Chapter 23
It was the same old smile. The one she remembers so clearly even if years went by. And it still had the same effect on her.
Nanghina ang tuhod ni Mara. Nanlambot ang kalooban niya na pakiramdam niya napakagaan niya….
Nakita ni Francis ang buong pangyayari. Nakita niya ang pagnginig ni Mara at pagkakadulas ng paa nito sa ladder.
Kaagad napuno ng takot at kaba ang katawan ni Francis. Tumakbo siya papunta kay Mara and opened his arms wide as Mara fell.
Dahil sa lakas ng force, na-out of balance si Francis at napahiga sa lupa, with Mara on top of her.
Hingal na hingal si Francis dahil sa nerbiyos at takot na naramdaman niya. At katulad pa rin ng dati, hindi niya maiwasang mag-init ng ulo,
“Bakit ka ba laging nadidisgrasya?!”
Napatingin si Mara sa kanya at kaagad na sumimangot. Tumayo si Mara at pinagpag ang siko at tuhod niya.
Tumayo na rin si Francis. “Ok ka lang ba? Nasaktan ka ba?”
“Anong ginagawa mo dito?” sabi ni Mara na hindi tumitingin kay Francis.
“Ok ka lang ba?” muling tanong ni Francis.
“Ok lang ako…”
“Hindi ka mukhang ok…”
“E kanino bang katawan ito?!” pilosopong pagkasabi ni Mara. Nagka-eye to eye sila ni Francis.
Lumapit si Francis sa kanya at kinuha ang kaliwang kamay ni Mara. Itinaas niya ito para makita ni Mara ang nasugatan niyang pulso.
“O ano? Sasabihin mo pang hindi ka ok?” pilosopo ding pagkasabi ni Francis. Sumimangot si Mara at binawi ang kamay niya kay Francis.
“E bakit kasi nagtatanong ka pa,” bulong ni Mara.
Napangiti si Francis sa sarili niya. Hindi pa rin talaga nagbabago si Mara. Hindi pa rin sila nagbabago: away pa rin sila ng away.
Ngayon lang naramdaman ni Mara ang hapdi ng sugat niya. Tinignan niya ito at nakita niyang nagdudugo ito at may mga kaunting gasgas.
“Halika, gamutin natin,” sabi ni Francis sabay hawak sa kamay ni Mara.
Nagulat si Mara that she made a small gasp. Para siyang na-shock nang maramdaman niya ang nakaka-kuryenteng feeling sa kamay na hinawakan ni Francis. At umabot ito sa buong katawan niya making her warm inside. Matagal na din niya itong hindi naramdaman kaya nanibago siya at hindi din inaasahan.
Papasok na sana si Francis at Mara sa loob ng bahay nang may magsalita sa likod nila,
“Mara?”
Napalingon si Francis at nakita niya ang isang lalaking meztisuhin, at mukhang matalino dahil sa suot nitong eyeglasses, na may pagtatakang nakatingin sa kanila ni Mara. Napatingin din ito sa magkahawak na kamay ni Mara at Francis.
“Ikaw ba si… Martin De Jesus?” tanong ni Francis. For some strange reason, naramdaman ni Francis na parang hindi sila magkakasundo nitong lalaking ito.
“Ako nga…” mahinang sagot ni Martin. Lumapit siya sa dalawa at inalis ang kamay ni Mara sa hawak ni Francis na ikinagulat naman ni Francis.
Iniinspeksyon ni Martin ang kamay ni Mara at ang sugat nito. “Napano ka? Umalis lang ako sandali, dadatnan na kitang ganito…”
Francis cleared his throat loudly. Kinuha niya ang kamay ni Mara at hinila ito papunta sa likod niya, nilalayo ito kay Martin. Kinausap niya si Martin,
BINABASA MO ANG
My One and Only Housekeeper
Teen FictionThis is a romantic comedy love story that tells it's all worth it when you do it for love. Mara Fortaleza didn't really believe that someone will be able to love her for who and what she is. Until guy-next-door Francis Martinez came. Francis was the...