Chapter 3
Isang gabi, habang si Francis ay ginagamit ang computer at si Mara naman ay nanunuod ng TV,
“Lipat na yan,” sabi ni TJ habang kinukuha ang remote at inilipat sa ibang channel ang pinapanuod ni Mara.
Malakas siyang hinampas ni Mara sa mukha ng throw pillow na yakap niya.
“Ilipat mo ulit yan…” galit na pagkasabi ni Mara and with a tone of command.
Napangiti si TJ. “Oo na. Eto na.” Inilipat niya sa dati ang channel. “Eto naman. Minsan lang kita lambingin e.”
“Lambing ba yun? Lagi mo kong iniinis at sinisira araw ko, lambing ba yun?”
“Mami-miss lang kasi kita,” sagot ni TJ. “Ilang linggo din akong mawawala noh.”
Napatigil sandali si Mara. “Saan ka naman pupunta?”
“Inaya ako ng kaibigan ko mag-beach. Kasama yung iba kong kabarkada. Sasama ako. May privilege card kasi yung mga magulang niya sa isang resort. E malapit nang mag-expire kaya… inaya niya ako.”
“Alam ba ni mama ito? Baka naman plano ka ng plano hindi ka pa pala nagpapaalam.”
“Ate, syempre nagpaalam na ko noh. Hindi naman ako ganoon kasamang anak!”
“Pero masama kang kapatid…”
“Ate naman…” may ngiting pagkasabi ni TJ. “Ganun na ba kahalata yun?”
* * * * *
Sinundo si TJ, isang araw ng kaibigan niyang si Elijah Chua kasama ang iba pa niyang barkada. Nakasakay sila sa isang malaking van.
Nasa labas ng bahay sina Mrs. Fortaleza, Francis at Mara, pinapanuod ang van na palayo sa kanila.
Nang pumasok na si Mrs. Fortaleza,
“Hayy… wala na akong kakampi,” sabi ni Francis.
Napatingin si Mara sa kanya. “Saan? Sa DOTA?”
“Hindi.” Tinignan ni Francis si Mara ng may nakakalokong ngiti. “Sa pang-aasar sayo.”
“Aba, talagang namumuro ka na a!” Itinaas ni Mara ang kamay niya at hahampasin na sana si Francis nang umiwas ito, tumatawa, at pumasok na ng bahay.
Huminga ng malalim si Mara at bumuntong-hininga. Wala na nga si TJ, pero may isa namang asungot na pumalit sa pwesto ng kapatid niya. Naglakad na si Mara papasok ng bahay.
Habang papasok ng bahay, narinig ni Mara ang pag-ring ng telepono. Kaagad niyang sinagot ito. Maya-maya ay tinawag niya ang mama niya,
“Ma, si tita Nimfa po,” sabi ni Mara habang inaabot sa mama niya ang receiver ng telephone.
“Hello?... Ano? Paano?” pag-alalang pagkasabi ni Mrs. Fortaleza. Si Mara, na nakatayo lang sa tabi ng mama niya, ay nag-alala din.
“Kailan pa?... Sabi ko naman sayo dalhin mo na siya sa doktor e,” patuloy ni Mrs. Fortaleza. “O-o sige sige. Maghahanap ako ng paraan.”
Ibinaba na ni Mrs. Fortaleza ang telepono.
“A-ano daw sabi ni tita?” pag-alalang tanong ni Mara. “May nangyari ba?”
Napabuntong-hininga si Mrs. Fortaleza. “Namatay na yung nag-aalaga sa lolo mo sa probinsya, inatake sa puso.”
Hindi nakapagsalita si Mara. Si Aling Tepay ay napakabait at napakaloyal sa pamilya nila. Masayahin din ito at palaging nakangiti. Kaya naman napakalaking shock ito para sa kanya.
BINABASA MO ANG
My One and Only Housekeeper
Novela JuvenilThis is a romantic comedy love story that tells it's all worth it when you do it for love. Mara Fortaleza didn't really believe that someone will be able to love her for who and what she is. Until guy-next-door Francis Martinez came. Francis was the...