gulo, pero sa totoo lang kabaligtaran siya ng lahat ng 'yun.
But not until last year. Kung anoman ang nangyari noon, gusto ko malaman, para naman matulungan ko siya. At alam kong si Angel ang makakatulong sa akin na malaman 'yun.
~
Updated: 13 Dec 16Dedicated to: purpleyt
Ito na ang special request mo as promised! Hahaha!!! Ang ganda ng nabuo ntng story kanina ha infairness! Hahha!!! Sana magustuhan mo! Comment ka ha! And tnx for the votes!And
invisiblegirlinpink Thanks sa mga votes, comments and support!!! Malapit kna gumaling pink! Congrats! Hahaha! Gudluck next week!!!To all who are reading this:
Vote✔ and Comment ✔ po! Say your thoughts guys!Thanks!
>SM❤
BINABASA MO ANG
My Mysterious Guardian
General FictionWhen Jaster accidentally bumps a girl, his far from normal life gets even worse. Palagi na itong nakasunod sa kaniya, at kahit anong pantataboy pa ang gawin niya, bumabalik at bumabalik lang din siya. And worst, she even calls herself his GUARDIAN. ...