Hello Guardians! ([readers] kung meron man XD)
Well, I just decided to call you Guardians mema lang ba hahah! XD
Here's the next update! Hope you'll like it ~
Vote✔
Comment✔>SM❤
010317
~
Guardian 27
Nakaupo lang ako nang biglang pumasok ang Nurse.
"Goodmorning Sir" bati niya.
"Kaano-ano ni'yo po ang patient?"
"I'm her..." napa-isip ako saglit.
"I'm her boyfriend"
Napataas ang kilay ng Nurse sa sinabi ko. Mukha ba talaga akong hindi katiwa-tiwala?
"Sorry Sir, akala ko po kasi walang special someone si Ma'am. Kaya nakakagulat na may boyfriend pala siya. The fact na may nagbabantay sa kanya nakakagulat na, malaman ko pa kaya na may boyfriend siya?" bahagya siyang natawa dahil dun.
Naguluhan ako sa sinabi niya. Nagulat siya na may nagbabantay sa kanya ngayon. Bakit?
"Ahh...excuse me lang po, bakit niyo po nasabi na nagulat ka nung makita na may nagbabantay sa kanya?" tanong ko sa kanya habang chine-check ang dextrose na nakakabit kay IU.
"Kasi Sir alam mo, tingin ko loner 'to si Ma'am. Wala kasing dumadalaw sa kanya, maging si Madam, yung nanay niya, minsan lang din siya dalawin, 'yung kapatid niya naman na si Sir. Edgard, ngayon na lang ulit dumalaw, tapos umuwi pa kaagad. Eh ikaw Sir? Bakit ngayon mo lang naisipang dalawin si Ms. Lala? Hindi mo ba na-miss ang girlfriend mo?"
Natahimik ako sa sinabi niya. Walang dumadalaw sa kanya? Walang nagbabantay sa kanya?
"Sir?"
"Ah, sorry! Ano nga ulit 'yun?"
"Ang sabi ko Sir, bakit ngayon ka lang dumalaw, tsaka, pwede ko po ba Sir makuha ang name mo po para mailagay ko po sa list"
Binigay ko naman ang pangalan ko sa kanya. Sinabi ko rin na hindi ko alam ang tungkol sa kalagayan niya kaya ngayon lang ako nakadalaw.
"Ilang buwan na po kayo mag-on ni Ma'am, Sir?" pag-uusisa niya.
Napakamot naman ako sa ulo dahil dun.
"Actually, hindi niya pa alam na kami na" nagulat siya sa sinabi kong 'yun. Maski ako nagulat eh. Tss!
"Ano Sir?"
"Kapag nagising na siya saka niya lang malalaman" naka-ngiting sagot ko.
Mas lalo siyang nagtaka dahil dun. Kunot-noo siyang nagpaalam na aalis na.
Ilang segundo lang ang nakaraan nang biglang pumasok si mama.
"Deneel?" gulat na sabi niya saka ito napalitan ng ngiti.
Lumapit siya sa akin. Tumayo naman ako para salubungin siya.
"I'm glad you're here" sabi niya saka ako niyakap.
"Mabuti naman at nakapagdesisyon ka nang dalawin siya" ngumiti lang ako.
"Sino nga pala ang nagsabi sa'yo? Paano ka nakapunta rito?" sinabi ko sa kanya na si Ed ang sagot sa lahat ng tanong niya. Tanging tango lang ang naging sagot niya.
"Ma, madalas ka ba dumalaw sa kaniya?"
"Ang totoo niyan, minsan lang. Alam mo na, busy rin ako sa business natin, tinutulungan ko rin si Daddy mo sa ibang bansa, kaya ngayon na lang ulit ako nakadalaw"
Tahimik lang ako.
"Pinipilit ka ni Ed na dalawin siya hindi ba? Ang totoo niyan, kaya niya ginagawa 'yun dahil pinakiusapan ko siya" napatingin ako sa kanya nang sabihin niya 'yun.
"Naaawa kasi ako sa batang ito. I thought she was a perfect daughter. Maybe she is, for others. But for her own Mom, she isn't. I keep comparing you to her because I thought she was the perfect role model to you. Maganda, matalino, mabait, talented, you have nothing to ask for kasi lahat nasa kanya na" she smiled bitterly.
"Akala ko lang pala. Lala is a very sad child. Lumabas lang ang lahat nang ma-comatose siya. I'm expecting na maraming dadalaw sa kanya since sikat siya sa school nila at maraming kaibigan. What now? Kahit isa man lang sa mga 'yun walang pakealam sa kanya. All of them doesn't care about her, even her own mother. I tried many times to convince her, pero wala lang sa kanya"
"Nag-aalala ako sa kanya kasi these past few days hindi na naman normal ang heartbeat niya. There are times na normal naman ang heartbeat niya. May mga times na bumabagal, the Doctors even try to revive her because she was so near to death. Ang balita ko, nitong mga nakaraang araw may mga times naman na bumibilis ang tibok ng puso niya. At ang sabi nga ni Nurse kanina, nagsisimula na namang bumagal ang tibok ng puso niya. She's at risk, sabi niya pa. I know that Lala is fighting" she smiled bitterly again.
"She's strong anyway" pinunasan ni Mom ang luhang nakatakas sa mga mata niya. I hugged her in an attempt to ease her pain.
"Ma" sabi ko pa makalipas ang ilang minuto. Kasalukuyan kaming kumakain ng tinapay na dala niya.
"Ano po ba ang tunay niyang pangalan? Sinabi po kasi ni Ed sa 'kin kanina na Lyn daw ang pangalan niya. Ngayon naman tinatawag mo siyang Lala, naguguluhan po ako" medyo natawa siya sa sinabi ko.
Nagpunas muna siya ng bibig niya't nilunok ang nginunguya bago sumagot.
"Lyn is her nickname. But Lala is her real name.
Lala Ynessa"
#
Naglalakad na ako ngayon pauwi sa bahay, papunta sa kanya. Ang dami kong nalaman, ang daming naging dahilan ng pagbigat ng dibdib ko ngayon.
So IU is fake? Her childish, jolly personality is fake? Everything I know about her is fake? Uggh! Sumasakit ang ulo ko, pati ang puso ko. Gusto kong malaman kung ano at sino siya. Gusto kong makilala ang tunay na siya. Pero bahala na, ang kailangan ko lang ngayon ay makita at yakapin siya. If I can't relieve her true pains, at least I can lessen it.
Gabi na nang maka-uwi ako. It's already past nine in the evening. Siguro tulog na si IU. Nakakapagod ang araw na 'to.
Pumasok ako sa kuwarto ko, wala siya d'un. Tiningnan ko siya sa sofa, wala rin siya d'un. I called out her name pero walang IU na lumabas, walang IU na nagsalita, walang IU na sumalubong sa akin.
Napa-upo ako sa sobrang panghihina.
Where is she?
BINABASA MO ANG
My Mysterious Guardian
General FictionWhen Jaster accidentally bumps a girl, his far from normal life gets even worse. Palagi na itong nakasunod sa kaniya, at kahit anong pantataboy pa ang gawin niya, bumabalik at bumabalik lang din siya. And worst, she even calls herself his GUARDIAN. ...