Chapter 7

313 3 0
                                    

Chapter 7

Habang nakasakay pauwi, tahimik lang na nakatingin si Mara kay Francis. Nakita niyang gulo-gulo ang buhok ni Francis. May maliit din na stain ng dugo si Francis sa may sleeve ng polo niya. Hindi alam ni Mara kung sa lalaki o kay Francis ba ang dugong iyon.

Namamaga din ang pisngi ni Francis at pumutok din ang lower lip nito na natutuyo na ang dugo.

Hindi mapigilan ni Mara isipin na, kahit ganito ang hitsura ni Francis, guwapo pa rin itong tignan. Yun nga lang, hindi na guy-next-door ang tipo ng kagwapuhan nito. Bad boy type na.

Gustong malaman ni Mara ng buong storya kahit na alam niyang niloloko lang ni Cindy si Francis. Gusto niyang malaman kung paano nagsimulang magsuntukan ang dalawang lalaki. Pero alam niyang hindi pa ito ang tamang oras para magtanong.

“Francis, ok ka lang ba?” concerned na tanong ni Mara.

“Sa tingin mo, sa kalagayan kong ito, ok ako?” tahimik na pagkasabi ni Francis. Although alam ni Mara na papilosopo itong sinabi ni Francis, hindi niya narinig sa tono ng pananalita ang pagka-sarcastic.

Nanahimik na si Mara. Inalis niya ang tingin niya kay Francis at tumingin na lang sa labas ng bintana.

* * * * *

Pagkababa ng sasakyan, kaagad na pumasok si Francis ng bahay. Habang pumapanik ng hagdan si Francis, pinagmamasdan siya ni Mara with concern in her eyes. Narinig din niyang binagsak ni Francis ang pinto ng kwarto niya. Binalewala na nito ang payo ni Mara na wag ibabagsak ang pinto dahil baka ma-stuck ulit.

Maya-maya ay may narinig si Mara na bumabagsak na mga gamit. Siguro ay binabato ni Francis ang lahat ng gamit niya dahil sa galit.

* * * * *

Mag-a-alas sais na ng gabi nang bumaba si Francis. Si Mara, na nasa sala noon, ay napalingon kay Francis.

“Nagugutom ka ba? May pancit canton dyan kung gusto mo…” sabi ni Mara.

“Ayokong kumain,” tahimik na sagot ni Francis.

Hindi sumagot si Mara. Nakita niya na nangingitim ang kaliwang pisngi ni Francis. Ang labi naman ni Francis ay namamaga pero wala nang dugo.

Tumayo si Mara at lumapit kay Francis. “Umupo ka muna. Masama ang tama mo, o.”

Tinignan ng ilang sandali ni Francis si Mara bago sumunod dito at umupo sa dining table. Pumasok naman si Mara ng kusina at kumuha ng yelo at ice bag.

Iniabot ni Mara kay Francis ang ice bag at umupo sa upuan, opposite kay Francis. Pinagmasdan niya si Francis habang dahan-dahan nitong minamasahe ang ice bag sa pasa niya.

Nag-hesitate sandali si Mara bago magsalita, “A-anong nangyari? Bakit ka nakipag-away?”

Sandaling hindi sumagot si Francis. Nagpatuloy lang siya sa pagmamasahe sa pasa niya.

“Akin na lang siguro yun,” tahimik na sagot ni Francis. “Wag ka nang mangialam…”

Tumayo na si Francis at pumunta sa pinto. Sinundan lang siya ni Mara ng tingin. Bago tuluyang lumabas, lumingon ulit si Francis kay Mara,

“Sorry kung sinira ko ang birthday mo.”

Hinawakan ni Francis ang doorknob at lumabas ng bahay. Narinig ni Mara ang pagsara ng pinto ng kotse. At maya-maya narinig niya na pinaandar ni Francis ang sasakyan palayo.

Napatungo si Mara. Ngayon niya lang nakita si Francis ng ganun kalungkot. Hindi siya sanay sa ganitong Francis. Mas sanay siya sa laging nakatawa at laging nang-aasar. Yung masayahin at makulit. Mahal na mahal talaga siguro ni Francis si Cindy kaya ganun na lang siya siguro nasaktan.

My One and Only HousekeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon