This story is INSPIRED from the korean drama, Full House. =)
Love is all about going through hardships and pain to be the with the one you love.
Chapter 1
“Ma, nakita mo ba ang CD ko?”
Naghahalungkat si Mara Fortaleza sa dresser niya. Natataranta na siya dahil male-late na siya para sa presentation niya sa school. Ang kaninang maayos na dresser niya ay sabog-sabog na. Hindi na organized hindi tulad kanina. Mamaya na lang niya siguro ito aayusin.
Si Mara Christine Fortaleza ay isang sixteen year-old girl na fresh graduate from high school. She’s not one of the beautiful faces ng school nila pero hindi mo naman siya matatawag na pangit. Although pinipilit niya talaga sa iba na pangit siya.
Kaya lang siya hindi naging attractive ay dahil sa mga kaunting blemishes niya sa mukha na kahit anong gawin niya ay hindi matanggal-tanggal. Lahat na ata ng facial products ay walang epekto sa kanya, kahit pa ang pinakamahal sa mga ito. At pati na rin sa hairstyle niya na palaging nakapusod. She never liked wearing her hair down. Kapag kasi inilugay ito, buhaghag ang buhok niya dahil sa wavy hair niya. At pampadagdag pa ng “manang” look, nagsusuot din siya ng eyeglasses sa bahay na may mataas na grado. Pero she doesn’t mind. Although matagal na niyang inaamin na pangit siya, hindi na lang niya ito pinapansin. E ganito siya ginawa ng Diyos e. Wala pa naman siyang nababalitaang namamatay sa pangit.
May pagka-obsessive compulsive din si Mara pagdating sa paglilinis. Hindi niya gusto ang makalat kaya naman palaging malinis ang bahay nila. At may kakaiba ring way ng paglalabas ng galit si Mara; ang maglinis.
Kaya naman, kung minsan, ay inaasar siya ng kapatid niyang si TJ para magalit ito at si Mara na lang ang gagawa ng mga gawaing bahay na dapat siya ang gagawa.
May pagka-matapang din si Mara. Ipaglalaban niya ang prinsipyo niya kung alam niyang tama. Wala siyang inuurungan. Sasabihin niya kung ano man ang nasa isip niya kung alam niyang ito ang tama.
Pero kahit na ganito, may pagka-fragile din si Mara. Lalo na kapag pagdating sa pag-ibig. Although may kaunting nagkakagusto sa kanya (mga dalawa o tatlo?), hindi niya ito pinapansin. Hindi niya ito pinagkaka-abalahan. Iniiwasan pa nga niya ang mga ito kung napapansin niyang medyo nalalapit na sila sa “dating” stage o ligawan. Kaya naman ang mga lalaki, hindi pa man sila nagkakaroon ng chance na masabi kay Mara na gusto nila ito, lumalayo na kay Mara at maghahanap ng iba. Kaya zero ang love life ni Mara Fortaleza.
“Saan mo ba kasi inilagay?” sagot ni Myra Fortaleza, ang mommy ni TJ at Mara. “Ikaw ang pinaka-organized dito sa buong bahay tapos nawawala ang mga gamit mo. Saan mo ba kasi kailangan yun?”
Lumabas si Mara ng kwarto niya habang sinasagot ang mama niya,
“Para po doon sa farewell program ng school.” Pumasok si Mara sa maliit na walk-in closet nila kung saan nila nilalagay ang mga sapatos at iba pang gamit nila at doon nagpatuloy sa paghahanap. “Ang alam ko nasa bag ko lang iyon. Kaka-burn ko pa nga lang nun e.”
“E di tignan mo sa may computer,” suggest ni Myra. “Baka naiwan mo doon.”
Bumaba si Mara ng hagdan at pumasok ng computer room. Doon niya nakita si TJ na naglalaro (na naman) ng DOTA.
“TJ, nakita mo ba yung CD ko?” tanong ni Mara.
“Ah, sayo ba yun?” sagot ni TJ na hindi inaalis ang mata sa computer screen. “Yung... color green?”
“Oo.” Napangiti si Mara. Na-relieve siya dahil mukhang nakita nga ito ni TJ.
“Yung may pangalan mo pa? Tapos may nakalagay na ‘presentation’?”
BINABASA MO ANG
My One and Only Housekeeper
Teen FictionThis is a romantic comedy love story that tells it's all worth it when you do it for love. Mara Fortaleza didn't really believe that someone will be able to love her for who and what she is. Until guy-next-door Francis Martinez came. Francis was the...