Chapter 27

201 2 0
                                    

Chapter 27

Pinapunta ni Martin sina Francis at Mara sa Admissions Office.

“Magbabakasyon dito ang ilan sa mga kaibigan ko,” sabi ni Martin. “Kaya mag-prepare kayo.”

“Sina Joey ba ang tinutukoy mo?” tanong ni Francis ng may ngiti. Na-curious si Mara kung ano kaya ang ikinasaya ni Francis.

“Hindi,” may simangot na sagot ni Martin. “Mga college friends ko ito.”

“Ilan sila? Para naman maayos ko na ang mga kwarto…” sabi ni Mara.

Nag-isip sandali si Martin. “Mmm… mga tatlong lalaki at tatlong babae. Siguro tatlong kwarto ang ihanda mo…”

Tumango-tango si Mara habang sinusulat niya sa isang maliit na notebook ang mga ito.

“Ah,” sabi ni Martin na may biglang naalala. “Baka mag-set up sila ng party sa pangatlong araw ng stay nila. Yun ang last day nila so most likely ganun ang gagawin nila.” Martin turned to Francis. “Mas mabuti siguro kung ilabas mo na ang mga plastic chairs at tables para maging handa ka na.”

Tumango-tango si Francis. He leanded towards Mara. “Pasulat naman dyan o.”

“Siguro kailangan na din nating mamili ng maraming pagkain,” sabi ni Mara kay Francis habang sinusulat ang mga detalye sa notebook.

“Oo, mas mabuti nga. Isulat mo na din dyan yung mga bibilhin. Ako na ang bahala dun…” sabi ni Francis na nakasilip sa notebook.

Namula ang pisngi ni Martin. Nakikita niyang magkalapit na ang mga mukha ni Francis at Mara sa isa’t-isa. Kapag lumingon si Mara kay Francis, siguradong hindi niya magugustuhan ang mangyayari.

“Mr. Martinez!” halos pasigaw na pagkasabi ni Martin. “Bumili ka nga ng sarili mong notebook nang hindi ka na nakikihalo sa listahan ni Ms. Fortaleza…!”

* * * * *

In two days ay darating na ang mga kaibigan ni Martin kaya naman naghahanda na si Mara.

Inilabas na ni Francis ang mga plastic chairs at tables mula sa isang shed sa may likod ng Admissions Office. Inilagay niya ito sa may likod ng bahay at pumasok sa back door. Lumabas siya ng kusina at nakita niya, sa may sala, si Mara na hawak ang rod ng kurtina at nakatungtong sa maliit na stool para isabit ito sa bintana. Pero kahit na nakatungtong na si Mara ay hindi pa rin niya gaanong abot ang pinakaitaas. She stood on her toes pero wala pa rin.

Sumikip ang dibdib ni Francis. Malas kasi si Mara kapag nakatungtong siya sa upuan or stool. Hindi kasi nito napapansin kung kailan nasa edge na siya. At minsan, hindi niya mapigilang isipin kung bakit parang nanginginig ang tuhod ni Mara lalo na kapag siya ang kausap nito. At katulad nga ng inaasahan niya, nakita niyang nasa edge na ng stool si Mara.

“Mara, bumaba ka na diyan. Ako na lang…” cautious na pagkasabi ni Francis.

“Hindi na, ako na lang,” sagot naman ni Mara na sinusubukan pa ring abutin ang itaas.

“Mahuhulog ka e…!”

“Hindi yan…”

And as if on cue, bigla ngang nadulas ang paa ni Mara. Naramdaman ni Francis na tumigil sandali ang paghinga niya at nang makita niyang napakapit si Mara sa railing ng bintana at nai-steady ang sarili, napabuntong-hininga si Francis ng malalim at napapikit.

Napatingin si Mara kay Francis at nahihiyang nakangiti. “Medyo madulas…”

Napatingin si Francis kay Mara with wild eyes. “BUMABA KA NA NGA DYAN!”

My One and Only HousekeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon