Chapter 6
Sa may sala ay nagtitiklop si Mara at Francis ng mga damit nila. Si Francis ay tinuturuan ni Mara kung paano itiklop ng maayos ang mga shirts at pants niya.
Habang nagtitiklop,
“Ok lang ba talaga sa girlfriend mo na dito ka nakatira?” tanong ni Mara casually.
Tumango-tango si Francis. “Wala naman siyang sinasabi sa akin pero mukhang oo…”
Tinignan ni Mara si Francis na hindi makapaniwala. “Nakita mo ba yung reaksyon niya nung pinapakilala mo ako? Para niya akong kakainin…!”
“Ganun lang yun. May pagka-OA…” sagot ni Francis na tinitiklop ang t-shirt niya ng maayos.
“E… kung bumili ka na nga lang ng condo?” suggest ni Mara. “Para naman hindi na magselos si Cindy…”
Tinignan ni Francis si Mara. “Hindi nagseselos si Cindy. Hindi siya ganun! Saka… ganun mo ba ko kinamumuhian? Na halos palayasin mo na ko dito?”
“Hindi naman kita pinapalayas a. Nagsa-suggest lang ako para hindi kayo magkagulo ng girlfriend mo.”
“Hindi kami magkakagulo. Saka isa pa, lagot ako kay mommy kapag nalaman niya iyon. Sa credit card niya kukuhanin ang pambili kaya hindi ako pwedeng mag-sikreto sa kanya…”
“Akala ko ba may sarili kang card?” tanong ni Mara na ngayon ay tapos nang tiklupin ang mga damit niya kaya pinapanuod na lang niya si Francis.
“Meron nga. Pero sino bang nagbabayad nung bill nun?”
“Basta wag mo akong sisisihin kapag nagkagulo kayo ng girlfriend mo a…”
“Hayy…” sabi ni Francis na parang nababanas. “Hindi nga mangyayari iyon. At ikaw? Pagseselosan niya? No way!”
Hindi alam ni Mara kung insulto ba iyon o hindi. Hinampas niya si Francis ng throw pillow.
“O…!” gulat na pagkasabi ni Francis. Naisip niya, mabuti na lang at throw pillow ang hawak ni Mara. “Ano na namang ginawa ko?”
* * * * *
Sumapit ang April 5, isang araw na napakaimportante para kay Mara; ang kaarawan niya.
Gumising si Mara. Alam niyang birthday niya pero ngayon na wala naman si TJ at ang mama niya, hindi siya masaya ngayon. Pero kahit papano ay napangiti si Mara nang batiin siya sa text ni TJ at ng papa niya.
Sinuklay ni Mara ang buhok niya at tinali na ito. Pagkatapos maghilamos ay kaagad siyang nagluto ng almusal.
Tahimik silang kumain ni Francis nang magising ito. Ni hindi binanggit ni Mara na espesyal ang araw ngayon. Matapos kumain at maghugas ng pinggan, nagkanya-kanya si Mara at Francis sa kung ano ang gusto nilang gawin. Si Francis ay nanuod na lang ng TV at si Mara naman ay nakaupo sa dining table, sinusubukang buuin ang 1000-piece puzzle na sinimulan nila ni TJ nung isang buwan pa.
Maya-maya ay nag-ring ang telepono. Tumayo kaagad si Mara para sagutin ito. Hindi alam ni Mara, naririnig siya ni Francis na nagkukunwaring nanunuod pa rin,
“Ok lang yun kahit wala ka dito,” sabi ni Mara sa phone. “Ok nga lang, ma…. Oo, kakain ako ng spaghetti….Wala naman akong masyadong naipon para sa birthday ko kaya hindi na lang siguro ako bibili ng regalo para sa sarili ko.” Napatingin si Francis kay Mara. “Opo, ma…. Mabuti naman kami…. Sige. Ipakamusta mo ako kay lolo ha?” At binaba na ni Mara ang phone.
“Birthday mo pala ngayon,” sabi ni Francis. “Bakit hindi ka nagsasabi?”
Nahihiyang ngumiti si Mara. “Hindi ko kasi ramdam na birthday ko kaya hindi ko na binanggit…”
BINABASA MO ANG
My One and Only Housekeeper
Fiksi RemajaThis is a romantic comedy love story that tells it's all worth it when you do it for love. Mara Fortaleza didn't really believe that someone will be able to love her for who and what she is. Until guy-next-door Francis Martinez came. Francis was the...